Tick. Tock. Tick. Tock. Tick. Tock.
Five more minutes at matatapos na ang klase ko. Nagbigay ako ng short quiz para sa lesson na nadiscuss ko ngayon at hinihintay ko na lang na matapos sila. Naglakad-lakad ako at chini-check ang mga estudyante ko kung mayroon bang nandadaya ."No cheating," I warned them. I heard someone from the back groaned. Napapailing na lang ako. Hindi naman mahirap ang binigay kong quiz ah.
*Bbzzzzzzzzzzzzzzzzttttttttt.. .
Tunog iyon ng buzzer hudyat na tapos na ang klase ko ngayong umaga.
"Pass your papers please and don't forget to copy your assignments before you leave," Paalala kong muli. Nagmamadali na ang iba na umalis kaya't nakalimutan ng magpaalam sa akin. Okay lang naman sa akin. Naiintindihan ko sila. Istrikto ako sa pagpapatupad ng oras. Eleven thirty ang out namin kaya alam kong gutom na sila at nakalimutan na ang magpaalam sa akin.
Umalis na ang pinakahuling estudyanteng kumukopya ng assignment. Nagligpit na rin ako ng mga gamit ko. Nagrereklamo na kasi ang mga alaga ko sa tiyan. Ipinagbuklod-buklod ko ang mga quizzes at mga ipinasang assignments ng mga estudyante ko. Inilagay ko iyon sa maliit at kulay asul kong drawer na katabi ng mesa ko. Nagmark din ako ng petsa doon para hindi ko makalimutan.
Pinulot ko na rin ang phone ko at hinanap sa loob ng backpack ko ang susi ng room. Hindi kasi ako dito kumakain. Madalas ay sa isang karinderya lang ako mag-isang kumakain.
"You weren't answering my call,"
Gulat akong napatingin sa pinto. Standing there was a devilishly handsome hunk with his signature smile.
Shit. Si Superman ba yung nasa pinto ng room ko ?
He was wearing a white long sleeves folded up to his elbow.
Businessman na businessman ang attire ah. Ano kayang trabaho niya ? And wait. Nag-gi-gym ba siya ? Ang lalaki ng mga braso niya.
Ano ba itong naiisip ko ? Ipinilig ko ang ulo ko at pinilit na alisin sa isip ko ang mga walang kwentang mga bagay na iyon.
"Anong ginagawa mo dito ?" Instead of answering his question I asked him.
"Kailan pa naging sagot sa isang tanong ang isa pang tanong ?" He chuckled. I raised my eyebrow.
"By the way, I'm here to ask you for lunch. Ano ?"
Lunch ? Seryoso ba siya ?
Oh come on, Sam ! We both know you've been dying to have lunch with him. Remember before ? Almost one week mong isinama sa panalangin mo ang ganyan. Ayan na oh. Grab it now ! Opportunity knocks only once.
Yes I do remember that. But that was before. Way back in my highschool days. I used to pray that he would ask me to have lunch with him. Na napakaimposible naman talagang mangyari since we are not close and nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari nung Foundation Day.
"Please ?" He's now looking at me with pleading eyes.
Am I imagining things ? Si Gavin ba talaga itong kaharap ko ngayon ?
Well, people change.
"Sure," But on second thought, wala bang magalit kung magkasama kaming maglunch ?
Ngumiti naman siya and for the nth time, I felt my heart skip a beat.
BINABASA MO ANG
The Masochist
Fiksi UmumAng sabi sa kanta ni Taylor Swift , "Nothing lasts forever ." Ang sabi naman sa librong nabasa ko , "Change is the only permanent thing in this world." Pero bakit ganun ? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip at puso ko ang nangyari sev...