Chapter 20 --- The Still Loved Ex

379 10 5
                                    

▬TRIXIE'S POV

 Sir Darrel chuckled.

Aba! Pagtawanan daw ba ko? Duh! Seryoso kaya ako sa tanong ko! Haha! Joke! Pa-cute ko lang yun syempre! Tipong pa-comedy effect! Hehe! Pwede ba namang hindi umuwi to eh kita mong from head to toe bagong palit! Naka-shades pa ah! Lalo tuloy siyang nagmukhang artista!

"You're succeeding Trix. If you're trying to be cute, you're really succeeding." he said.

>///<

Eeeeeehhh! Wag ganyan Sir ang aga-aga pa butterfly garden na kaagad yung tiyan ko!

Binuksan ni Sir yung pintuan ng passenger seat.

"Hop in." sabi niya.

Syempre sumakay na ko. Alangan namang mag-inarte pa ko diba?

Sumakay na rin si Sir sa car and then nag-drive na.

"Sir may tanong ako." I said.

"Ano yun?" sabi naman niya without looking at me. Syempre sa daan sya nakatingin kasi nagda-drive siya.

"May dinaanan ka ba sa QC? Or sinundo mo lang talaga ako?" tanong ko.

 "Sinundo lang talaga kita." sagot niya.

>///<

"Parang gusto ko kasing gawing maingay ang umaga ko. Haha!" sabi pa niya.

-_________-

Okay na sana eh. Tss...

"Ay wow ha. So ako Sir ang magpapaingay sa umaga mo ganun?" I asked.

"Parang ganun na nga. Haha!" he replied.

"Duh! Ang tahimik ko kaya Sir!" I said.

"Kapag tulog." sabi niya. Aba! Nang-aasar to ah. 

"Sir pasalamat ka prof ka kundi kanina pa kita binanatan." sabi ko. Hehe!

"Speaking of banat, mahilig ka ba sa mga banat na nauuso ngayon Trix?" he asked.

"Hindi Sir. Ayoko ng mga ganun." I answered.

"Bakit naman?" tanong ulit niya.

"I find it baduy kasi." sagot ko naman.

"Haha! Medyo nga. Pero nakakatuwa rin naman siya in a way." sabi niya.

"May alam akong banat Sir kahit nababaduyan ako sa mga ganun. Gusto mong sample?" tanong ko.

"Go." tipid niyang sagot.

"Okay game. Sir, sumusobra na ang pagfa-farmville mo." I said.

"Bakit?" tanong naman niya.

"Kasi pati puso ko na-harvest mo na. Hahahaha! Ang baduy talaga nakakainis!" sagot ko. Natatawa ako sa sarili ko!

Siya naman ngumiti lang!

"Osige ako naman." Sir Darrel said.

"Okay go Sir!" I said.

"Airport ka ba?" tanong niya. Haha! Talagang seryoso ata si Sir sa pagsabi ng banat ah!

"Bakit?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"Kasi kahit gaano man kalayo ang lipad ng isip ko, sayo pa rin lumalanding ang puso ko." sagot niya.

>///<

EEEEEEEHHHHHHHHHH!!!

Bakit kapag si Sir ang nagsasabi ng banat hindi ako nababaduyan?!

"Hahahaha!" tumawa na lang ako ng pilit para naman di niya mahalatang kinilig ako dun. OO KINILIG AKO kahit nagkakalokohan lang kami!

I Don't Wanna Fall In LoveWhere stories live. Discover now