1

10 0 0
                                    

Naniniwala ba kayo na pwede mainlove kahit sa text lang? Depende siguro sa tao. Ako kasi yung isa sumagot ng "OO." Nainlove ako sa text lang. Ang tanga ko kasi eh. Ano sa tingin niyo? Pero ganon naman sa love diba? Pero depende talaga yan sa tao. May nakilala kasi ako. Matagal na kaming friend. 1yr ago since we knew each other. Tapos nag katext kasi kami ulit netong nakaraan lang. Nag kausap. Nag asaran, kulitan at landian. Oo, malandi kasi siya sakin. Umabot ng 1 month na ganon. Tapos nag tapat na gusto niya raw ako. Gusto niya manligaw. Sabi ko kung kaya mo mag hintay ng 5yrs, okay lang sakin. Sabi niya sige daw. 2weeks na rin yun simula ng nag tapat. Sweet niya. Sweet namin. Lol. Nadala na nga ako sa kasweetan niya e. Tapos may sinalihan kaming textpad. Tapos ayon may mga pa-games at sumali siya don. May na-link sakanya don sa game. Nag tanong siya sakin kung okay lang ba. Sabi ko sige okay lang yan. May tiwala na rin ako sakanya non eh. Tumagal ng one week yung sa game. Parang may iba na ako na feel. The next week, the next thing happen is really broke my heart. Umamin siya sakin na gusto niya na raw yun. In just one week, uh?! Oo. Ang bilis lang. Sabi niya iba daw yun at ako. Kasi crush niya lang daw yun at ako ang mahal niya. Sabi ko talaga ba? Ha ha. Tapos hanggat sa naiinis na 'ko. Kasi alam ko may iba na nangyayari e. Pinatigil ko na siya. Ayaw ko kasing masaktan ako lalo. Tsaka ayun naman kasi yung gsto niya ipahiwatig. Walang kami kasi. Oo. Ayoko pa mag boyfriend sa ngayon. Ang mali lang kasi pinayagan ko siyang i-envade ang sistema ko. Nakakainis. Alam ko seryoso siya non. Girls instinct nga eh. Pansin ko yun nung nag kakatext ulit kami. Umabot pa nga one month bago siya nag tapat eh tapos dahil lang don sa sinalihan namin na clan at dahil siguro type siya nung girl don kaya type niya na rin yata. Si Ateng girl kasi kaya siya bigyan ng title eh. Ako? Wala akong kayang ibigay. Wala kaming label. Alam niya. Alam niya na mag hihintay siya ng 5 years tapos ayon ginawa niya. I gave him time to decide, to choose between that girl and me because I kennat. Oo, I'm hurt na eh. Sabi niya nalang sakin na "sorry" at alam niyang nasasaktan ako kasi nakakaselos sila nong babae. Sobra sila sa mga group messages na narereceive ko. Putangina. Selosa talaga ako. Ang mali nag seselos ako kahit hindi kami pero binigyan niya ako ng karapatan mag selos. Binigyan ko nga siya ng karapatan landiin ako e. Aba! Sobra na masyado ha. Mygahd. Swerte niya naman diba? Nag katalo lang sa title na yan. Kasi gusto ko "Masayang Umiibig" lang muna kami. Sorry siya ng sorry at nakakainis lang kasi parang nang aasar yung pag hingi niya ng tawad. Edi ano pa ba magagawa ko? Pinatigil ko na kasi yun ang meaning ng sorry niya. Hindi naman ako slow para hindi magets yun. Sabi ko wag na siyang mag sorry kasi the damage has been done atsaka kaka-sorry niya nakaka-cri ako. Tangina. I let go of him. Kahit na mahal ko na siya. Oo, nagmahal ako sa text. Ang pangit pakinggan, ano? First time in my history. Pinanghawakan ko kasi yung salita niyang kaya niya at ako lang. Pero hindi pala yon totoo. Siguro sa umpisa lang totoo. Hindi pala kasi yun sapat para maniwala ako. Ngayon ko lang napatunayan na sa umpisa lang magaling ang mga lalaki. Oo. Nilalahat ko. Galit ako eh. Naiinis ako sakanya at sa sarili ko kasi hinayaan ko mangyari 'to. Masakit. Hindi dapat ako nasasaktan kasi hindi naman naging kami pero pakdat minahal ko at mahal ko pa rin. Ang babaw kong tao kasi tinetreasure ko siya ng ganon tapos nauwi lang sa ganito. Ang drama ko tapos wala namang dahilan para mag drama kasi di naman siya AKIN at di rin ako SAKANYA. Gusto niyang makipagkaibigan sa huli. Sabi ko okay lang pero sa isip ko. Sinaktan mo na ako tapos kakaibigan mo pa. Ano torture na to eh?! Hays. Pero pumayag pa rin ako. Masochist lang. Tapos nag sorry na naman. Nag sasawa na ako sa sorry niya. Kunwari nalang masaya ako. Sabi ko siguro wag nalang siya mag text para maging okay ako. Tapos malapit na mag one week na wala kaming communication. Okay naman ako pero 'di masaya. Laging nakatawa kahit 'di masaya. Wala naman kasing nakakahalata kaya okay lang mag pretend ako na masaya. Great pretender na ba ako? Hahahahahaha! Ang galing ko noh? Walang nakakakilala sakin. Kahit pa pag mag kasama tayo ngayon ay hindi mo mapapansin yung lungkot ko unless i-open up ko sayo 'to. Buti nalang walang alak kasi baka nag wawala na ako ngayon. Hahahahahahaha. Putangina. Ang tanga ko lang kasi hindi ko alam na na-fall na ako. Hindi naman ako na-fall dahil sa sweet words niya e. Duh! Mababaw ang kaligayan ko pero di ako ganon kabilis ma ano. Lol! Kung sinabi niya lang sana nung una na makikipaglaro lang siya ng feelings, haynako! I swear, di ako mag d-drama kasi sanay na ako mag laro ng feelings. Oo, mapaglaro ako e pero pag seryoso naman di ko tinutuloy kasi di ko naman gusto manakit ng feelings ng iba. Pero kasi iba yung salita niya, I take it seriously. I know sa part na yun seryoso siya pero ang hirap din sabihin kasi nga text lang naman. Ang tanga ko diba? Alam ko. Just be honest to me kaysa gamitan mo pa ng ibang salita. I admit. I let him do this. Ganon kasi pag hinayaan mo ang isang tao na mahalin ka e hinayaan mo na rin siyang saktan ka. Ang galing ko ano? Parang love expert. Iniisip ko tuloy, ayoko na mag boyfriend talaga. Kasi eto nga di pa boyfriend, nasaktan agad ako kasi para akong tanga sineryoso yun. Pero hindi talaga parang kasi ang tanga ko talaga. 1month and half lang naman kaya di pa talaga so deep eto pero ang sakit, feeling ko first time to. Ay, second time na pala ito. Una kasi si Ano, yung first love ko. Mutual feelinggs din yun pero walang nangyari. Pero moved on na ako don. Nasaktan din ako don pero crush ko lang siya na siguro umabot sa puntong love na hindi ko napansin. Para akong tumutula noh? Yung uso sa facebook. Hahahahahaha! Kadiri. Ang bakla ko tignan sa part na 'to. Sabi ng mga friends ko kasi nag drama ako sa twitter non. Bat daw ako ganon e wala naman daw SAKIN kasi alam nilang di ako mag bo-boyfriend kahit super crush ko pa manligaw sakin. Yung eto kasi ay pinayagan ko kasi akala ko mag hihintay ng 5yrs. Ako lang yata naniwala na kaya niya yung 5yrs eh. Hays. Akala ko kasi siya yung tipo na hindi nagpapadala sa landi ng babae.  Kasi 1yr ago may girlfriend siya at close ko sila pero di gaano tapos talagang focus siya sa isang girl kasi alam ko seryso siya non sa Past niya. Kung bakit sila nag break? Another side story yan. Wag na natin isipin. Pfft. Tapos ayon nga nawalan ng communication tapos nagkatext lang ulit kami. Ayon nga di ko na maalala. Ayoko na din alalahanin kung paano bumalik yung communication namin. Tapos tinanong ko pa sakanya na, "baka rebound lang ako ha!" sabi naman niya e nung nagustuhan niya ako ay naka move on na siya sa huli. Opo. Napansin ko naman sakanya na totoo siya sa part na yun. Girls instinct lang talaga. Alam ko pag hindi totoo at totoo. Siya naman kasi sa umpisa lang yata totoo. Di ko na nga alam kung totoo pa ba siya ngayon e. Nakwento ko na ba na kaya ako nag drama ngayon kasi after a week na sabi ko wag na niya ako kausapin ay nag text siya ulit. Nangamusta at iba ang phone number na gamit. Ang shunga ko din kasi in-ask ko kung sila na nung girl tapos syempre alam ko naman na oo yung sagot pero nung nanggaling sakanya parang sumasakit ulit yung ano ko. Puso. Hahahahahahaha. Magiging bato na yata to. Pwede na gamitin pang hilod. Ayon ang sakit pala talaga buti nalang hindi ko siya naging boyfriend kasi ang malas ko kung sinagot ko siya. Eww! Ang drama ko. Odiba? Ang galing ko siguro kasi di pa siya sobrang deep pero ako kasi pag nag mamahal ganito. Kaya ayoko mag seryoso kasi masakit talaga pag katulad nalang ng ganito. Ang shunga ko lang. Oo! Shunga ka (inserted my fullname). Oh tapos? Tama na 'to. I had enough.

Ang tanga ko, bes! 💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon