Someone's POV
Nakakapagod ang araw na ito, sumasakit na naman ang dibdib ko kaya naman naisipan ko muna na magpahinga kahit sandali lang. Kinuha ko ang diary sa cabinet ng study table ko upang malibang-libang naman ako kahit papaano. Pagmamay-ari ito ng Lola ko, ala-ala nila ng Lolo ko. Ayon kasi sa mga kwento sa akin ni Dad noong bata pa ako ay nakasulat daw dito 'yong mahahalagang araw na nangyari sa buhay ng parents niya, na hinding-hindi niya malilimutan na kung saan hanggang ngayon ay baon-baon niya pa rin.
Halatang matagal na ang diary'ng ito dahil kulay brown na ang kulay ng papel at medyo kupas na ang tinta ng ballpen pero kaya pa rin basahin. Kaya naman sisimulan ko na ito ngayon dahil bukas ay may kasal pa akong pupuntahan.Avery's POV
NANDITO na ako ngayon sa harap ng simbahan, ewan ko pero parang naiiyak ako 'di dahil sa tuwa na ikakasal na ako kundi naiiyak ako dahil hanggang ngayon ay wala pa ang groom ko. Alam ko na nakasanayan na nating lahat na nauuna ang groom sa loob ng simbahan habang hinihintay ang kaniyang bride, pero ito ako, nauna pa sa kaniya. Nagkakagulo na nga ang lahat sa labas dahil naka-ready na ang mga abay at mga flower girls, mga ninong at ninang sa harap ng pintuan ng simbahan habang ako ay nasa loob pa rin ng sasakyan.
Ilang saglit na lang ay tutulo na ang kanina pang nangingilid kong mga luha. Ini-expect ko naman na mangyayari ang ganito, e, pero nagbabakasakali pa rin ako na baka magbago bigla ang isip niya. Pero isang oras na ang nagdaan ay wala pa rin ito. Kanina pa nga rin siya tinatawagan ng mga magulang niya pero hindi niya sinasagot. Namalayan ko na lang na binuksan ng organizer ang pinto ng kotse sa side ko at sinabing magsisimula na ang seremonya.HINDI ko alam kong anong mararamdaman ko dahil habang naglalakad ako sa aisle ay hindi ko man lang siya nakitang tuminigin sa akin kahit isang sulyap man lang. Nakatagilid lamang ito sa kinatatayuan niya. Hindi katulad ng ibang groom na pinagmamasdan ang paglapit ng bride sa kanila habang nakangiti at halos teary eyed pa na para bang ang bride nila ang pinakamagandang nilikha ng Diyos.
Nang makalapit na ako ay tsaka lang siya natauhan nang kausapin na siya ni Dad. May binulong si Dad sa kaniya at tumango-tango lang siya matapos ay nakipag-shakehands at pilit na ngumiti. Hanggang sa iniabot na ni Dad ang aking kamay sa braso ni Drix.
Nagsimula na nga ang seremonya, tinanong ng pari kung may tumututol ba sa kasalan namin. Ngunit nanatiling tahimik ang paligid. Bahagyang tumingin ako kay Drix, siguro hinihintay ko kong tututol ba siya at magra-runaway groom siya pero nanatili lang siyang tahimik at tuluyan na ngang sinimulan ang seremoniya.
"Hendrix Reutotar and Xiazthyn Avery Egalla, have you come here freely and without reservation to give yourselves to each other in marriage?"
"Will you honor each other as man and wife for the rest of your lives?"
"Will you accept children lovingly from God, and bring them up according to the law of Christ and his Church?" sunud-sunod na tanong ng pari sa amin.
"I will, father" deretsahang sagot ko ngunit nanatiling tahimik ang katabi ko. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa sinasabi ng pari o ano, pero kanina pa siya tulala na para bang wala ang isip niya sa kasalang ito. Hindi ko naman siya masisi dahil ako ang may kagustuhan nito. Nagpapalit-palit ang tingin ng pari sa aming dalawa at naririning ko na rin ang mga bulungan ng mga tao sa likuran ko. Hanggang sa tinanong na siyang muli ni Father.
"Hendrix Reutotar have you come here freely and without reservation to give yourselves to your wife?"
"Will you honor your wife for the rest of your lives?"
"Will you accept children lovingly from God, and bring them up according to the law of Christ and his Church?"
Napatingin lang siya sa akin ng bigla kong hinawakan ang braso niya at pinisil na para bang nagmamakaawa ako habang binibigyan ko siya ng say-yes-look. Hanggang sa nagsalita rin siya.
"Y-yes" sinasabi niya iyon ng labas sa ilong at malapit ko na nga rin isipin na sa priest siya nagpapakasal imbis na sa akin dahil sa pari lang ito nakatingin mula pa kanina. Ilang sandali na lang ay magiging asawa ko na ang taong nasa harapan ko. Mayamaya ay nagharapan na kami pero nakayuko lang siya, hindi ko na lang pinansin dahil magsisimula na ang sumpaan namin sa isa't isa.
"I, H-Hendrix Reutotar, take you, Xiazthyn Avery Egalla, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life," sabi niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapasok sa daliri ko ang singsing, na tila ba may malaking bara doon. Nanginginig ang mga kamay niya, natauhan lang siya nang ako na mismo ang naglusot ng daliri ko sa singsing na hawak niya.
"I, Xiazthyn Avery Egalla , take you, Henndrix Reutotar , to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my lif," sabi nang nakatingin lang sa kaniya kahit na nakayuko ito. Tumutulo na rin ang aking mga luha dahil alam kong hindi bukal sa kalooban niya ang mga sinabi niya sa akin sa mismong harap ng Diyos at mga saksi. Siguro nga hindi ako 'yong babaeng gusto niyang pakasalan dahil hangang ngayon ay hinihintay niya pa rin ang pagbabalik ng babaeng unang nagpatibok sa puso niya.
"I hereby pronounce you husband and wife." Baling sa amin pareho ni Father. Matapos 'yon ay tumingin na siyang muli sa asawa ko.
"You may now kiss your bride." Tumingin ako sa kaniya upang hintayin ang sunod niyang gagawin, pero ano pa nga bang aasahan ko? Na hahalikan niya ako sa harap ng maraming tao? No choice, kaysa naman mapahiya ako sa harap ng maraming tao kaya ako na ang humalik sa pisngi niya. Nagpalakpakan naman ang mga saksi at nagsimula na ang picture taking.
Una kami munang dalawa ang kinuhanan, todo ngiti ako dahil 'di ako makapaniwala na asawa ko na siya. Nang mapatingin ako sa kaniya ay seryoso lang ito at nakatingin lang sa harapan nito kaya naman hinawakan kong muli ang braso niya at agad naman siyang napatingin sa akin. Nang lingunin niya ako ay ngumiti ako sa kaniya ng pilit na parang nakikiusap na ngumiti siya sa harap ng camera.
At nagsimula na ngang magbilang ang photograper at pilit akong ngumiti ng may luha sa aking mga mata. Matapos 'yon ay sumunod naman na kasama namin ang mga abay, ninong, ninang at ang parents namin.AGAD kaming dumeretso sa reception matapos ang seremonya sa simbahan at gano'n pa rin ang expression niya, malungkot na parang nagsisisi na pinakasalan niya ako. Ngumingiti man siya pero pilit lang. Kahit sa sayawan namin ay hindi siya makatingin sa akin ng deretso.
Nang matapos ang reception ay sumakay na kami sa sasakyan na maghahatid sa amin sa bahay na titirhan namin na iniregalo sa amin ng mga magulang namin. Nang makarating kami sa bahay ay dumeretso siya agad sa taas at naiwan ako sa baba na pinagmamasdan ang kabuuan ng mansion.
Hanggang sa narinig ko ang yabag niya pababa ng hagdan na iba na ang suot. Iniayos na kasi nila Mom ang mga gamit namin dito kaya nakapagbihis ito kaagad.
"Drix, where are you going?" nakita ko kasi na nagmamadali siyang lumabas kaya naman hinabol ko siya hanggang sa may main door ng bahay. Pero wala man lang akong nakuhang sagot sa kaniya dahil dali-dali siyang sumakay ng kotse nito at kumaripas na habang ako ay naiwang umiiyak sa may pintuan at napaupo na lang habang nakatakip sa aking bibig ang aking kamay upang pigilan ang paghikbi ko.
BINABASA MO ANG
GROW OLD WITH YOU [R-18]
General FictionGrow old with a tedious woman (formerly ARRANGED MARRIAGE TO A TEDIOUS WOMAN) COMPLETED Masakit para kay Avery na itakwil ng mga taong mahalaga sa kanya lalo na't inakusahan siya sa bagay na wala naman siyang kinalaman. Na pati asawa't magulang niy...