Chapter 10
"Ano Rence, masarap ba matulog sa sahig?" Bati ni Troy sa akin nung bumanggon ako, hindi lang pala basta sa sahig ako pinatulog ng mga ito, sa sala pa talaga, hindi man lang sa kwarto. Pangiti ngiti pa ito habang umiinom ng kape.
"Pa-Abby Abby ka pa kagabi. Lika na, binili ka na din namin ng kape" Pumunta na din naman ako sa Dining table kung saan nagkakape si Troy habang softdrinks naman ang iniinom ni Lance na punong puno pa ng yelo, iba talaga trip nun.
"Oh pang tanggal ng hang over" sabay lapag sa tapat ko ng kape. Hindi ako mahilig sa kape pero dahil my hang over talaga ako eh ininom ko na din.
"Grabe kayong tatlo, tatatlo lang kayo umabot 5k ang bill nyo kagabi" Si Patrick pala sumundo sa amin kagabi kaya ang aga agang namimwsit dito.
Sermon nanaman ito dahil sa laki ng bill namin kagabi. Tatawa tawa lang naman si Lance dito, ang alam ko siya ang unang tumumba pero parang wala lang sa kanya ang hang over.
"Bayaran kita mamaya." Hindi ko na pala namalayan kagabi kaya malamang si Patrick nagbayad nun.
"Wag na" Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin pero tumanggo lang siya. Ganyan talaga ata pag mayaman eh, nagtatapon ng pera.
"Galante mo ata" Biro ko pa dito, hindi naman siya kasali para siya mag bayad eh. He just smirked, ewan ko ba dito.
"Oh wallet mo" sabay bato sa akin ng wallet ko. Naku kala ko siya talaga nag bayad eh, muntik na akong maniwala dun ah.
"Anong pinang bayad mo?" nakita ko kasing parang walang bawas ung cash na dala ko eh. Ngumiti ito ulit.
"Your platinum credit card?" pinandilatan ko siya ng mata sa sinabi niya at bigla sila humagalpak sa tawa.
D.amn it, nakatago yun sa kasuluk sulukan ng wallet ko ah. Saka naka connect un sa card ni Dad kaya namomonitor niya yun kaya hindi ko madalas ginagamit yun.
May ibang card naman ako, bakit yun pa pinagtripan nitong si Patrick. Saka hindi lang un ang dahilan bakit ako nag rereact. Pucha, alam kong nakita niya kaya siya tawa ng tawa.
"Parang hindi ko alam na, Sentimental ka pala Rence" sabay lapag ng ilang mga nakasingit sa wallet ko kung saan naka tago ung card kong un.
Nagkalat sa table ang ilang pictures, yah pictures namin ni Abby at ung siya lang at ilang memories of her. Bakit ko ba kasi ito tinago sa wallet ko? Pahamak talaga yung kalasingan na yun.
Nagsilapitan ang mga mokong sa paligid ko. Ako nanaman nasa hot seat nito. Bakit ba ganito mga kaibigan ko? mapalalake o mapababae ang hilig mang intriga.
"Patay na patay ka pa din talaga kay Abby? lets see.... almost 4 years ago na un at mukhang hindi ka pa din nakakamove on" seryosong paglalahad ni Patrick.
"Wag mong masamain ha, Ano bang meron sa Abby na yan? Pati kayo ni Henry nagkasira na dahil sa kanya? Eh hindi naman siya.." bigla kong pinutol ang sinasabi ni Troy.
"Hindi siya tulad natin? hindi siya mayaman?" para sa mga tulad nila o should I say namin, minsan importante din ang status nito eh.
"Naiintindihan kita bro, alam kong wala un dun. Pero mukhang ok naman sila ni Henry ah matagal na din sila" alam ko din ibig sabihin ni Patrick, dahil bukod sa akin close din sila ni Henry.
Kahit naman anong itanong nila wala akong masasagot dahil mismong ako gulong gulo na. Matagal ko ng hinahanap mga kasagutan sa mga tanong nila, tanong ko din yan sa sarili ko.