Happy 20th chapter! WAHAHA. Akalan nyo umabot ako ganito kahaba. I hope you'll continue supporting Luigi and Kinah. Di nyo ba sila na-miss? :)) Medyo maiksi lang UD na ito. Pero sana kiligin kayo!
==========================================================
TWENTY
Sleep With Me
LUIGI'S POV
"Luigi...Luigi..." naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Dahan-dahan akong nagmulat. Mukha agad ni Queenie ang nakita ko. "Nandito na tayo." sabi niya. Lumalim ang pagkakunot ng noo ko sabay tanong sa kanya kung nasaan ba kami.
"Sa bahay mo. Tara na." Sa bahay?! Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi niya. Nandito na agad sa bahay parang kanina nasa kwarto lang kami? Pinigilan ko si Queenie na lumabas ng kotse.
"Teka, sandali. Anong nangyari?" tanong kong litong-lito. Napakunot noo siya. At nag-iba ang aura ng mukha. Parang nadisappointed.
"Wala kang matandaan?" tanong niya. Nag-isip isip ako. Ang natatandaan ko lang naman ay nakatulog na ako sa pagod at hilo dahil sa lecheng gin na nainom ko.
"Wala. Ba--" pinutol agad ako ni Queenie.
"Eh di wala. W-walang nangyari." sagot niya. Tumango na lang ako. At binuksan ang pinto ng kotse para lumabas. Takte, masakit ang ulo ko. At nahihilo pa rin ako hanggang ngayon. Muntik na akong matumba pero nasalo agad ako ni Queenie. "Bukas ba bahay mo? Akin na susi."
"Ah! Wag na, wag na. Kaya ko na to. Sige na, uwi na." pilit ko siyang pinagtabuyan. Hindi na niya ako kailangan pang alalayan. Kahit alam kong hilo pa rin ako ay kaya ko na ang sarili ko. Kinuha ko ang susi ng kotse sa kamay niya at pumasok ng gate. Parang tanga lang ako maglakad, gumigeywang-geywang. Pagsara ko ay ng gate ay nasa tapat pa rin siya, hindi umalis. "Sige na. Uwi ka na. Salamat sa hatid." Kinawayan ko siya sabay talikod. Tss. Siya nga tong inom ng inom kanina pero di man lang nalasing? Tangina talaga nila Jess! Humanda sa akin mga yun!
--o--
SHEKINAH'S POV
Narinig kong bumukas ang pintuan kaya naman agad-agad akong tumungo para tingnan kung sino. Nabigla ako nung ni Ser ang nakita ko! "Ser!" tumayo ako't tumakbo papalapit sa kanya. Paglapit ko saktong natumba siya sa balikat ko. Nasalo ko siya. "S-Ser. Bakit ngayon ka lang?" Inalalayan ko siyang maglakad pero ang bigat niya. Nahihirapan ako. Ano bang dapat kong gawin?
"Oy, dalhin mo nga ako sa kwarto. Gusto ko humiga." sabi niyang tinuturo ang hagdan. Paano ko siya iaakyat dun? Baka mahulog pa kaming dalawa. "Ano ba! Bilis!" Nagulantang pa ako sa sinabi niya.
"O-opo, Ser." Inalalayan ko na siyang umakyat sa hagdan. Ang isang kamay niya nakasabit sa balikat ko. Nakahawak naman ako sa baywang niya. Ilang steps pa ba? Mga lima pa. "Sige, malapit na, Ser. Isang hakbang na lang. Ayan na." Nakahinga ako ng malalim nung nasa taas na kami. Akalain mo yun, nakaakyat kami ng hagdan. Teka, hindi yun dapat kong intindihin. Kailangan ko ng dalhin sa kwarto si Ser.
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasyNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...