Chapter 5 #He'sMyWallpaper?!

1.1K 49 27
                                    

Sang gala! Kung pwede lang ipatawag lahat ng mangkukulam para kulamin at barangin ang pagmumukha nitong si Francis ginawa ko na!

Sobrang gigil na gigil na ako sa kanya!! Hayop sya tawagin ba naman akong "MINION" sa ganda kong to?! Curse him! I want to punch his face but sad to say ‘di ko abot kahit nakahills na ako.

Kaya naman tinadyakan ko nalang yung parte na alam kong iniingatan ng mga kalalakihan. Wala akong pake kahit mabaog sya!! G*go sya samahan mo pa ng middle fingers para intense!

"Haha! I love you na talaga Chien! You're so brave!! Love it! Mabuti at ginawa mo yun sumusobra na kasi yang si Francis eh tawagin ka ba namang minion?! Haha!!" sabi ni Say.

"Ulitin mo pa talaga? tindi mo din noh?! Argh nakakahiya naman sa pinsan mo!  I've ruined his party just because of that effin bastard! " pagmamaktol ko sa kanya sabay gulo ng buhok ko nandito na kasi kami sa may garden part ng mansion nila Lindsay. Masyado na kaming pinagtitinginan doon dahil sa eksena namin nung hayop na yun.

"Haha! Wala sa kanya yun! Believe me! Sanay na kami 'pag nababanatan ng ganyan si Francis." sabi ni Lindsay.

"Huh? What do you mean?" pagtatakang tanong ko.

"Ay oo nga pala ‘di ko pa nakukuwento sayo na Francis is my childhood friend. Kaibigan at classmate namin siya ni Lexus nung nasa Highschool kami. ‘Di na bago kapag may nanunugod kay Francis wagas kasi makapanglait yan minsan na nga lang magsalita puro pang-lalait pa. Pero yung ngayon the best! ‘Di sya nakaimik eh Hahaha!! His face was priceless when you kicked his birdie! " tuwang-tuwang sabi ni Lindsay may papalakpalakpak pa. 

"Kulang pa yun sa kahihiyang ginawa nya sa akin! Alam ko naman na maliit ako ba't kailangang ulit-ulit pa?! Bakit sya alam nya bang mayabang sya?! Nako nako!! I hate him so much! Kamukha nya si Mojo-jojo!!" sabi ko.

"Hahahha relax! Nakaganti ka na naman ah! Ayoko na tumawa ang sakit na ng tiyan ko haha!!" saad ni Say na ngayon ay nakahawak na sa tyan nya.

Akala ko ba ayaw na nyang tumawa eh bakit tawa pa rin ng tawa to?

Ayoko naman talagang mageskandalo nagpantig lang yung tenga ko nung sinabi nya na baka daw mapagkamalan na anak nya ako! DUH!

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa may garden katabi si Say habang si Say naman kuwento lang ng kuwento sa reaksyon ni Francis kanina when I kicked his precious one.

"Say! Andito lang pala kayo! mababaliw na ako kakahanap sa inyo."

That voice ..Nilingon ko sya at ...

He smiled back at me. Bakit nag-iinit ang mukha ko?! Kinikilig ba ako?! Patay! Anong gagawin ko? Teka huggard look na ba ako? Pantay pa ba yung lipstick ko? Maayos pa din ba yung buhok ko?! Panic alert on na! Feeling ko huggard na ako paano ba naman nakipag-away ako kanina 'di ba? Tumalikod na lang ako sa kanya kasi nahihiya ako. ‘Di ako nagsisisi na ginawa ko 'yun sa Unggoy na 'yun pero nahihiya ako kasi ang huggard ko na sa harap nya!! 

"Ay hindi anino lang namin! Oo couz! Hahaha! Sorry! Ito kasing si Chien makatakbo akala mo ang hahaba ng biyas" sabay tingin sa akin at peace sign sinamaan ko naman sya ng tingin .

"Hahaha you're crazy Say." biglang tumingin naman sa akin si Baby Boy.

"Althea in behalf of my friend Francis I would like to apologize for what he did. Kalahating tao at kalahating kumiraw kasi yun. Hahaha! By the way are you okay? Wala bang masakit sa iyo or what?" ang gwapo nya susme.

"Hoy Chien!! " pangugulat sa akin ni Say. 

"Ay palakang kabkab na kumakalabukab!" sabi ko sabay hawak banda sa puso ko.

Dictionary of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon