Eireen Pov.
Pagkatapos ko kumanta sa mini stage kanina ay agad ako nagtungo sa staff room.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ang tibok nito. Hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko na naman ito.
Naiinis ako...
Pakiramdam ko may nararamda---No.. No.. Wala akong nararamdaman sa kanya! Okey Eireen! Itatak mo yan sa kokote mo PERIOD!
"Hoy, Eireen ang galing mo kanina! Nakakabilib ka talaga!"nakangiting sambit sa'kin ni Bea. Binigyan ko lang siya ng simpleng ngiti.
"Problema mo?"sambit niya ng makalapit na siya sa kinaroroonan ko. Napabuntong-hininga nalang ako. "Wala.. Wala akong problema.. Huwag mo nalang ako pansinin.."sambit ko.
Nagtungo ako sa locker ko at sinumulan ko na ang pag-aayos ng gamit ko tutal tapos naman kami maglinis sa buong cafè. Kailangan ko narin umuwi dahil panigurado ako inaantay ako nila Inay at Itay.
"Ay,Oo nga pala hinihintay ka nung lalaki sa labas.."
Napasulyap ako sa gawi ni Bea. Sinong lalaki? Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maiwasan magtaka. "Sino tinutukoy mo?"sambit ko sakanya.
Napataas ang kilay ko ng irapan niya ako." Sino pa nga ba? Edi yung lalaking kanina pa nakatingin sa'yo lalo na nung kumakanta ka!"
Sino naman kayang lalaki--- teka.. Huwag mo sabihin si MJ? Tsk. Bakit pa niya ako hinihintay eh alam naman niya hindi din ako sasama sakanya?
"Hmp! Hindi ko kilala yan tinutukoy mo!"matigas na sambit ko sakanya. Napansin ko ang pag-titig ni Bea sa'kin kaya agad ako umiwas..
"Talaga? Pano kung sabihin ko sa'yo na I Like him okey lang sa'yo kung landiin ko?"
Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako. Napailing nalang ako." Bahala ka is your choice..."matabang na sambit ko at binalik ko muli ang pag-aayos sa gamit ko.
Pagkatapos ko na ayusin lahat napag-desisyonan ko na magpaalam na kay Bea. Hindi kami magsasabay ngayon dahil may pupuntahan pa daw siya..
"Sige na Bea mauna ako sa'yo.."
"Okey mag-iingat ka ah.. See you on monday!"
Tumungo nalang ako tsaka kinawayan siya.. Pagkalabas ko sa cafè nagulat ako ng may humigit sa'kin patungo sa parking lot pero hindi lang iyon ang kinagulat ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nasa harapan ko siya noon at ang nakakainis lang.. Dahil pakiramdam ko hindi parin nawawala ang nararamdaman ko sakanya.
Pumikit ako ng mariin at inisip ang mga bagay na kinagalit ko sakanya.
Inigaw niya ang lahat sa'kin kaya dapat lang na burahin ko lahat ang nararamdaman ko sakanya..
Minulat ko ang aking mata at tinignan siya ng masama." Ano ba problema mo at dinala mo ako dito?"inis na sambit ko sakanya. Nakita ko ang pag-ngiti niya sa'kin kaya hindi ko maiwasan mag-taka kung bakit siya nakangiti? Siraulo yata 'to e.
"You know what? You are really cute sa tuwing nagagalit ka? At hindi ko maikakaila na marami na nagbago sa'yo.."
Napairap nalang ako. Oo.. ''Nagbago para sa ikakabuti ng tunay kong pamilya hindi katulad mo.. Magagamit at mang-aagaw!"
Gusto ko sana sabihin yan harap-harapan sakanya.
"Ano naman ngayon kung marami na nag-bago sa'kin?"inis na sambit ko. Nawala ang ngiti sakanyang labi at naging seryoso na ito..
"Oo maraming nag-bago sayo pero sana........---"tumigil siya sa pagsasalita at bahagyang tinuro ang kaliwa sa dibdib niya na kung saan nanduon ang puso niya.."---sana hindi ako mawala dyan sa puso mo..."pag-patuloy niya..
Natigilan ako sa sinabi at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng saya sa sinabi niya. Nagkatigtig lang kami sa isa't-isa pero agad din ako umiwas.
Di ba galit ka sakanya Eireen?pero bakit nasisiyahan ka sa sinabi niya! C'mon Eireen! Huwag ka magpa-apekto sa kanya!
"Sinasayang mo lang oras ko.."matabang sambit ko tsaka siya tinalikuran. Hindi pa ako nakakalakad ng yakapin niya ako mula sa likod..
Nararamdam ko tuloy ang mainit niyang hininga...
"Please Jane.. Let me hug you for a while... I'll just....missing you... I'll really really miss you Jane.. My love..."
Natigilan ako.. Nalilito ako.. Di ko alam kung bakit feeling ko luluha ako anytime? Bakit feeling ko gusto ko sumuko sakanya at yakapin niya pabalik?
Naiinis ako sa sarili ko dahil napakamahina ko! Naiinis ako dahil parang susuko na ako..
Shucks! Ang hirap kalabanin ang puso!
Napabuntong hininga ako at kasabay nun ang pag-bagsak ng luha ko..
"I still love you Jane.. I really love you so much.."
Natauhan ako sa narinig ko.. "M-mahal?"nautal kong sambit.. Bahagya ako napatawa dahil sa sinabi niya. Marahas kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa'kin. Nagmatanggal ko na, hindi ako humarap sakanya dahil ayoko makita niya na umiiyak ako..
"Nagpapatawa ka ba?o hindi mo lang naririnig ang sarili mo?"sambit ko. Isang minuto ako tumigil at hinantay ang sasabihin niya ngunit wala akong narinig.." Paano mo masasabi na mahal mo ako kung simula palang may balak ka na agawin ang lahat-lahat sa'kin huh, MJ?"
"Hindi mal---"
"SINUNGALING! "sigaw ko sakanya. Hindi ko natiis na harapin siya.." DIBA PLANO MO ANG LAHAT?! SIMULA NG PAGPASOK MO SA COMPANY NI DAD, ANG PAGLIGTAS MO SA'KIN AT LALO NA ANG PAGPAPAKASAL MO SA'KIN! SINUNGALING KA! MANGAGAMIT! MANLOLOKO! I HATE YOU MJ! DO YOU UNDERSTAND?"halos maghabol ako ng hininga pagkatapos ko sabihin sakanya iyon..
Tinitigan ko lang siya pagkatapos ko sabihin iyon at kitang-kita ko sa aking mata ang pagluha niya.. Sa mga oras na iyon nakonsensya ako dahil sa sinabi ko pero tama naman ang lahat ng sinabi ko tungkol sakanya.
Hindi naman ako nagkamali sa paghinala sakanya?
"Bakit Jane? YAN ba ang tingin mo sa'kin? Manloloko, manggamit, sinungaling huh? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan sa mga sinabi mo? Jane may damdamin ako kaya SANA bago ka magbitaw ng mga sasabihin mo! SIGURADUHING mo na tama lahat ng pangbibintang mo sa'kin!"
Napanganga ako sa sinabi niya. Seriously? Siya pa ang may gana magalit?!
"Kahit ano sabihin mo MJ hindi ako maniniwala! Tsaka wala akong paki sa nararamdam mo kaya paki-usap lang huwag ka na magpapakita sa'kin dahil kahit ano mangyari hinding-hindi kita mapapatawad!!"sambit ko sakanya bago siya tinalikuran..
Mabilis ako naglakad dahil ayokong habulin niya ako at sana huwag na muli siya magpapakita sa'kin...
BINABASA MO ANG
Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl
Ficção AdolescenteMay kahahantungan kaya ang love story nila MJ at Eireen o may bagong papasok sa buhay nila? Ang tanong ? Sila parin kaya sa huli o hindi? Paano kaya nila ipagpapatuloy ang love story nila kung patuloy parin magagalit si Eireen kay Mj? Let's see...