May kumatok...
"Paula?" takang tanong ni Sandy sa dati niyang kaklase sa highshool at nalaman niya na kapitbahay ito nang kanyang boyfriend dahil nagpunta siya sa appartment na tinutuluyan ni Matias nuon...
"Kailangan mo itong malaman Sandy...niloloko ka ni Matias." anito na ikinagulat ni Sandy. Patuloy pa niya na, "Nakita ko kagabi na may pinapasok siyang balinkinitang babae sa appartment niya."
"Hinde!!! Hindi iyan totoo nagsisinungaling ka lang!" ani Sandy kay Paula...
"Maniwala ka Sandy! Concern lang ako sa iyo. Niloloko ka ni Matias and its better to you leave him!" aniya at saka umalis palayo...
Nuong nalaman niya iyon ay tinanong agad nito ang boyfriend na soon-to-be-husband. Itinanggi iyon ni Matias. Kaya naalis ang kanyang duda at inis ang nangibabaw dahil sa paulit-ulit na pagpunta ni Paula sa kanilang bahay at sa text. Pinipigilan niya lang maglit dahil naging magkaibigan sila. Nagtataka si Sandy kung bakit ginagawa iyon ng kanya. Kaya hindi niya na lamang ito pinapansin...
________________________________________________________________________________
Isang araw bago ang napipintong pag-iisang dibdib. Naruon si Matias upang dalawin ang misis-to-be at duon na rin nag-hapunan.
Aksidenteng nahulog nang nakababatang kapatid ni Sandy na si Carlo ang kutsara...
"Ang gulo-gulo mo kasing kumain!" saway ni Conchita sa anak. " Kumuha ka na lang ng bagong kutsara at madumi na 'yan!"
At biglang may kumatok...
"Ang papa na siguro 'yun pero diba tinidor ang nahulog?" ani Conchita
"Ako na Ma.." si Sandy.
Binuksan niya ang pinto subalit hindi ang kanyang papa kundi si Paula...
"Mukhang nandiyan ang manloloko mong fiance!" kita iyon ni Paula dahil mula pinto ay kita ang hapag-kainan. "Ang kulit mo, di ba sabi ko hiwalayan mo na siya!!!" sarkastikong sigaw niya na ikinagulat ni Sandy.
Narinig iyon nila Matias at pumunta sila sa kinaroroonan ng makulit na Paula at sinabing, "Bakit mo ba iyan ginagawa?!" hasik ni Matias.
"Hindi pinansin ni Paula ang tanong niya at tumuon kay Sandy. "Lolokohin ka lang ng lalakeng yan! Gumising ka sa katotohanan Sandy!"
Hindi na mapigilan at nagalit na, "Tumigil ka na!!!" ani Sandy. Umalis ka na dito!!!" pinaalis niya na ito.
"Ano bang problema niya?" ani Matias
"Baka desperada na ang babaeng 'yun..." saal nang mama ni Sandy. "O 'sya bumalik na tayo sa hapag-kainan."
KINABUKASAN..its a wedding day!
Subalit wala pa ang groot at tila bride pa ang nauna sa simbahan!!!
"Ang tagal naman!" himutok ni Conchita dahil 30 minutes late na ang manugang-to-be. "Fe, nasaan na ba ang anak mo?" tanong niya sa nanay ni Matias.
"Malay ko ba sa bata na 'yun.Dapat kasi sa bahay namin sa Dasma siya tumuloy para sabay n kaming pumunta rito sa kasal..Pero hindi, sa appartment parin niya! Ang kulit talaga niya, mana sa ama!" mahabang sabi nito, hiwalay sa asawa kaya ganon...
Kinontak ng nakababatang kapatid na babae ni Matias ang kuya pero. "Wala ate..hindi sumasagot." sabi niya kay Sandy.
"Nasaan ka na ba Matias..."ani Sandy.
Ilang sandali may dumating sa simbahan... ngunit hindi si Matias kundi si Paula!
Agad lumapit si Sandy sa kanya, "Anong ginagawa mo rito? Anong ginawa mo kay Matias?!" tila nag-histerikal na ito.
Nagtataka siya, "Nandito lang ako para tigilan ang kasal pero mukhang natigil na nga at iniwan ka na niya...Ang sabi ko naman sa'yo hiwalayan mo na ang manlolokong yun dahil iba't ibang bbae ang pinapasok niya sa kwarto-"
"Hindi niya maaaring gawin yun! Mabait ang anak ko!" ani Fe sa kanya..
Ayaw man talagang maniwala ni Sandy pero paano kung iyon ang katotohanan!
Kaya cancel ang kasal at nagpunta agad sila Sandy, Paula, ang pamilya ni Matias, kasama ang makulit na little bro ni Sandy na si Carlo.
.....Samantala.....
Binuhusan siya nang tubig na ikinagising ni Matias. Nakapiring siya kaya hindi niya alam kung nasaan siya at hindi niya itomaalis dahil nakatali ang kanyang mga kamay...
"Sino kayo???" tanong niya. "Pakawalan niyo ako dahil araw ito nang kasal ko!!!!"
_______________________________________________________________________________
Dumating na si Sandy sa apartment. Room 218 si Matias, agad kumatok sila Sandy...
Kumakatok din si Sandy. "Matias, lumabas ka diyan manloloko ka!!!" subalit sa room 216...
"Ineng, bakit ka diyan kumakatok?! room 218 ang anak ko!" ani Fe sa kanya..
"Pero dito ko siya nakita kagabi... " takang sabi niya..
Patuloy parin sa pagkatok si Sandy at hindi na lang pinansin si Paula dahil may pagka-anga-anga iyon...
....Agad bumukas ang pinto sa kwartong kinatok ni Paula....
"Sino ka ba?-" sabi nang lalakeng boxers lang ang suot sa kanya..
"Sandy nandito ang manloloko!!!" agad lumingon sina Sandy sa sinabi ni Paula. "Sabi ko naman sa inyo ito ang kwarto ni Matias eh.." dagdag niya nang lumapit sila sa kanila..
"Teka sino ba kayo???!" ani naang lalakeng kawangis ni Matias..
"Darling, who are they?" sabi nang sexy na babae sa kanya..
"Matias!! Manloloko ka!!!" ani Sandy at binigyan ng malutong na sampal.
"Aray! Bakit mo ba ako sinampal???! Mababawasan ang pagkapogi ko.." aniya
"Hindi ako nagkkamali...Ikaw ang nawawala kong anak at kakambal ni Matias!!" ani Fe
Na ikinagulat nilang lahat! "HA?????"
"Teka, kailangan pa nating mahanap si Matias!"
Bago mauwi sa madramang reunion na tagpo, kumatok muli sila Sandy sa kwarto ni Matias kasama si Paula...
Agad na sumingit ang makulit na batang si Carlo at nagtagumpay naman siyang buksan ang doorknob.. "Ang talino ko no..." pagyayabang na sabi niya sa ate..
Pabukas ng pinto, agad nilang nakita ang asul na rosas sa sahig...
"Hindi kaya!!!" ani Paula...
________________________________________________________________________________
Bumalik sila Sandy sa simbahan ayon na rin sa sinabi ni Paula..
Naruon nga si Matias na nakahiga malapit sa entrada ng simbahay...
Agad lumapit si Sandy, "Matias!!"
"Tulog lang siya ate.." sabi ni Carlo sa kanya..
Nagising si Matias, "uhmmm..Sandy..."
"Matias!!" niyakap nila ang isa't isa....
"AND you may now kiss the bride."
Naglapat ang kanilang mga labi..Sa wakas! Natuloy na rin ang kasal nila at nahanap pa ang long-lost brother ni Matias na si Walter.
Nawala kasi siya nuong pumunta sila sa Divisoria para bumili ng school supplies nang 7 y.o pa siya. For being makulit na ayaw mgpahawak sa nany iyun! nawala ang bata...
Pero thank you Lord na nagkita na sila at thank you rin dahil sa pagiging anga-anga ni Paula...
TAPUS!
BINABASA MO ANG
Blue Rose: Ang Paunang Kwento na Sobrang Maikli Lamang
Mystery / ThrillerPaunang Kwento.that means its the 1st chapter..abangan na lang ninyo ang 2nd 3rd etc..sa mga suki ninyong tindahan!! hehe