PASADO siya sa midterm exam niya sa math 11. Pero wala man lang maramdaman na kahit na anong kasiyahan si Bullet. Dapat matuwa siya dahil kahit paano ay nabawasan ang problema niya. Ang kailangan na lang niyang gawin ay pumasa sa pre-finals at siguradong pasado na siya sa naturang subject. But all she can feel was emptiness.
Matapos ang naging pag-uusap nila ni Red sa kotse nito ay hindi na talaga sila nagpansinan. Kinakausap na lang niya ito kapag kailangan. Hindi na niya ito kinukulit at hindi na rin siya pumupunta sa office nito tuwing consultation hours nito. Nagkikita na lang sila tuwing may klase.
Dapat sana ay maging maayos na ang lahat pero pakiramdam niya ay mas lalo lang naging malala. Hindi na kasi niya magawang alisin sa kanyang isipan si Red. Araw-araw na lang niya itong naiisip, mula umaga hanggang gabi. Pakiramdam na nga niya minsan, nababaliw na siya.
Paliko na sana siya sa isang corridor nang makita niya si Red na naglalakad papunta sa direksyon niya. Napahinto siya bigla sa paglalakad. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad siyang tumalikod at mabilis na tumakbo. Pababa na sana siya no’n ng hagdan nang bigla siyang ma-out of balance. Tuluyan na siguro siyang mahuhulog kung hindi lang dahil sa malalakas na bisig na humapit sa kanyang beywang. Sumubsob ang kanyang mukha sa isang malapad na dibdib. Tumingala siya at ang una niyang nakita ay ang napaka-gwapong mukha ni Red na punung-puno ng pag-aalala.Bigla tuloy ang pagrigodon ng kanyang puso. Halos magkadikit na kasi ang kanilang katawan at ramdam na ramdam din niya ang mainit nitong hininga na masuyong dumadampi sa kanyang ulunan. Parang libu-libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy mula sa braso nitong nakapulupot sa kanyang beywang patungo sa kanyang kabuuan.
“Ayos ka lang ba?”“O-oo.”
“Ganyan na ba ang epekto ko sa ‘yo ngayon at kailangan mong tumakbo ng gano’n kapag nakikita mo ako?” May himig ng pagtatampong wika nito.
Hindi naman niya maintindihan ang ibig nitong sabihin, ang tanging gusto lang niya ay makawala sa pagkakahawak nito. “A-ayos na ako. Pwede mo na akong bitiwan.” Pero sa halip na pakawalan siya ay lalo pa nitong inilapit ang katawan sa kanya. “Sir, bitiwan mo na ako.”
“Sagutin mo muna yung tanong ko.”
“Pinagtitinginan na tayo ng ibang estudyante.”
Pagkawika niya no’n ay agad siya nitong binitiwan. Nang makawala sa pagkakahawak nito ay mabilis siyang tumakbo palayo dito.
SINUNDAN na lang ng tingin nang naiwang si Red ang palayong si Bullet. He looked at his hand na kanina lang ay nakahawak sa kamay nito. He could still feel the warmth of her body against his. It felt so perfect to the point na ayaw na niya itong pakawalan.
Nang i-suggest nito na they should maintain a student-teacher relationship ay agad siyang pumayag. Inisip niya kasi na mas makakabuti kung hindi na ito masyadong didikit sa kanya lalo na kapag nasa campus sila. Baka kasi mamaya ay pagsimulan pa ‘yon ng isang hindi ka-aya-ayang balita. Lalo pa nga’t teacher siya nito sa isa nitong subject. Baka maging dahilan pa ‘yon ng hindi nito pag-graduate.
Pero hindi naman niya akalain na iiwasan siya nito at tatratuhin na parang isang estranghero. Kung alam lang niya, sana pala ay hindi na siya pumayag. Dahil tuloy sa ginagawa nitong pagtrato sa kanya ay hindi niya mapigilang maging aburido. Napagbabalingan niya tuloy ang mga tao sa paligid niya.
May mga pagkakataon na hinihintay niya itong lumitaw sa kanyang opisina at kulitin siya. Palagi rin itong hinahanap-hanap ng kanyang mga mata. When he checked the midterm exam for his Math 11 class ay labis siyang natuwa nang makitang pumasa ito. When he saw her earlier, halos liparin na niya ang pagitan nila para lang maabutan ito. At nang makita niya itong muntikan nang mahulog sa hagdan ay labis na takot ang kanyang naramdaman.
BINABASA MO ANG
Gothic Chickz: Bullet
Short StorySa apat na miyembro ng kanilang bandang Gothic Chickz, ang lead guitarist na si Bullet o Violet ang maituturing na pinaka-game sa lahat ng bagay. Kaya sisiw sa kanya ang dare ng mga kaibigan na halikan niya ang isang lalaki sa bar. Bonus pa na guwap...