Chapter 1 - Who is Lian?

129 1 0
                                    

Lian P.o.V

Ako si Christianne Dominguez

- Certified player,nag-aaral sa isang sikat na university sa Manila. I'm taking up B.S Architecture at malapit ng matapos. Sa wakas! Pagod,puyat at luha ang puhunan ko matapos lang ako sa course na ito,hindi kasi biro ang gumawa ng mga plates at i-submit ito bago matapos ang deadline. I've been into three failed relationships and each last for years. Nakakapagod mag-invest ng panahon at feelings sa isang tao na hindi mo alam kung tatagal sa iyo. Until I met Jessine Suarez, classmate ko sa isang minor subject. She's taking up BS Education sa university rin na pinapasukan ko,ahead ako ng three years sa kanya. Graduating ako,sophomore naman siya. She's pretty and straight. Hindi ko alam kung bakit nahulog ako sa kanya. Nasabi kong straight dahil aksidenteng nakita ko siya isang uwian na sinundo ng kanyang boyfriend. Boyfriend kasi nakita kong magka-holding hands silang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Ang sweet nga nila eh.

Sa una wala lang,seatmate lang kami ni Jessine. Na-ngongopya ako sa kanya dahil tinatamad talaga akong pasukan ang minor subject na ito. Matutuwa ba ang isang Architecture graduating student sa minor subject niyang Filipino? Ewan ko,pero ako hindi ako natutuwa kung pwede nga lang na hindi ko na kunin ang subject na ito hindi ko na kinuha eh.

" Suarez boyfriend mo ba yong kasama mo noong isang araw? " bulong ko sa kanya habang abala ang professor namin sa harapan sa pag-susulat sa white board.

"Ha?Anong sabi mo?"napalakas niyang sabi...

" May problema ba tayo sa sinusulat ko Ms. Suarez?" ang professor namin,napalakas kasi ang boses ni Jessine kaya akala siguro ng professor siya ang tinatanong nito.

" Ah,wala po Ma'am,hindi ko lang po masyadong narinig ang sinasabi ni Dominguez tungkol po sa retorika." palusot nito sa professor namin.

Pinandilatan niya ako ng mata,saka ibinaling ang atensyon sa ginagawang pag-ti-take down notes niya.Natapos ang klase namin at nagmamadali siyang tumayo upang lumabas ng classroom.

" Suarez sandali.." tawag ko sa kanya at huminto naman siya.

" Bakit ba? Muntik mo na akong ipahamak kanina sa klase, ngayon ano naman ang problema mo?" naiirita niyang sabi sa akin.

" Gusto kita Suarez.." nabulalas kong sabi, hindi ko alam kung saan nanggaling yon.Bakit ganun ang nasabi ko? Namula si Jessine,hindi lang dahil sa sinabi ko kundi dahil narinig ito ng mga kakalase namin na hindi pa rin umaalis sa room na iyon.

May isang engot na classmate namin ang hindi napigil ang bibig.

" Suarez sagutin mo na agad si Dominguez bago pa yan tuluyang maging Architect." si Andrew,isa sa kaibigan ko at kumukuha din ng architecture.

Tumayo ako at sumabay sa kanya sa paglabas.

" Pasensya ka na ha?Hindi ko napigilan ang bibig ko." hingi ko ng pasensya sa kanya habang naglalakad sa corridor.

" Dominguez,huwag ako ang pag-tripan mo dahil wala akong panahon sa kalokohan mo. " pagtataray niya sa akin,pero ewan ko ba  I find it cute kahit pa masungit siya sa akin.

" Pwedeng Lian na lang tawag mo sa akin? And I'll call you Jess or Jessy. Wala na tayo sa loob ng klase at masyadong formal eh." napapakamot ako ng ulo.

" Bahala ka sa gusto mo,pero pakiusap lang  huwag ako ang pag-tripan mo." papasok siya sa library, allergic pa naman ako sa library.

"Teka. Jess tungkol sa sinabi kong gusto kita. Gusto talaga kita.Hindi ko alam kong kailan nagsimula,basta gusto kita." sabi ko ng deretso ng  nakatingin sa mga mata niya habang pigil-pigil ang isang kamay niya.

I Need to be Next to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon