Pag-usapan Natin Ang Pag-ibig

195 2 1
                                    

Pag-usapan natin ang pag-ibig, magsimula tayo sa tanong ko.

Ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig na ito?

Malimit kong marinig, malimit niyong sagot dito,

Ito'y pakiramdam na 'di mo maipaliwanag ng husto.

Kay sarap mag mahal at mahalin rin ng iba,

Kay sarap mag mahal kahit edad ay ceinto treinta

Anong magagawa niyo kung mahal niyo ang isa't-isa?

Hindi naman hadlang ang edad sa pag-ibig 'di ba?

Matatamis na mga salita ating maririnig

Mula sa kabiyak na ating minimithi.

Sabi niya ibibigay pati mga bituin sa langit,

Ang sarap pakinggan ng mga salitang galing sa kanyang labi

Di natin kailangang maging pirata para makuha ang kasiyahan,

Piratang kailangan ng mapa para makakuha ng kayamanan,

Dahil ang katutuhanan, ang mapa ay di na natin kailangan

May mapa ba tayong ginamit upang matagpuan ang ating minamahal?

Sa tunay na pagmamahal, di basehan ang panlabas na anyo,

Kundi ang katangiang taglay at nararamdaman ng puso.

'Wag gamitin ang mata sa pagmamahal ng tao,

Tumitobok ba ang mata? Nagmamahal ba ito?

Ngunit kung inaakala niyong pag-ibig laging masaya,

'Yung tipong magkahawak-kamay kayo habang naglalakad sa kalsada

'Yung tipong maghahalikan kayo sa ilalim ng punong mangga

 Ngayon sinasabi ko sa inyo, may lungkot rin itong dala.

Mahirap magmahal ng sobra-sobra

'Yung tipong gagawin lahat para lamang sa kanya

Ibibigay lahat para ipakitang mahal mo siya

Pero kasabwat lang pala siya ng tadhana para paglaruan ka

Tandaan niyong ang pag-ibig, 'di lang ipinaglalaban

Minsan isinusuko rin kung kinakailangan

 Hindi porket sumoko na, di mo na mahal,

May mga bagay lang talaga na dapat distansyahan para walang masaktan

,Wag humanap ng iba, 'pag wala ang minamahal

Dahil ang iyong ginagawa ay isang kataksilan

Kung ako ang tatanungin, maghihintay ako kahit matagal

Kesa humana ng iba, di ko naman mahal

Maling minahal ka lang nila dahi sa sapilitan

Dahi hindi ganya ang tunay na pagmamahal

Sa larangan ng pag-ibig, isa sa mga 'di natin karapatan,

Ang mamilit ng pusong, 'di tayo ang laman

May mga taong baliktad ang ipinapakita sa iba

Sobrang tahimik, may sasabihin palang mahalaga

Inaaway-away ka, mahal ka na pala

May patawa-tawa pa, 'yun pala, nasasaktan na

Ang pag-ibig ay sadyang mapaglaro

Mahal mo nga ngunit di ikaw ang gusto

Mahal ka nga ngunit di mo naman gusto

Mahal niyo nga ang isa't isa, ngunit pinaglalayo kayo?

Ganito nga ba ang epekto sa atin ng pag-ibig?

Kahit nasasaktan na, kinikimkim pa rin ng pilit

Harap harapan ka ng niloloko, nakukuha mo pang ngumiti

Natututu tayong lokohin ang sarili't maging manhid

_____________________________________________________________________________

Hanngang dito nalang muna... Pwede nyo rin pong basahin ang una kong tula, "Crush Kita,Hanggang Dito Lang Pala.. Salamat sa pagbabasa.. ^_^

                                                                                                                     -raffy

_____________________________________________________________________________

Pag-usapan Natin Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon