This is our fifth day in Palawan. And ngayon palang nauubusan na ako ng gagawin. Ano pa bang pwedeng gawin dito? Ayoko namang magswimming. Well actually gusto ko magswimming kaso may rule dito na bawal magswimming kapag hindi nakaswimsuit. Wearing a swimsuit is not my thing! So, ano ng gagawin ko? Kakapasyal ko dito mukhang nalibot ko na rin naman yung buong resort. Hayy kung andito lang sana si Celine edi sana hindi ako nabobored at nag-iisip ng ganto.
*Tok tok tok*
Napabangon naman ako agad sa pagkakahiga sa kama ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Waaaa bakit? Pakiramdam may isang tao akong ineexpect na nasa labas ng pinto ko ngayon. Huminga muna ako ng malalim tsaka tumayo at dumiretso muna sa salamin. Okay maayos naman ang buhok ko, walang muta o bakas ng tuyong laway. Dumiretso ako sa tapat ng pintuan at huminga ulit ng malalim. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at..
"Hi Summer" bumati sakin ang isang babaeng nakasundress at may maamong ngiti.
Parang biglang bumagsak ang lahat ng asteroid sa ulo ko. Tsk sino ba kasi ineexpect mo Summer? hayy ano ba tong nangyayari sakin. Bakit ko ba iniisip yung lalaking yun? Sino ba siya para isi--
"Hey Summer!"
Napalundag naman ako sa boses ni Donna.
"Hello Donna! Hehe" ayan kasi kung anu-ano iniisip ko. tsk
"Sorry naistorbo ba kita?"
Oo sa pag-iisip kung anong gagawin ko ngayong araw at sa pag-iisip sa lalaking yun.. o_O Waaaaah erase erase erase!
"Ha? Hindi ah.. Ahm, halika pasok ka" pag-aaya ko sa kanya.
"No hindi na. Gusto lang sana kita invite sa engagement party ko mamaya. Kung okay lang sayo" she smiled sweetly.
Engagement? Wait, parang ang bata pa niya para ma-engage ha? Tsaka bakit niya ako iniinvite? Ganun ba siya ka-thoughtful?
"Ha? Ah eh.. Pero bakit?" wag niyo akong batukan, gusto ko malaman kung bakit.
"Because I want to. Please? And I want you to be my friend. Please?" hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang nakatingin sakin ng please-say-yes-look.
Pupunta ba ako? Wala naman sigurong masama. Isa pa mukhang mabait naman siya eh. Tsaka engagement party niya yun. Gusto ko makita yung lalaking nagpaiyak sa kanya at gilitan ng leeg. Pero joke lang yun. Hayy sige na nga pupunta na ako tutal wala rin naman akong gagawin ngayong araw. Isa pa siya nag-invite sakin alangan namang tanggihan ko pa? Tsaka ang ganda ganda niya at bait pa.
"Yes. Sige pupunta ako. Anong oras ba at saan?"
Lumiwanag naman ang mukha niya at niyakap ako bigla.
"Thank you! Mamayang 4pm sa Casa Sebastiana. See you!" then naglakad na siya paalis ng may ngiti sa labi.
Ganun ba kasaya ang malaman na pupunta sa engagement party niya ang isang tulad ko? Pero natutuwa ako kasi ang thoughtful niyang tao. Ang bait pa at sobrang jolly. Napangiti ako at tsaka isinara ang pinto.
*
3pm na pero hindi pa ako nag-aayos. Ano bang dapat isuot sa isang engagement party? Hayy bahala na nga. Kinuha ko nalang yung white dress ko na may mga polka dots. Nang maisuot ko na pati yung 3 inches kong killer shoes ay naglagay ako ng onting polbo at lip balm. Inayos ko muna ang kulot kong buhok at tsaka kinuha ang purse ko.
[A/N see picture on the side for her pretty dress ------>]
Dahil nalibot ko na rin ang resort na to alam ko na kung saan yung Casa Sebastiana. [A/N see picture on the side]
Nang makarating ako sa venue I was taken aback. Not because of the elegant venue but PEOPLE who are there. Yes, people. Anong ginagawa nila rito? Pero bago pa man ako makapagsalita o makagalaw lumapit na sila sakin. Uh oh this will not be a good scene.
"Hi Summer, my dear"
Boses palang Rose Sandoval na talaga. At with smirk pa after niyang magsalita. At yung tatlo niyang mga asungot este kaibigan ay este utusan ang nagsipag-smirk din. Wow chain effect? O kasama sa choreography yun? Ngumiti naman ako sa kanila.
"Hello." matabang kong bati sa kanila.
"So, what is the freakin' nerd doing here?" nakapameywang na tanong niya. At nagpameywang din ang mga kasama niya. Wow chain effect version 2.0
"I was invited to attend this engagement party."
Nagtinginan naman sila ng mga kasama niya sabay tingin sakin at tawa. Sige tawa lang, para namang di pa ako nasanay.
"Hahahaha what? YOU? Hahaha I can't believe this. Sino namang nag-invite sayo?"
"Sum?"
Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likod ko.
"Jo? Anong ginagawa mo dito?"
"Kyaaaaahhh! Ang gwapo niya!"
"OMG greek god"
"Gosh, so hot and sexy and super cute niya!!"
"Shut up girls! His mine" rinig kong sabi ni Rose.
Hindi ko nalang sila pinansin at tinignan ko sa mata si Johann.
"Hi girls" At talaga namang kumaway pa muna siya sa mga babaeng yun. Nagtititili naman silang lahat. Jeez iba rin karisma ng isang to eh.
"Huy anong ginagawa mo dito?" I poked him.
"Kaibigan ko yung ieengage eh. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
"Excuse me Summer let me talk to this handsome man." sabay tulak sakin ni Rose.
"Hey watch your move bitch"
Woah. Si Johann ba yan? Nagulat naman si Rose sa sinabi ni Johann at biglang inirapan si Johann at pati ako. Bakit pati ako?
"Soon you'll be mine darling" and with that umalis na sila.
"Nasaktan kba Sum? Halika nga umalis nalang tayo dito"
"Pero--"
"Basta halika na umalis na tayo dito"
Hindi na ako naka-angal pa at umalis na kami sa venue. Dumiretso kami sa isang coffee shop. Problema niya? Bigla nalang siyang nagsabing umalis nalang kami. Sanay naman na ako sa mga babaeng yun eh. Umorder siya ng two grande coffee jelly.
"Ano bang ginagawa mo dun?" he asked me. Uminom muna ako ng coffee jelly.
"Ininvite ako nung ieengage. Yung babae. Si Donna"
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Paano mo nakilala si Donna?"
"Wait. Kilala mo siya?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Yes. She's my friend. Nakilala ko siya sa ibang bansa nun. Ikaw pano mo siya nakilala?"
Kuwento ko naman sa kanya yung sa elevator. Talagang nakinig naman siya ng mabuti sa kwento ko. Then ng matapos ako magkwento..
"Siraulo talaga yung fiance nun. Lagi nalang siyang pinapaiyak. Ewan ko ba dun sa babaeng yun kung bakit pumayag ikasal sa lalaking yun"
"Bakit ano ba kwento nila? Share naman!"
"Hay nako! Mahabang kwento yun eh. Wag na please?"
Ang daya naman nito ni Johann. Ayaw pang ikwento. Hmp di nalang ako nagsalita.
Ilang minuto na rin ang nakalipas pero wala pa ring nagsasalita samin hanggang sa..
"Fine sige na ikukwento ko na"
"Yes!!"
-------------------------------------------------------------------------------------
A/N
Cliffhanger! HAHAHAHAHA another update <3 ENJOY!
- Chellie/
BINABASA MO ANG
Summer Paradise [HIATUS]
Fiksi RemajaAno kaya ang buhay mo kung hindi siya dumating? Ano kaya ang buhay mo kung hindi mo siya nakilala? Mag-iiba kaya ang kapalaran mo? Pero paano kung tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para magmahal at masaktan ka? kakayanin mo kaya? "Love can dec...