Sabi nila, pain is constant. Pain is permanent. At hindi mo ito maiiwasan lalo na pag nagmahal ka. Di'ba nga? There is no love without pain? So ibig sabihin, pag nagmahal ka, natural lang na makaranas ka ng sakit.
Ito yung mga katagang naiisip ko habang tinititigan tong best friend ko na halos ubusin na ang tissue dito sa kuwarto ko.
"Kams, ang sakit-sakit talaga. Parang ayaw ko ng--"
"Wag mong itutuloy yan! Hahampasin kita nitong hawak ko!" Inamba ko ang hawak kong tinidor sa kanya. Nakain kasi ako ng omelet dito samantalang itong isa, nagdadrama.
Tumulo pa lalo yung luha ni Dianne,"Bakit naman kasi ganoon? Di'ba kami na? Sinabi nga niyang mahal niya ako eh! Pero bakit ganoon? Bakit may iba pala siya?!"
Yun na nga yung mahirap eh. Yung 'sabi' lang, ang tanong, napatunayan nga ba yung 'sabi' na yon? Mga lalaki naman kasi puro salita. Sabi ng sabi pero hindi naman kayang patunayan. Ito namang mga babae, naniniwala agad.
Pero hindi ko naman sasabihin kay Dianne ang mga yan. Masyado kong mahal to kaya hindi ganyan ang sasabihin ko sa kanya.
Bumuntong-hininga ako,"Alam mo Kams, may mas malaki ka pang kahaharaping problema kaya dapat, imbis na inuubos mo yang tissue ko, ang mas maigi pa..."
Tumaas ang kilay niya sa'kin,"Oh?"
"Mag-shopping tayo! Mag-spa tayo! Mag-party tayo! Ano ba kams? Hindi pwedeng ikaw ang talo sa break-up niyo ni Migs! Dapat ipakita mo sa kanya na masaya ka! Na hindi siya kawalan! Ikaw ang kawalan para sa kanya!!"
Kaso nga lang, umiyak pa lalo ito,"Eh kawalan naman talaga siya eh."
Sa sobrang inis ko sa g*gita kong best friend, binatukan ko na. Aba naman! Kailangan ko ring ihampas sa kanya ang realidad! Kasi kung hindi ko gagawin yon, wala! Walang mangyayari sa kanya!
"Oh? Saan ka pupunta?" Nagtataka niyang tanong nang tumayo ako dala-dala yung kinainan ko ng almusal.
Nilingon ko siya,"Mag-aayos ako ng sarili ko kasi maggagala ako mamaya!"
***
Pagkatapos ko maligo ay kumuha ako ng iilang damit ni Dianne sa drawer at ibinato sa kanya. Napabangon tuloy siya sa kama ng disoras.
"Ano ba kams?" Kumunot ang noo niya at napatingin sa mga damit,"Ano to?"
"Damit." Sinamaan niya ako ng tingin. Paalala lang! Don't mess with a broken hearted!
"Magbihis ka na! Aalis tayo!" Saad ko sa kanya.
"Saan naman tayo pupunta? Bakit short dress to?" Napakadami namang tanong ng babaeng to!
"Tama na dada kams. Pakakainin kita ng foam eh." Inirapan ko na lang siya kasi nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili ko. Pahirapan pang antayin yung best friend kong heartbroken.
Seriously? Pag broken ba, bumabagal talaga kumilos? I mean kasi kung mabagal na siya kumilos noon, mas mabagal pa siya ngayon!
Grabe ah, hiyang-hiya yung pagong.
"Kams! Bilisan mo na! Malapit na mag-alas diyes oh!"
"Oo na kams! Eto na!"
After 987654321 years ay natapos din si Dianne sa pagligo! Hindi ko tuloy siyang maiwasang pagsabihan habang naglalakad kami papunta sa salon na malapit lang sa village namin.
YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...