(Jackie's POV)
Habang naglalakad ako sa mall at tumitingin ng damit bigla nagring ang telepono ko. Pagkakita ko sa cellphone ko, isang unregistered number ang nakita ko. Inisip ko muna kung sasagutin ko ito o hindi. Baka kasi manloloko lang ito at sabihin na siya si Vic Sotto at nanalo ako sa Who Want's to be a Millionaire, yung mga ganong chu chu dahil ilang beses na rin ako nakatanggap ng prank. Pero sinagot ko na rin baka kasi siya na ang hinahanap kong Prince Charming.
Oo, naghahanap ako ng Prince Charming na magpapaligaya at magbibigay sa akin ng Unli na pera para di ko na need ang magwork.
Ako: Hello?
Caller: Hello? Can I speak with Ms. Jackie Maria Romero. This is Karrylle from Camacho group of companies.
Ako: Speaking, this is Jackie. (Isang babae pero di ko mashado naintindihan ang sinasabi niya kasi pure english at masahdong mabilis magsalita.)
Dahil mejo nakakahiya ang english ko at natigilan ako sa pagtingin ng damit, agad agad ako pumunta sa isang sulok ng mall at tinanong ulit kung sino siya.
Caller: This is Karrylle from Camcho group of companies and we have recieve your resume. You want to apply as secretary and we want to invite you for interview tomorrow around 9:00am at Camacho group of companies here in Makati. Are you available tomorrow?
Ako:(Mejo matagal ang process sa utak ko kaya oo na lang ako ng oo) Ye--yes, I'm available tomorrow. I'll be there. (mejo utal utal ko pa syang nasabi)
Caller: Okay see you. I'll txt to you the details. Thank you goodbye.
Maggogoobye na sa ako kaso binaba na eh. Nagmamadali ata or baka mashado na niyang memorize ang linya niya. Natutulala lang ako sandali at narealize na nasa sulok pa ako at mejo pinagtitinginan na ako ng tao dahil para akong tanga na nakasandal at nakaharap ang ulo sa dingding. Ganito kasi ako pag mejo nagulat, nagstress at nagiisip. Kelangan mafeel ko ang isang matigas na bagay sa ulo ko.
Hala! First intervew ko bukas sa isang malaking kompanya. Di ko alam kung anong gagawin. Magpreprepare ba ako? Tsk Tsk, nakakatamad naman eh. Kelangan ba talaga magprepare sa mga interview? Kakainis naman. Bahala na lang si Pacman sa akin basta mamamashal muna ako dito. Pabigla bigla naman kasi ang tawag nila. Pwede namang txt lang. Pagtinawagan kasi ako tapos tungkol sa trabaho, nauutal ako sa pagsagot at syempre di makapagisip ng tama. Sarap sarap ng pagpashal ko tpos magugulantang ako. Hayzzz
Di ko na tuloy naenjoy ang pamamasahal ko kaya parang zombie lang akong naglalakd sa mall. Dahil sa pagspace-out ko, nakaapak ako ng paa ng aso.
Yes! ASO! As in malaki at maitim na Aso! Bakit pa kasi nauso ang aso sa loob ng mall. Di naman sila marunong magshopping. Wala naman silang pera. Dati strictly no pets allowed, ngayon pwede na kahit ilang pet at kahit anong pet ang dalhin dito. Nasa Eastwood kasi ako, at kahit saan ka magpunta, may mga aso dito. Mahilig naman ako sa Aso kaso pagmalaking Aso at di ako kilala, takot na ako.
AHHHHHHHHHHH! napasigaw ako ng malakas at marami rin ang nagtinginan sa side ko. Yung naapakan kong aso ay biglang tumalon sa pagkakahiga niya at nagtatatahol. Pati yung ibang aso ay nagsimulang tumahol.
OMGEEEE!!! di ko pinangarap mamatay sa kagat ng aso. Biglang tumalon yung aso sa akin. Siguro sa sobrang sakit ng pagkaapak ko sa paa niya, kahit na nakatali siya sa upuan eh nahila niya at nakatalon sa akin. Kaya naman napadapa ako at nasa ibababaw ko yung aso. Parang ang posisyon is parang rereypin ako ng aso. Ganun na ba ako kapanget na aso lang ang mangrerepe sa akin. Hahaha joke. syempre kakakagatin ako nito noh. Wag naman sana sa muka kong mejo may defect na. Malaki kasi ang noo ko at ang ilong ko. May mga pimples din ako ng konti at madaming visible na facial hair. Kahit na ganito ang muka ko, sana naman may tumulong sa akin. Prefer ko sana yung pogi para maimbitahan ko magkape..echos. Mamamatay na nga lang ako puro kalandian pa yung nasa isip ko.
Tinakpan ko ang muka ko at mejo nagsisisigaw pa rin ng makarinig ako ng "Sandy! stop that!"
Uy ang ganda naman ng boses na yun. Parang machong machong lalaki naman nun. Sino kaya yun? eto na kaya yung Prince Charming ko?
Umalis na yung aso at may narinig akong, "Miss ok ka lang?" at hinaplos haplos ang aking arms. Ang sarap ng feeling. Heaven na kaya ito. Nakapikit pa kasi ako at finifeel ang haplos niya.
end for chapter 1
BINABASA MO ANG
Tamad Ako, Masipag Siya
HumorMasaya ang buhay ko, hindi stressful, walang problema at higit sa lahat walang drama. Ito ang istorya ni Jackie Romero. Everything seems to be easy pero nung dumating ang isang lalaking nagpagulo ng buhay niya, her world became something she never e...