2

33 3 3
                                    

Tangang nakatulala.

Okay na ako na yan.

Grabe, kulang  na lang yata ay tumulo ang laway ko sa aking nakita.

Over na kung over pero parang mat tumulo yata at galing iyon sa ilong ko.

Hoy, hindi yan sipon.

My nose is bleeding. Ang gwapo ng mga dumating. Ayan na naging fountain na umagos pataas.

Ang unang pumasok ay isang may katangkarang lalaki. Impoted from middle east.

Grabe ang ilong ang tangos tapos ang ganda pa ng mga mata. Grey yata ang color. Paano malayo kasi ako kaya hindi ko masyadong makita ng mabuti. Pero grabe ang ganda talaga ng mata, iyon yata ang sinasabi nilang nangungusap ng mga mata. Expressive eyes, para sosyal.

Para siyang isa sa mga bidang sheikh na nababasa ko sa romance novel ni Penny Jordan at Olivia Gates.

Ang ikalawa naman. Oh yeah, baby. Definitely my type. Iyong tall, white and chinito. Grabe ang gwapo tapos ang smile. OMG! May araw na sa loob ng classroom. That’s what you call a very bright smile. Pang-commercial, ehts.

Pero kung hanep sa init ang reception ng naunang dumating siya namang kay lamig ng huling pumasok.

Katulad ng nauna dito, matangkad, maputi at chinito, gwapo for short. Iyon nga lang parang galit sa mundo hindi kasi marunong ngumiti. Sayang noh?

Gwapo sana pero mukhang suplado.

“Nandito na pala ang mga prinsipe,” narinig kong sabi ni Bethel. Note the sarcasm.

“Uy, agree ako diyan,” nakapalakpak kong sang-ayon kay friendship. “Bethel , i think I’m in love.”

“Saan diyan?” tanong ni Bethel. “Sa singkit na playboy, mysterious introvert o kay mukhang bombay?”

BOOGSH!

“ARAY, CL! MASAKIT 'YUN!”

Binatukan ko kasi ang may saltik na babaeng yun. Grabe kung maka-desribe  sa biyaya ng diyos.

“Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na magpasalamat kapag nakatanggap ng grasya?”

Nakakainis naman kasi itong si Bethel. Ang gwapo kaya ng dumating tapos ganyan alng ang comment niya?

“Bakit? Nasaan ba ang ang grasya diyan?”

“Sila,” sabi ko sabay turo sa mga dumating. “Vitamins for the eyes ... and brain.”

“Brain? Paano naman napasok ang utak dito? Iyang mga iyan major distraction sa mga hard-working nga mga babae.”

“Kasi nga  inspirasyon sila.”

“Tss. Totoo naman ang sinasabi ko, ah. Titigan mo ang mga iyan at malalaman mong totoo ang sinasabi ko.”

“Kung tititigan ko sila wala na tunaw na ang mga iyan,” pairap ko namang sabi sa kanya pero hindi naman ako pinansin at itinutok na ang atensyon sa papel sa harap nito. Ganern? Deadmahan ang peg? “Hoy, babae! If i know ganito rin ang magiging reaction mo kung hindi ka sinaktan ni –hmmf “

Adik din itong si Bethel. Paano isinalampak lang naman niya ang kamay niya sa bibig ko ng buong buo. Di joke lang. Tinakpan niya kasi ang maganda kong bibig ng marumi niyang kamay.

“Subukan mo pang banggitin ang pangalan niya at tanggal pati ngala-ngala mo,” pagbabanta niya sa akin na nakatakip pa rin ang mga kamay sa bibig ko.

“Hmmm...hmm...hmmmfff”

“Ano?”  tanong ni Bethel sabay tanggal ng kamay niya sa bibig ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pansinin Mo naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon