Ikaw at Ako

306 9 1
                                    

Ikaw at Ako.
Ikaw at Ako dahil walang tayo.
Masayang isipin na merong IKAW at AKO
Pero torture na yata dahil hindi magiging TAYO ang IKAW AT AKO.

Ikaw at Ako.
Sa lilim ng punong mangga,
Nakangiti, nagtatawanan, sobrang saya
KAIBIGAN kita at hindi na hihigit pa.
Ngunit araw-araw ay tila ba palala ng palala
Di ko mawari, ako'y nagtataka
Kumikislap ang iyong mata.
MAHAL NA DAW KITA.

Hindi ko mailarawan ang salitang MAHAL.
Malabo, magulo, at walang kasiguraduhan.
Kung minsan masarap, madalas ay masakit.
Iniwasan kita, upang di na masaktan.
PERO PLEASE LANG! MAKIPAG-COOPERATE KA NAMAN.

Gumigising sa message na 'Miss ko na bestfriend ko.'
Kung dati ito ang mga salitang nagpapalambot ng puso ko, ngayon ay dumudurog na sa buo kong pagkatao.
Bakit di mo nalang ako sampalin ng katagang 'MAGKAIBIGAN LANG TAYO' Para matauhan ako.

Teka, TAYO? Haha. Walang ganun, bes.
Ang tayo ay salitang tumutukoy sakin at sayo.
Bakit masakit? Oo may Ikaw at Ako, pero di ko kayang makuntento.
Mananahimik nalang at hahayaan magkaroon pa ng IKAW at AKO.

IKAW AT AKO.
Sa lilim ng punong mangga,
Hawak mo ang kamay ko
Tumutulo ang aking luha
Dahil sa apat na salita.
Halos gumuho ang aking mundo sa katagang 'MAS MAHAL KO SIYA'

IKAW AT AKO.
Sa lilim ng punong mangga.
Ngayo'y magwawakas na.
Unti-unti mong binitawan ang aking kamay.
Naglakad palayo.
Palayo sa akin,
Papunta sa kanya.

IKAW AT AKO.
Ngayon ay TAPOS na.
IKAW AT AKO.
Mali.
IKAW AT SIYA. KAYO.

Ikaw At AkoWhere stories live. Discover now