"Are you sleeping with him?" Buong gabi kong hinihintay na itanong ni Caleb iyon. Ever since we left the apartment, the atmosphere between us had been awkward. That question hung in the air all night at wala akong ganang kumain dahil nate-tense ako.
"That's none of your business." Or anybody else's. Kung anong namamagitan sa amin ni Ethan ay wala ng pakialam ang sinumang tao. Wala kaming sinasagasaan na iba. We're both adults at alam namin ang ginagawa namin.
Tila napahiya si Caleb sa tinuran ko. I softened my expression and made my voice less stern.
"What's between me and Ethan is a private matter. Please, 'wag na nating pag-usapan pa si Ethan."
"Do you love him?" Hindi ko siya masagot agad, pero tila nakita niya sa mga mata ko ang tunay kong nararamdaman. He needed no further confirmation.
"Mahal ka ba niya?" Nakuha niya ang sagot sa aking pag-aalinlangan.
"You love him and you sleep with him kahit na hindi kayo pareho ng nararamdaman. Ginagamit ka niya for sex and you are a willing victim. Nakikita mo ba ang buong situwasyon, Veronica?"
"Hindi requirement ang love para mag-sex ang dalawang tao, Caleb. I love him but he does not love me. So what? May batas ba na nagbabawal na mag-sex kami dahil hindi kami pareho ng feelings sa isa't isa? And don't you dare say that he's taking advantage of me and that I am a victim. Hindi niya ako pinipilit. Kusa kong ibinibigay ang sarili ko. Pumasok kami sa ganitong arrangement na fully aware sa consequences."
Hindi makapaniwala si Caleb sa mga sinasabi ko.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? I thought you were better than this. Don't be cheap, Veronica."
Ikinuyom ko ang mga palad ko para mapigilan ang pagdampi ng mga kamay ko sa pisngi niya.
"Porke't pumasok ako sa ganito ay cheap na ako agad? Bakit, ikaw? Hindi ka ba nakikipag-sex sa iba na walang halong pagmamahal? Dahil ba babae ako kaya iba dapat ang standards ko? Wala ba akong karapatan na malayang makipag-sex sa kung sino ang gusto ko? Hoy Caleb, hindi lang lalaki ang nalilibog. Pati rin babae. Just in case hindi mo pa 'yan nababalitaan."
Hindi siya nakapagsalita. Nagkatitigan lang kami. Hindi ako aatras. Kung makikipag-debate siya sa 'kin ay 'di ko siya uurungan.
"What I'm trying to say is that you can do better."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"What you really want to say is that I can do someone better, right? Like you, perhaps?" Nagulat siya sa sinabi ko. "Yes, I know you like me. Hindi ako tanga para hindi iyon mapansin." I scoffed. "Pareho lang kayong mga lalaki. You call a girl cheap either because she is cheap or because you want to sleep with her but she's sleeping with someone else."
Mukhang nahihirapan itong magsalita.
"So, I think quits na tayo. Niligtas mo ang buhay ko at nalibre na kita ng dinner. Mauuna na akong umuwi. Let this be the last time we see each other. Bye." Tumayo ako at walang lingon-likod na lumabas ng restaurant na iyon.
Naghihintay ako ng masasakyan sa gilid ng daan ng mag-ring ang cellphone ko. Ang Momskie ko ang tumatawag. Sinagot ko iyon agad.
"O, Momskie." bati ko sa kanya.
"Nica, naaksidente si Dadskie mo. Nasa ospital kami ngayon."
"Po?" Napahawak ako sa dibdib ko. "S-sige po. Pupunta ako diyan as soon as possible."
"Sige anak, ingat ka." Pagtatapos nito sa tawag.
"Veronica!" Napalingon ako kay Caleb na lumabas mula sa restaurant. Nilapitan niya ako.
"I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na 'yun. I was a jerk." paghingi niya ng tawad.
Hindi ko siya maintindihan. Ang utak ko ay nasa Dadskie ko na nasa panganib ang buhay. Napansin niya ang pagkabalisa ko.
"What's wrong?" Nag-aalalang tanong nito.
"Naaksidente ang papa ko."
"Oh god, I'm sorry."
"Kailangan ko siyang puntahan." Wala sa sarili na pahayag ko.
"I'll give you a ride." Walang pag-aalinlangan na sabi nito.
Hinayaan ko lang siya na alalayan ako papasok sa kotse niya. Ilang sandali pa ay pinaandar na niya ang sasakyan at tinatahak na namin ang daan.
Nakauwi ako sa apartment mga alas tres na ng hapon kinabukasan. Klase pa ni Ethan ng mga oras na iyon kaya hindi ko siya nadatnan roon ng dumating ako. Kinuha ko ang patay ko ng cellphone mula sa clutch bag ko at i-chinarge iyon. Nang mag-on iyon ay nakita kong pitong missed calls at sampung texts ang natanggap ko mula kay Ethan. Babasahin ko nalang ang mga texts niya mamaya. Gusto ko munang maligo at magbihis. Suot ko pa rin ang parehong damit kagabi.
Pumunta ako sa banyo at nag-shower. Habang naliligo ay bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Sobrang laki ang naging tulong ni Caleb sa akin at sa pamilya ko. Matapos akong ihatid sa ospital ay nanatili pa siya roon. Sinigurado niya muna na magiging maayos ang lagay ng Dadskie ko bago siya naunang bumalik.
Naalala ko pa ang sabi ng Momskie ko na gawin ko na raw boyfriend si Caleb sa lalong madaling panahon bago pa siya masungkit ng iba. Botong-boto daw siya na ito ang maging nobyo ko. That was coming from my mother who never liked any of my two previous boyfriends.
Matapos maligo ay nagbihis na ako ng pambahay. I decided to skip my classes for that day. Pagod na pagod ako, emotionally and mentally.
Naghahanda na akong matulog ng may kumatok sa pinto.
"Veronica?" It was Ethan. I did not realise I missed him until I heard his voice.
"Pasok."
Bumukas ang pinto at sumilay ang mukhang hindi pumapalya sa pagpapatibok sa puso ko.
"Hi." bati ko sa kanya na may maliit na ngiti sa labi. Hindi siya sumagot, ni hindi siya ngumiti.
"You did not answer or even returned my calls and my texts." Parang nang-aakusa ang tono nito.
"Where have you been? Kasama mo ba buong magdamag ang lalaki na 'yun?"
Wala ako sa mood para makipagtalo sa kanya.
"Did you have sex with him, huh?" He grabbed my arm forcefully and lifted me up from the bed.
"Hindi ako nakipag-sex kay Caleb." Mas nagalit yata siya ng banggitin ko ang pangalan ni Caleb.
"Ethan, please. Nasasaktan ako." Humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
He made me bend over the bed. I heard his zipper opening.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. I have decided. This is the last time I will let Ethan do this to me. Tama si Caleb, I deserve better.
BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
General FictionPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...