For blacknightmare_26 sorry ngayon lang ako nakagawa.
• • • • • •
It was already 3pm. Still wala pa rin yung groupmates ko. Gagawa sana kami ng group report but then until now wala pa sila. Shiz lang, usapan namin 1 pm pero ni isa sa kanila walang dumating. Sana man lang nag inform sila na di sila makakapunta edi sana di ako nagsayang ng oras ko kahihintay sa kanila.
My phone suddenly vibrated . It was a text message galing sa isa kong kagrupo at it was telling me na hindi siya makakapunta dahil sumasama na yung panahon.
Inis kong isinuklay kung buhok ko tsaka ko inilapag sa table yung phone ko. Kainis lang sila. Binuksan ko nalang yung laptop ko. Dito ko na ilalabas frustrations ko . Sa pagsusulat. Tumingin ako sa glass window sa gilid ko. It was starting to rain.
Dito nalang ako magpapalipas ng oras hanggang sa humina yung ulan. Ayaw kong mabasa.
Yep, i was inside the coffee shop. Napatingin ako sa plate na nasa gilid ng laptop ko paubos na rin pala yung cake na inorder ko.
Parang gusto kong mag coffee , lumalamig na rin kasi dahil sa ulan. Tinawag ko yung waiter para umorder ng caffe latte.
Tinutok ko na ulit yung atensyon ko sa laptop ko. After few minutes sinerve na nung waiter yung order ko. Tumingin ako sa kanya
" thank you kuya" napatingin ako sa latte. Ang cute nung design ng foam niya . Nakakatuwa.
" hello! Can i share a sit with you? Kung okay lang?" Biglang may nag salita sa harapan ko.
It was a guy. A cute guy.
Kumunoot naman noo ko tsaka ko nilibot paningin ko. Aw, wala na palang space dahil marami na yung tao.
" okay lang" sabi ko tsaka ngumiti ng bahagya.
" salamat" sagot niya pabalik. Pagkatapos noon ay hinayaan ko nalang siya. Binalik ko na ulit yung atensyon ko sa laptop ko.
" can I ask you?" Biglang sabi ng guy kaya agad akong napatingin sa kanya.
" anong maganda i order dito?"
" lahat naman masarap eh" sagot ko
" ah eh ikaw ano yung favorite mo dito?"
" the one im drinking right now, cafe latte " sagot ko
" waiter. I want cafe latte " sabi niya rito.
" how often do you went here?" Tanong ko
" its my first to try here" sagot niya.
Tsk, malamang. Mukhang naligaw lang naman siya dito. Grabe rich kid siguro to. Pang artista yung kutis eh.
Nag order siya. Habang ako naman ay nakatutok sa laptop ko.
" nga pala, I'm Darren!" Pakilala niya. Hays kanina pa kami nagkausap pero di pa kami nagkakilala
" Samantha " simpleng sagot niya.
Akward person kasi ako. Di ko alam kung paano magsimula ng convo unless kapag mga kaibigan ko ang kaharap ko.
" you write?" See? Siya ang nag uumpisa
" well.. Everyone writes" natatawang sagot ko dahilan para umiling siya. Natawa rin siguro.
" pero hindi lahat ay kayang gawin yang ginagawa mo. " sabi niya
" past time ko lang to ginagawa. Kapag bored lang" sabi ko
" so boring pala akong kausap?" Tanong niya.