CHAPTER TWELVE
Daenaryn's POV
"What Dae!? Sinagot mo si DJ na nanliligaw ng wala pang isang araw!?" Pasigaw na tanong sakin ni Ella after ko ikwento sa kanya ang nangyari.
"Yes, what's the problem with that? Besides ang tagal ko din yong pinangarap. Dun din naman mapupunta bakit ko pa papatagalin?"
"Oh my gosh Dae! That's stupidity! Sa ginawa mong yan para mo na ding sinabi sa kanya at sa mga tao na easy to get ka! Anong silbi ng ilang taong pagturn down mo sa mga lalaki?"
"Teka lang Ella, below the belt na yang sinasabi mo ah? Hindi ka ba natutuwa na nakapagmove on na ako sa hinayupak na Matthew na yun?"
"Natutuwa ako na nakapag move on ka na pero hindi ko lang talaga inexpect na ganun mo kabilis sasagutin ang magiging manliligaw mo. Oo si DJ yon pero sigurado ka ba seryoso siya sayo? Kasi isipin mo ah. Parang nung nakaraan iniiwasan ka niya tas bigla bigla na lang siyang manliligaw sayo. At ikaw naman sumagot ng hindi man lang pinag isipan kung tama ba ang magiging desisyon mo."
"May point ka jan. Naiintindihan kita kung bakit nagkakaganyan ka kasi concern ka lang sakin. Pero please suportahan mo na lang ako. Si DJ to oh! Idol ko to! Ang daming nangangarap na maging girlfriend niya."
"Bahala ka na Dae. Sana hindi mo pagsisihan yang naging desisyon mo."
And with that, umalis na siya at pumasok sa kwarto niya.
*Hey Beautiful you've got a text message*
Oh di ba ganda ng ring tone ko. Haha
From: +63916*******
Hi Ash ko :)
Kyaaah. Nagtext si DJ ko na idol ko na BOYFRIEND ko.
To: +63916*******
Hello din DJ ko ^_^
From: +63916*******
DJ ko? Ayoko nun. Gusto ko Dee ang itawag mo sakin.
Dee? Bakit kaya Dee. Pero cute nung name ah. Unique :)
To: +63916*******
Sige Dee ko. Pero dapat ako lang tatawag sayo niyan ah? Kasi ikaw
Ang ang tatawag sakin ng Ash eh.
Napansin ko na unregister pa din siya sa contacts ko. Sinave ko na number niya ng "Dee Ko <3"
From: Dee Ko <3
Oo naman. Ikaw lang naman talaga ang tumatawag sakin ng Dee eh. Oh siya Ash ko. Magpapahinga muna ako. May shooting kami mamaya eh. Saranghae :*
Waaah. Kinikilig ako. Mahal niya daw akoooo.
To: Dee Ko <3
Sige sleep tight Dee ko. Saranghae :*
Makatulog nga din para magkita kami sa dream land.
~~~
Derick's POV
*knock knock*
Hindi ko pinansin ang kumakatok. Pinagpatuloy ko lang ang pagtulog ko.
*knock knock*
*ding dong~~ dingdong*
*knock knock*
At sunod sunod pa na pagkatok ang narinig ko. No choice ako kung hindi pagbuksan ng pinto ang kumakatok. Sana pala sa kwarto na lang ako natulog bakit pa kasi dito sa sala eh. Kapag nasa kwarto akodi ko maririnig katok nun. Aish! Istorbo sa pagtulog.
Pagbukas ko ng punto nagulat ako sa kumakatok.
"Anong ginagawa mo dito Ella"
"I want to talk to you"
"About what?"
"Daenaryn"
Pagkarinig ko ng pangalan ni Dae hindi na ako nagdalawang isip pa na papasukin siya.
"So what about her?" Nakaupo na kami ngayon sa sofa.
"Alam ko kung bakit bigla mo na lang siyang niligawan. At alam kong alam mo kung sino ako."
O.o
"Don't tell me ikaw si... "
"Nicole. Ako nga si Nicole." Pagtatapos niya sa sasabihin ko.
"Please Derick. Kung guilty ka lang sa nangyari dati kaya mo ginagawa yan itigil mo na please. Hindi na siya ang dating Ashley na nakilala mo. Si Daenaryn na siya ngayon. Wala siyang naaalala nung mga panahon na magkakasama pa tayo. Kaya please kung guilty lang yan itigil mo na."
Wala akong ibang masabi sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na hindi niya na naalala ang lahat ng nakaraan namin. Hindi na hinintay ni Nicole o Ella umalis na siya at lumabas ng Condo ko.
Hindi pa din nagsisink in sa utak ko ang mga nalaman ko.
Hindi maaring kalimutan niya lang ang mga nangyari noon. Gagawa ako ng paraan para maalala niya.
---A/N
Ayun ngayon lang nakapag update. Baka 20 chapters lang po ito :)
Thank you for reading
BINABASA MO ANG
Best Friend or Lover? (ON-HOLD)
JugendliteraturSamahan natin ang kwento ni Daenaryn. Sino ba ang nararapat sa puso niya? Si Derick ba na dream guy niya? Or si Matthew na past niya?