Chapter 15

11.2K 407 23
                                    

Storm Charles Yu on the media ^_^

Enjoy the UD for today ^_^

-cutelittletiger18

Rain's P.O.V

Lumabas na kami ng music room. Papunta kami ngayon sa canteen gutom na kasi kami ehh. Alam niyo naman masama magutom yung anaconda sa tiyan ko haha. Pagkatapos namin umorder ay humanap na kami ng mauupuan and luckily nakahanap kami na kasya kaming apat.Pinag-order na rin namin si Snow. Alam niyo naman baka magtampo yun hahah.Nakaupo na kami nang biglang nakita ko si Storm. Namumula yung tenga. Anyari dun. Ganun ba mag blush yung mga lalaki yung tenga yung namumula? Hahaha

Bigla naman dumating si Snow ganun din siya namumula yung mukha.

"Uyyy Snow anong nagyari sa inyo ni Storm? Bakit kayo namumula?" tanong ko

"Ano?! May nangyari na sa inyo?! Buntis ka?! Sabihin mo?! Buntis ka? Ikakasal na ba kayo?!? Waaaaahhhh! Ano bakit ayaw mong magsalita? Sabihin mo dali!! Binuntis ka ba niya? Ikakasal ka na ba? Sabihin mo Snow may nangyari ba sa inyo? Kung ikakasal ka ako maid of honor no. Tsaka kambal ba? Waahhh ako ninang ahhh. Sabihin mo dali! Uyy Snow bakit ayaw mo magsalita? Ayy sa kasal pala niyo ako na bahala pati na rin sa binyag ng mga ba-" Hindi natuloy ang sasabihin ni Winter.

"Una paano ako mag sasalita kung tuloy tuloy ka kung magsalita. Pangalawa paano ako mabubuntis kung wala man nangyari sa amin. Ano yun bigla susulpot yung baby? Pangatlo paano kami ikakasal eh hindi ko nga alam kung gusto niya ako ehh!!" Snow

"Bakit parang kinikilig ka?" Autumn.

"Mamaya na mga bruha pakainin niyo ko!! Ang init grabe!!" Snow

"Kumain ka na nga mamaya ahh. Ikwento mo haha!" Winter.

Kain lang kami ng kain hanggang sa bigla kaming nilapitan ni Sky.

"Hi girls! Ohh bakit ang pula mo yata Snow?!?" Sky. Sabay akbay sa akin. SA AKIN?? Malandi talaga tong lalaking to. Allergic ako sa mga malalandi ehh. Tinanggal ko yung pagkaka akbay niya sa akin.

"Uyy sweetie bakit mo tinanggal?" Sky. SWEETIE?!? Anong pinagsasasabi ng lalaking to? Binalik niya ulit yung pagkaka akbay niya sa akin.

"Wag mo nga akong hawakan!!" sabi ko.

"Pshh akbay lang ehh!!" Landi.
Landi yung tawag ko sa kanya. Ang landi neto ahh.

"Ehem!! Nakalimutan niyo yata na nandito kami?" Winter

"Eto kasi ehh ang landi landi!" ako

"Anong malandi? Clingy lang pshh!" Landi

"Ewan ko sayo!!" ako.

"Sus! Kinikilig ka lang niyan ehhh!" Landi

"Ako? Ako kikiligin sayo? No way highway expressway! Over my dead but sexy body!" sabi ko.

"Ikaw sexy? Saan banda?" Landi

"Sa katawan! Tanga ka ba? Kesa naman sa mukha nohh!! Saan ka nakakita ng sexy na mukha? Ano yun parang bote yung mukha may curve?" ako.

"Pssshh sexy daw. Hahahahahaha ang dami kong tawa mga anim. Anim na tawa para sayo hahaha dagdag mo yang tatlo. Siyam na. Siyam na tawa para sayo." Landi

Aba loko to ahh!! Magbilang ba naman ng tawa!! Abnormal lang.

"Girls tara iwan na natin sila. Nakalimutan na tayo ehh! Pinagpalit na tayo ni Rain huhu" Winter. =.= ang drama talaga ng babaeng to.

Princesses In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon