Sa May Bintana

164 1 0
                                    

Nais ko namang ikwento ang aking karanasan na nangyari noong nasa highschool ako. Third year high school ako noon ng magkaroon kami ng computer set sa bahay. Nilagay iyon sa bakanteng kwarto sa itaas. Nang palagi na akong gumagamit ng computer, naisipan ko na doon na lang din matulog para hindi ko na maistorbo sa pag akyat baba ko sina mama na natutulog sa sala.

Unang linggo. Sabado.

Walang kurtina ang mga bintana sa kwarto ko kaya kahit sarado ang mga bintana at patay ang ilaw ay maliwanag parin sa buong kwarto. Halos alas tres ng madaling araw na ako laging natutulog kapag nagco-computer ako. Alas tres singko nung oras na yun noong makarinig ako ng lagabog ng yero. Agad kong binuksan ng dahan dahan ang bintana dahil sabi ni mama baka magnanakaw yun o mga pusa namin na brusko at mabibigat ang talon. Pero ng buksan ko ay wala naman. Naisip ko na lang na matulog since mag aalas kwatro na at magigising na sina mama.

Alas kwatro trenta.

Naalimpungatan ako sa pagtunog ng yero na animo'y may naglalakad dito. Pinipilit kong isipin na pusa lang pero bigla akong kinilabutan. Tumalikod ako sa bintana. Pinipilit matulog ng biglang may kumakaluskos sa jalousy. Gusto kong tignan pero pinapangunahan ako ng takot. Limang minuto ang lumipas at nawala ang mga nakakatakot na tunog. Nakahinga ako ng maluwag. Nag unat-unat. At naghahanda ng matulog ng mahimbing.




Alam kong may nilalang na nakatayo sa likod ng mga kurtina...




Nararamdaman ko ang malalim na paghinga niya...





Pinagmamasdan niya ako...




Inaantay niya ako makatulog...




Alam ko, gabi gabi niya akong pinagmamasdan..




Maaring wala siyang ginagawang masama sa akin...



Pero the fact na nagmamasid lang siya habang nakahiga ako ay nagpapatayo na ng balahibo ko..




Lalo pa't hindi siya tao.








                             ~FIN~

Kababalaghan: Mga Misteryong Hango sa Totoong Buhay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon