Silence...
means everything to me...
my world is almost as quiet as the dead sea..
nothing happens..
its just my life..
living at its finest dream...
to be alone..
"Aux, tula ba yang sinusulat mo?" tanong ni mona sa akin.
tumingin ako sa kanya at tumingin ulit ako sa sinusulat ko.
"hindi." sagot ko
"sungit naman.." mona
umupo siya sa tabi ko.
di na lang ako umimik..
hahaba lang ang usapan.
di na rin nagsalita si mona.
alam naman niyang di ako sasagot.
tinuloy ko na lang ang pagsusulat.
"ahyie!!!!!" tilian ng mga kaklase ko.
di na ko nag pagod pang tingnan sila.
nililibang ko pa ang sarili ko sa ginagawa ko.
"ang sweet naman ni jazz!" sabi ni mona
sinong jazz?
tsss.
kaklase ba namin yun?
lalo pang naglakasan ang tilian sa buong classroom.
2nd year high school pa lang kami.
kaya siguro ganyan pa sila kakukulit.
di ko pa rin sila nilingon.
alam kong nasa bandang likuran sila..
base sa naririnig ko.
"Hello po, andito po ba si aux?" tanong ng isang estudyante mula sa pintuan ng classroom namin.
"andito siya.." narinig kong sagot ng kaklase ko,di ko na lang napansin kung sino.
tumayo ako at nilapitan ang naghahanap sa akin.
"bakit?" ako
"pinapatawag ka kasi ni ms. abad , nasa faculty siya ngayon." sagot ng estudyante.
tumango ako.
tiningnan niya pa ako na parang nag aantay pa siya kung may sasabihin pa ba ako.
"salamat." ako
ngumiti siya at umalis na.
naglakad ako pabalik sa upuan ko para kumuha ng notebook at ballpen, just in case may ipagawa si ma'am.
habang inaayos ko ang gamit ko, napatingin ako sa mga tao sa likod.
nakita ko yung kaklase kong babae, shiela ata ang pangalan.
may hawak siyang bulaklak.
at sa gilid niya nakatayo ang isang lalake.
kaklase namin ata.
at napapalibutan sila ng mga kaklase ko.
sila siguro yung dahilan ng ingay kanina.
napatingin sa akin bigla yung lalakeng nasa gilid ni shiela.
tinapunan ko lang siya ng tingin habang kinukuha ko ang notebook ko.
pagkatapos ay umalis na ako ng classroom..
BINABASA MO ANG
Enchanted By You
RomanceAux. That's her name... the girl who just sits at the corner of the room.. And me.. The one who's sitting at the front.. then.. why we end up ignoring each other?