Naranasan niyo na bang maglaro nung Truth or Dare? Uso yan sa mga bata. Diba? Gustong gusto mo pa yung truth kasi malalaman mo yung crush ng isang tao.
Tuwang tuwa ka naman kung dare kasi kung anu-anong kalokohan ang ipagagawa niyo. Pero hindi lahat ng kalokohan nakakatawa.
Nakakapagtaka mang isipin, pero diyan ako natuto ng mga bagay-bagay. Nakakatawa man, pero diyan pala umikot ang buhay ko. Nakakalungkot man pero kailangan ko nalang sabayan ito.
Lahat ng bagay may consequence.
Eh paano kung itaya mo ang salitang LOVE sa laro na yan.
Sa tingin mo ba isa ka sa mga aamin ng katotohanan at mabubuhay sa mundo ng walang sikreto?
O isa ka sa mga sinasabing uto-uto at handang magpakatanga para sa taong mahal mo. Para lang mapasayo ito. Handa ka bang ibaba ang pride mo? Handa ka ba sa sasabihin ng ibang tao? Handa ka ba sa mga mararamdaman mo?
Anong pipiliin mo
TRUTH or DARE?
Authors note:
HI GUYS. PAKIBASA PO ITO PLEASE. Um, nagkabaliktad po yung sa CHAPTER 3 at CHAPTER 2. Nauna ko po maipublish yung chapter 3. Kaya pakiuna nalang po basahin yung Chapter 2. Salamat po!!