SANA'S POV :
Hindi ko inaasahan yung sagutan namin ni Tzuyu kahapon . Anong magagawa ko ?! Nadala na ko ng emosyon ko . Nasa kanya na si Dahyun kaya ano pang gusto niyang mangyari. Gusto ba niyang tuluyan na kong umalis sa buhay ni Dahyun ?
Nag-aalala ako kay Dahyun hanggang ngayon . Pinuntahan na siya ni Tzuyu at Jihyo sa Filming Location niya . Sana makumbinsi nila si Dahyun na bumalik na dahil hindi magandang tumira mag-isa. Baka mapaano pa siya . Sino nang mag-aalaga sa kanya ?
Makalipas ang ilang oras , Talagang hindi padin ako mapakali . I want to see her . Gusto kong masiguradong safe si Dahyun .
"Ano ba , Sana Unnie ? Para kang kiti-kiti" Sambit ni Chaeng dahil kanina pa ko palakad-lakad.
"Kasi nag-alala ako kay Dahyun" Sabi ko .
"Sana Unnie , Kailan mo pa ba matatanggap yung katotohanan ?" Tanong ni Chaeng . Napayuko na lang ako.
"Ginagawa ko naman ang best ko pero hindi ko talaga magawang kalimutan yung feelings ko para sa kanya . Mahal ko siya . Mahal na mahal" Sambit ko.
Tinapik ni Jungyeon Unnie ang balikat ko.
"Magtiwala ka lang , Sana . Makakalimutan mo din siya" Sambit niya sakin.
"Tama si Jungyeon , Kaya mo 'yan . Kami nga nagawa namin . Ikaw pa kaya ?" Sabi naman ni Nayeon Unnie.
"Eh , Bakit si Momo ? Nagawa ba niyang kalimutan si Dahyun ?" Tanong ko.
Natigilan si Momo Unnie na kumakain.
"Bakit nadamay ako ? Oo , Inaamin ko ! Gusto ko padin siya pero ginagawa ko naman ang best ko . Ikinakain ko na lang kapag nalulungkot ako" Sabi niya samin.
"O....Okay" Sabi ko. Takaw talaga niya .
"Sana Unnie , Kaya mo 'yan . Magtiwala ka lang sa sarili mo" Sabi ni Mina .
Napabuntong-hininga na lang ako at pinaupo na ko nila Nayeon Unnie sa Sofa .
"Magrelax ka nga . Uuwi din si Dahyun" Sambit nila sakin . Napatango na lang ako .
Nagulat ako dahil biglang kumanta si Chaeyoung . Hala ! Ano bang pinaglalaban ni Chaeng ?!
Kinanta niya yung ni-cover niya sa Melody Project namin. Letche ! Yung "ALONE" yung kinanta niya .
Inaasar ba niya ko ?! Alone na Alone na nga ang puso ko .
"Dareun gilloman geotgido haetgo
Meolli doraseo wado neul jejarinde
Yeogin amudo naega honjainjido molla
Wollae eopdeonsaramcheoreom joyonghae"(Even though I've walked on other streets
Even when I turn around and come in a distance , It's always in its place
No one here would even know that I'm Alone
Its quiet as if it's someone that didn't exist at all)Napahikbi na lang ako . Natigilan sila nang makita akong paiyak na .
"U....Unnie" Gulat na sabi ni Chaeng .
"Bakit kasi kumakanta ka ng ganyan ?" Naiiyak kong Tanong .
"Sorry Unnie , Kumakanta lang naman eh . Pasensya na" Sabi niya . Nilapitan nila kong lahat at nagform ng group-hug .
"For Sana !" Panimula ni Nayeon Unnie . Napigilan ko yung luha ko dahil nagsimulang magpatawa sila Nayeon Unnie .
"Kaya mo 'yan ! Kumain ka na lang din" Sabi ni Momo kaya natawa na lang ako .
"Ayan , Ngumiti ka na . Cutie Sexy ng Twice" Sabi nila Chaeng sakin.
Bigla namang dumating si Jihyo Unnie nang di kasama si Dahyun o si Tzuyu .
"Ano nang balita ?" Tanong namin.
"Nag-uusap na silang dalawa nang masinsinan . Iniwanan ko na para magkausap na sila" Sagot niya samin .
"Ganun ? Sana magkaayos na sila" Sabi nila Mina Unnie.
"Oh , Sana ! Anong nangyayari dito ? Bakit nagkukumpulan kayo diyan ?" Tanong niya samin.
"Wala 'to . Medyo nagkakatuwaan lang" Sambit ko sabay smile.
"Ganun ? Sige" Sagot niya samin.
Yumuko na lang ako . Alone na Alone talaga yung puso ko ngayon . So , Nag-uusap na pala silang dalawa . Masakit . Oo , Masakit talaga . Pero Anong magagawa ko ? She's not even mine . Wala akong karapatang magalit o pigilan sila . Higit sa lahat , Wala akong karapatang magselos dahil hindi naman kami . Tulad ng sinabi ni Dahyun noon , Walang kami . Noon pa man wala nang kami . Matagal na niya kong binitawan kaya ano pang laban ko .
Yung meron si Tzuyu na wala ako . Yun yung puso niya . Lahat ng sinabi niya tumatak sa puso't-isipan ko . Kahit gaano kasakit , Nagagawa padin ng puso ko na maka-survive . Ewan ko ba ! Anong laban ko kay Tzuyu ? Wala ! As in Wala na ! Pero yung puso ko , Handa pading umasa sa wala .
"Dubu Ko" Mahina kong sabi habang naalala lahat ng memories namin ni Dahyun together . Yung mga panahong masaya kaming dalawa . Kahit ilang beses pa kong masaktan , Kakayanin ko . Kakayanin ko para sa kanya . Lahat ng sakit , selos at luha titiisin ko .
To Be Continued .............
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang Chapter na 'to ay ang pageemote ni Sana . HAHAHAHA ! Ang ganda talaga ng cover ni Chaeng ng Alone . Ang boses niya , Omo ! Daebak .
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanficThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...