Chapter 1: Nathan

73 0 0
                                    

     2014 nanaman.. marami nanaman akong makikitang mga status sa mga social networking sites na : "New Year, New Me!" , Bullshit. Nakakasawa na. Kelangan bang ilathala lahat ng nasa isip mo para lang masabi mo sa ibang tao na "oy, Pansinin niyo ako!" , o kaya'y "Hihigitan ko na kayo this time!" , Hayy .. -_- Nakaka sawa diba? simula elementary marami nang ganyan! wait, teka, Nasabi ko bang 2014 nanaman? Oo nga pala, kung naguguluhan kayo kung bakit ako bitter, o ano bang mga pinagsusulat ko dito, wala lang.. :) gusto ko lang magsulat ng mensahe, lalung-lalo na...

sa mga taong...

                     ..pumatay saakin.

=======================================================================

     CHAPTER 1 : NATHAN

. . .

     Kung bibigyan ka ng Diyos ng "second chance" anong gagawin mo?

Magpapakatino ka na ba? Magiging tapat na tagapaglingkod niya?, o katulad mo lang ako na gustong maghiganti? Oo, Ako si Nathan.. Nathan.. Nathan. Ang lalakeng nakalimutan na ang kanyang apelyido dahil sa katandaan.

Di naman ako ganon katanda, mga 18 years old ako namatay, este, pinatay.

Ang nakakainis dito, kung kelan maipapasa ko na ang Math, saka pa ako pinagdiskartehan. 50 Pesos lang naman ang nasa bulsa ko, bakit nanakawin pa?, pati ang fake na relo na galing Divisoria , ninakaw pa!

Leche, leche talagang buhay!

...

Nakakainis.. kung kelan hiniling ko sa Diyos na magbabago na ako saka pa ako nagkaganito?!

AARRGGG!!

...

"second chance" .. Haha, salamat sa Diyos at pinagkaloob niya saakin ang panibagong BUHAY :))

Yes, makakapaghiganti na din ako.. SA WAKAS!

===========================================================

Kung ang tao ay nananaginip, ang mga multo ay nananaginip din. Haha, oo :) That's the Nathan Logic. 

Araw-araw mahimbing akong natutulog.. palutang lutang sa daigdig kung saan ako minaltrato at pinatay. Hmm, masyadong mabigat at madrama kung "minaltrato"Pinatay nalang to be exact.

Gusto ko mang kalimutan ay hindi ko magawa.. ewan ko ba?, kung ba't araw araw.. naaalala ko ang mga huling sandali ko sa daigdig.. naririnig ko pa ang busina ng sasakyan at sigaw ng isang lalake na "Pre, tama na!" , at ang killer.. ang aking "bestfriend" , si Mark.

"Nathan! , Nathan! Gumising ka!" boses ng batang pilit na gumigising saakin.

"NATHAN!" ---

"AAAHHH!!! Ang Inet!" Pasigaw kong pagbangon mula saaking mahimbing na pagkakatulog. letcheng bata. Binuhusan ako ng kumukulong tubig.

"Huwag kang ambisyoso , Nathan! kung ayaw mong mapunta sa Impyerno!"  pagalit niyang sinabi habang palutang lutang sa hangin.

"Tsk.. tsk.. tsk, Buong buhay ko, feeling ko nasa Impyerno! There's no Difference?"  

"Yun ay kung Buhay ka pa, nathan.."

...

Moment of Silence.

Tila naubusan ako ng sasabihin sa "Kerubin" na ito.

CrossOverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon