A/N:
arranged marriage???
alam kung marami ng storyang ganyan pero, gusto ko lang dumagdag..ahahahaha
-----------------
PROLOGUE
Alam kong hindi na uso ang fixed marriage ngayon, pero anong magagawa ko kung napabilang ako sakanila?
Wala naman diba? Lalo na kung pamilya na ang pinaguusapan.
Akala ko okay na lahat sa amin ng sabihin niyang mahal na rin niya ako pero agad ding nawala ng dahil sa isang malaking kasinungalingan na sumira ng mundo't buong pagkatao ko.
Simula ng iwan ako ng asawa at piliin nito ang babaeng una niyang minahal ay nagparaya ako kahit na labag sa kalooban ko. Ayoko kasing ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw na akong makasama't makita.
Ang mahalaga nalang sa akin ngayon ay ang makasama ko ang anak ko. Ang anak kong ipinagkaluno ng sariling niyang ama.
May sumubok na umako sa anak at sa puso kong sugatan pero hindi ko ito pinaasa dahil alam kong may mas higit na babae sa akin na makakapagpaligaya sa kanya, hindi tulad ko na pamilyadong tao na.
Nagpakalayo-layo ako para mamuhay ng tahimik sa ibang bansa pero kung kelan naman siya bumalik tsaka naman ako dinapuan ng sakit. Sakit na kahit kailan ay hindi pa nabibigyang lunas. Na kung saan tanging milagro nalang ang kakapitan mo.
Makakamit ko pa kaya ang minimithi kong kaligayahan kasama ang pamilya ko kung may taning na ang buhay ko? - XIAZTHYN AVERY EGALLA
BINABASA MO ANG
GROW OLD WITH YOU [R-18]
Narrativa generaleGrow old with a tedious woman (formerly ARRANGED MARRIAGE TO A TEDIOUS WOMAN) COMPLETED Masakit para kay Avery na itakwil ng mga taong mahalaga sa kanya lalo na't inakusahan siya sa bagay na wala naman siyang kinalaman. Na pati asawa't magulang niy...