DIANNA RAE POV.
Dahan dahan akong pumasok sa aking kwarto. Maaaring magising ang lolo't lola ko. Dali-dali akong pumunta sa sulok ng aking silid ng makapasok ako. Nanginginig ang buong katawan, palinga-linga sa paligid. Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa pandinig ko ang bawat putok ng baril. Maging ang mga itsura ng aking mga kaibigan. Si David, Kevin at Mark.
Napakabilis ng mga pangyayari. Biglang pumasok sa isip ko ang mga oras na kasama ko sila. Ang mga bagay na ginawa nila nuon sa akin. Mga kaibigan kong itinuring ko ng pamilya.
Hindi... Hindi ito maaari. Dapat mabigyan ng hustisya ang pag kamatay nila.
Kinuha ko kaagad ang aking cellphone at dali-daling tinawagan si Eugene. Kung nahihirapan ako ngayon mas nahihirapan siya. Nakailang subok ako ng tawag ngunit hindi niya sinasagot. Sa huling pag kakataon dinail ko ulit ang numero niya, laking pasasalamat ko ng sagutin niya ito.
"Eugene" tawag ko rito. Hindi siya sumasagot sa kabilang linya. Kaya naman nag patuloy ako sa aking sasabihin. "Sa tingin ko kailangan natin tong ipaalam sa mga pulis" pag papatuloy ko, ngunit hindi parin siya sumasagot.
"Eugene, naririnig mo ba ako?" Tawag ko rito.
"Oo, naririnig kita. Sige mag kita tayo sa istasyon ng pulis, pupunta na ako" sagot nito sa akin. Mabuti naman at nakikinig siya.
"Sige. Papunta na rin ako" tapos ay ibinaba kuna ang telepono at agad na lumabas ulit sa aming bahay. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ng marinig ko ang pag tawag sa akin ni Lola.
Shit!
"Rae" tawag nito sa akin.
"Ah lola im here" pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "Im just drinking water" sagot ko at saka ito nilapitan "bakit po ba bumangon pa kayo?" Tanong ko naman.
"I just want to see if your sleeping" sagot niya. Hinawakan ko ito sakanyang kamay at iniharap sa kanilang silid.
"Yes lola, im sleeping. Bigla kasi akong naalimpungatan kaya bumangon muna ako para uminom ng tubig" paliwanag ko rito. Hindi naman na ito sumagot pa at hinalikan ang kamay ko na nakahawak sakanya at pumasok na ulit sa kanilang silid.
Nang makapasok ay dali-dali na akong lumabas. Kailangan kung mag madali. Kailangan kung puntahan agad si Eugene. Kailangan namin silang unahan.
Nang makarating ako ay naabutan ko si Eugene na nakaupos sa gilid ng istasyon ng pulis. Tinabihan ko ito. Alam kung hanggang ngayon ay takot parin siya.
"Eugene, handa kanaba?" Tanong ko rito. Hinihintay ko itong sumagot ngunit wala na kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya. Hinawakan ko ang kamay nito. Malamig. Marahil ay nag halo na ang nararamdaman niya, ang takot at kaba.
"Ito lang ang paraan Eugene. Hindi maaaring ganun nalang kadali ang lahat. Nawala sila David, ayokong pati--" naputol ang sasabihin ko ng hindi ko sinasadya na makita ang kamay niya na hawak ko. May dugo.
YOU ARE READING
The SLAYER
AksiHigh School students who did not know his true identity. Her family died due to unknown people for wearing the black dress like a ninja or assassin. kitang-kitang ng dalawa niyang mata ang pagkamatay ng kaniyang magulang maging ang mga mata nitong l...