C H A D
"Hello po sir, kamusta po yung umaga ninyo?" Napatingin ako sa babaeng barista sa Starbucks na halatang nakikipagflirt sa akin.
"Okay lang. One Iced hazelnut macchaito please." Sabi ko at iniabot ang aking pera sa cashier, buti nalang lalaki. Medyo gwapo at matipuno, yun lang.
"Anong size po?" Tanong ulit ng barista habang ang kanyang mata napunta sa crotch level ko. I mentally covered it with my hands. Nirerape na ako ng babaeng to ah. At saka diba ang nasa cashier ang nagtatanong niyan?
"The usual" I sighed. Halos araw-araw rin akong pinagnanasahan ng baristang 'to.
"Gusto niyo po extra milk? Yung malapot? Mas masarap po iyon. Hihihi." Napasmile siya at kinagat ang kanyang forefinger. Hindi pa nagpaawat, nagbeautiful eyes pa. Gross.
"No thanks." Walang emosyon kong tuggon kasi kapag pagnagsmile ako siguradong laglag panty niya.
Biglang may nagcall. Sa peripheral vision ko, naging alert ang mukha ng barista at halatang na gusto makirinig. Walang manners, so I inched myself away from her, para malayo-layo na ako sa counter.
Mom calling...
I heaved a heavy sigh before answering the call. Alam na alam ko kung tungkol sa ano ang dahilan sa pagtawag niya.
"Son, your dad wants you at exactly 8:00. Alam mo naman diba na may party mamayang gabi?" Wala pa nga ako naghi. She waited for my reply kaya napaface palm ako. This is it, damn.
"Don't tell me nakalimutan mo?"
"No, pero akala ko next month pa gaganapin ang party? Bat napaaga?"
This is bad.
"Ewan ko rin, basta kanina niya lang sinabi sa akin. May mahalaga siyang announcement mamaya and I'm pretty sure your presence is much needed."
"Okay mom, I'll be there. Tatapusin ko lang ang trabaho ko."
"Okay. Stay safe honey. I love you"
"I love you too."
The heaviest sigh I heaved in all history. Mas nakakastress pa ito sa trabaho ko. Hindi ko inaakalang na mas mapaaga ang announcement ko. But I think mas malaki pa ang pasabok ni dad kesa sa akin. I just really have to tell them that I'm-
"Hep! Sino yun? Bat ka nagiloveyou? Diba single ka?!"
Shit. Anong bang problema nito at bigla-bigla na lang sumusulpot? Isa pa ito sa nagpapastress sa akin, ang kagwapohan ko.
Hindi ko sinagot ang mga tanong niya, ano ko siya girlfriend? Yuck.
"Where's my macchiato?"
Halatang nadismaya siya sa pagiba ko ng topic at hindi pagsagot sa mga tanong niya.
"Ah sir itatanong ko lang sana kung ano ang full name niyo. Para sa cup niyo ho, may nagistorbo kasi sa atin." Mariin niyang sinabi ang istorbo kala mo naman may kami. Nagpapasalamat ako sa mom kong savior ngayong araw.
"No need. Tutal kilala mo ang itsura ko. I don't give my name to strangers. Where is my drink? You're wasting time."
Halatang nasaktan siya sa sinabi ko kaya't napasmirk ako ng konti. Bagay sayo.
"Sorry ho, ito po ang order niyo"
Walang alin-langang kinuha ko ito sa kanya at tuluyan ng lumabas ng starbucks. I sipped a little bit from my cup. The sweet taste of it made me forget a little bit about my dilemma. Alam kong mapait naman na pangyayari naman ito mamaya.
Nakita ko pa ang ibang babae na napatingin sa gawi ko at yung iba naman ay may kasama pang nobyo o asawa. I wear my oakley sunglasses at saka sumakay na sa aking sasakyan.
Kahit balik-baliktarin natin ang mundo, gwapo talaga ako sa mga mata ng tao. Oo, gwapong lalaki. But what's the point when I don't feel happy or proud about it? Mas napapahamak ako dito eh.
-----------------
**Andito tayo sa flashback ni Chadrick. 8 years old pa lang siya, kung saan unti-unting nagbloom ang kagwapohan niya. Sa mga pedophile diyan, wala lang**
"Mom?" Malumanay na sambit ng batang Chad na parang may gumugulo sa isipan nito. Nasa mansion na siya ngayon at kararating niya lang galing school.
"What is it honey?" Patuloy parin si Mrs. Escovar sa pagme-makeup. Bongga ang suot nito dahil na rin sa party na gaganapin mamaya.
"Where you are going?" He tugged his mom's sleeve nang hindi ito nakikinig sa kanya.
This time, lumingon na si Mrs. Escovar sa kanyang anak na may dala-dalang papel at gift. Napataas ang kilay ni Mrs. Escovar dahil na rin sa pagtatakha.
"Ano yan, Chad? Is it for mommy?" Pabirong sabi ni Mrs. Escovar sa anak, dahil impossible naman sa kanya yun dahil hello kitty ang balot maliit na box.
"No mom, it was given to me." Sabi ng batang Chad habang inaalala ang nangyari kanina sa kanilang paaralan.
***Flashbackception! Ito ang flashback ni Chad nung natanggap niya ang regalo***
Nasa playground ang batang Chad pero wala itong kasama o kalaro man lang. Pinipilit niyang mapag-isa dahil na rin alam niyang hindi siya karelate sa mga bata dito. Siya'y nag-aaral sa isang elite school kaya malaki-laki rin ang playground kaya nga hindi ito outdoor. Nasa isang napakalaking silid na kumpleto na ang lahat ng barayte ng laruan. May mini fountain. Para makaenjoy ang mga yaya habang nagbabantay sa kanilang alaga. May swimming pool sa bandang gilid at gazibo naman sa isang gilid. Halatang ayaw madudumihan ang mga anak nila dahil de aircon ito.
Balik tayo sa tahimik na batang Chad, bata pa lang alam niyang may iba sa kanya. Hindi siya yung tipong mahilig sa pagkikipaghalubilu sa kanyang edad, gusto niya mas matanda pa sa kanyang edad.
Hambal siya'y tahimik na umuupo sa isang bench sa gazibo may batang lalaki ang lumapit sa kanya.
Isang cute na bata. May dala-dala siyang isang maliit na may hello kittyng gift wrapper at isang papel specifically stationary na hello kitty din.
"Para sayo" namumula ang pisngi ng batang lalaki dahil na rin sa hiya.
Pero mas nahiya ang batang Chad dahil first time niya ito, lalong-lalo na sa hindi niya pa kilalang batang lalaki.
"Talaga?" Hindi makapaniwang tanong niya sabay kuha sa regalo at papel.
"Yup" ngayon nagsmile na ang batang lalaki. "That's from my sister, she likes you but she's shy."
Biglang nawala yung ngiti ng batang Chad.
"Really? Where is she?"
"Dunno" exagerrated pang nagkibit balikat ang bata at saka lumakad na paalis.
"Thanks!" Pahabol ni batang Chad.
"Nah, thank my sister! Byeeeee!" At ayun iniwan siya ng batang lalaki sa gazibo na mag-isa ulit.
"Tsk. I thought it was from him."
At ayun hindi na niya binuksan ang regalo dahil nabadtrip ito, hindi niya man lang na kilala ang batang lalaki at ang kanyang secret admirer.
***End of Flashbackception***
**Rewind sa flashback**
Kinuwento ni batang Chad ang lahat nangyari kaya napatawa nalang si Mrs. Escovar dahil marami-rami na ring batang admirers si Chad.
Kahit hindi pa gets ni Chad ang mga nangyayari, alam niya lang na naging masaya siya sa pagbigay ng batang lalaki sa kanya ng gift.
Binasa nila ang letter, at galing ito kay Blakely. Walang apelyido.
**End of flashback**
Pagkatapos nun, mas marami pang babae ang nagkakagusto sa kanya, at hindi niya na naencounter ulit ang misteryosong batang lalaki at ang mystery admirer niya na si Blakely.
BINABASA MO ANG
The Gay Mermaid
FantasyIto ay ang kuwento tungkol sa buhay ni Chadrick Escovar. Lahat na sa kanya ngunit may kulang pa at ito ay 'freedom'. Confused ba siya o talagang tinadhana siyang maging sirena. Dahil sa hindi inaasahang turn of events, siya'y nakipagdeal sa isang my...