He's just a Stranger

84 0 0
                                    

He’s just a Stranger

Minsan may mga tao talagang hindi mo inaasahang dumating sa buhay mo. Minsan hindi mo alam na dadaan lang pala sila sa buhay mo at mawawala din agad. Papasayahin ka sa una at iiwanan na naming umiiyak sa huli.

Pero may mga tao ding mags’stay sa buhay mo at makakasama mo hanggang sa huli. Yung tipong dumating sya at ayaw ka na nyang iwanan pa. Yung taong magmamahal sayo hanggang sa tumanda kayo. Yung taong hindi ka papaiyakin.

Pero paano kung ang isang taong hinihintay mo na dumating at magstay sa buhay mo ay dumaan lang pala? Pano kung tumambay lang pala sya ng ilang oras o ilang araw o buwan o taon sa tabi mo? Iiyakan mo ba sya o tatanggapin mo nalang na sa buhay, walang nananatiling nasa lugar. Na katulad din ito ng earth. Umiikot at hindi constant. Na lahat ng bagay ay hindi nananatiling nasa lugar. 

He's just a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon