Blackmailer 6

17 0 0
                                    


"Kung makamura ka sa akin parang di mo ako prof."

Pabiro nitong sabi sa akin bago pinaharurot ang motor niya. Hindi ko na lang sinagot.

Highblood ako.

"Nga pala. Samahan mo naman ako sa mall. Lapit lang naman yun sa bahay niyo e."

Sinabi niya yun sa akin nung nagpapark na siya ng motor.

"Ano pa bang magagawa ko? Tara na nga para nakauwi na ako ng maaga ser."

Nauna na akong pumasok sa entrance ng mall. Sumunod naman ang ugok.

"Hey. Ang bilis mong maglakad e ang lapit lapit lang naman ng bahay niyo sa mall. Sa kabila lang bahay niyo e."

Tinuro niya pa yung gate namin na kulay pula.

"Kaya nga ako nagmamadali pumasok kasi baka makita ako nila Mama. Mapatay pa nila ko ng wala sa oras."

Hinarap ko naman siya at tinaasan ng kilay.

"Ano na namang tingin yan?"

Tanong niya.

"Ano ba po kasing bibilhin niyo ser at bakit pinasama niyo pa ako dito?"

Kunwari magalang na tanong ko sa kanya pero hindi talaga.

Medyo sarcasric nga.

"Magpapatulong sana ako kung anong magandang regalo sa girlfriend ko. Date kasi po namin mamaya. Ano bang magandang iregalo?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ba ako yung girlfriend niya ngayong linggong to? Pero ang isa pang tanong.

Bakit dissapointed ako na hindi naging kami? Eww!

Sagwa nun pakinggan pero yun yung nararamdaman ko.

Teka? Nagkakagutso na ba ako kay ser? Kaya ba nakalimutan ko kaagad si Elian dahil sa kanya?

Takteng yan. Hindi pwede to.

"Huy Phoebe?! Yohoo! Space out ka huy!"

Napabalik ako sa realidad ng maramadan kong hinihipo na ni ser ang noo ko.

DUG. DUG

DUG. DUG

Ay takte. Ano yun?!

"Wala ka namang lagnat? Bakit natulala ka dyan?"

Binatukan ko nga. Ang kulit niya talaga.

"Tara na dun sa may tindahan ng mga teddy bears para matapos na to."

Hinila ko agad siya.

Pinili ko naman ang pinakamalaki. Yun ang gusto ko. Inggit ako dun sa babaeng bibigyan niya nyan. Ang gondo kasi nung teddy bear.

Kulay itim. Oo itim. Kung sa iba, gusto nila ng pink o kaya light colors. Para sa akin gusto ko ng dark. Parang nakakaattract kasi yun.

Gusto ko tuloy kunin yung teddy bear na binili ni ser at iuwi sa bahay.

"O? Tulala ka na naman Phoebe. Gutom ka na yata e. Tara nga muna sa McDo."

Aya niya. Hindi na niya ako hinayaan pang makatanggi at hinila na papunta sa McDo.

"Baka pagalitan ako nila Mama nito ser. Papatay..."

"Relax Phoebe. 4:45 pa lang. Masyado ka naman. Hahaha."

Dahil dun nagtawanan na lang kami. Kala ko kasi alas singko na.

Pumili si ser ng order tsaka ako nakaupo lang sa mesa na napili namin. Nasa harapan ko yung malaking teddy bear.

BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon