Althea
"Hello Jade?"
"Am...Althea I will sleepover at Sally's house tonight. May birthday kasi, it may end up late."
"It's alright, Jade. Just watch your liquor intake ok?." bilin ko.
"I will, thanks Althea. Bye." paalam na niya. Mula nang umagang yon na sinabi ni Lolo ang tungkol sa pagkakaron ng apo ay naging tahimik na kami ni Jade. Bigla kaming nagkahiyaan, madalas ay breakfast na lang kami nagkakasabay at sa gabi pag dating ko ay tulog na siya. Ang Lolo kasi panira ng diskarte. Tumayo ako sa table ko at matamang tumayo sa glass wall ng aking office. Tanaw ko ang naglalakihang mga gusali pero wala don ang isip ko. Na kay Jade. Tama nga si Mang Julio mula ng ikinasal kami hindi na siya nawala sa isip ko. Hindi pala. Mula ng malaman ko ang plano nila Lolo at Tito Oscar. Hindi pa rin. Noon pa man hindi ka na nawaglit sa isip ko Jade bulong ng isip ko. Saka ako naglakad pabalik sa offce table ko at binuksan ang side drawer, andon ang mga magazines na si Jade and featured Model. Naglabas ako ng malalim na hininga saka muling isinara ang drawer. Pero mali ang ikulong siya sa relasyon na ito ulit ko sa sarili ko. Kailangan kong makausap si Lolo, nabuong desisyon ko.
"Your afternoon coffee." rinig kong boses na siyang pagpasok ng may dala ng kape.
"Thank you, Andrea." simple kong sagot.
"Malalim nanaman ang iniisip mo ah." puna niya
"Lagi naman di ba?" sagot ko.
"Mas mukha yatang lumalim ngayon." balik niya.
"Ngayon ko lang alam how keen observer you are." biro ko
"Not really. Depende lang sa tao at mga situations that interest me." depensa niya at napatango lang ako. Ngumiti lang ako dahil ayaw ko mg humaba pa ang usapan namin.
"Thank you again for the coffee." sagot ko na lang.
"No need to. But you're welcome. Maiwan na kita." sagot niya at tumalikod na siya. She's back from work 3 days ago pero hindi siya nagtanong or nangamusta tungkol sa mga nangyari ng nakaraan. That's what I observed from her, she may be nosy at times pero tuwing wala lang siya sa office at hindi ako nakikita. It's enough for her to see me or knows what I am doing.
"Don't forget your dinner meeting with Mr. de Castro tonight at RW 7pm." balik niya pag dungaw sa pinto bago niya tuluyang isinara. Hindi ko na nakuhang magsalita pa. Another business meeting sabi ko lang sa isip ko saka ko kinuha ang cellphone ko at nagdial.
"Hello, Apo?" sagot ni Lolo Pablo.
"Yes, Lo. Kamusta na po kayo?" tawag ko dahil dalawang araw na rin siyang hindi namin nakakasabay ng breakfast.
"Ayos naman Apo. Pasensiya na hindi pa ako nakakapasyal. May sakit ang ilang baka rine eh kaya hindi ko maiwanan." sagot ni Lolo.
"Ganon po ba?It's ok po Lo. I'll try to visit you there this weekend po."
"Mainam yan Apo ng makapag pahinga ka rin. Kasama mo ba si Jade?" may siglang tanong ni Lolo.
"Ahm Lo, hindi po. Gusto ko rin po kasi kayong makausap..."
"May nangyari ba sa inyo ni Jade?"
"Wala naman po, Lo. Maybe we can talk about it when I get there?" sabi ko na lang.
"O siya sige Apo. Hihintayin na lang kita sa makalawa kung gayon." malungkot na sabi ni Lolo. Bigla rin akong nalungkot.
"Ok, Lo. See you and take care." paalam ko na lang. Mabuti ng maaga pa ay matapos na ang kalokohan na ito kesa tumagal pa at lalong mahulog ang loob ko kay Jade. Mas mahirap ng makawala pag malalim na masyado ang nararamdaman ko. Kasalanan ko din ito kung bakit hinayaan kong mangyari.
BINABASA MO ANG
Life With You
FanfictionAn arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa iba ay hindi po sinasadya. CTTO of the picture. Completed: January 3, 2019