~♪Chapter TWENTY-TWO

32 3 0
                                    

WINTER MAY CHLOE'S POV

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. Narinig kong si R iyon at halos sirain na yung pintuan ng kwarto ko. Jusko? Linggo ngayon! Bakit niyo ba sinisira yung tulog ko! Kairita! Di ko siya pinansin at tinabunan ko na lang ng unan yung mukha ko.

“Ate! Ano ba?! Hindi ka ba lalabas jan?! Kainis ka naman eh! Tulog mantika! Si Kuya Summer! Kanina ka pa inaantay jan! Ano ba!”

Narinig kong sigaw niya. Tsk. Tuloy pa rin siya sa pagkatok at pagbulabog ng pintuan ko. Shizz, ano bang balak nitong si R? Sirain yung pintuan ko? Sakalin ko yun pagbagon ko dito eh.

“Ano ba! Inaantok pa ako—” Bigla naman akong napaupo sa kama ko ng nagsink in sa akin yung sinabi niya sa akin kanina. Shizz?

Dire-diretso kong pinagbuksan ng pintuan si R kahit na gulo gulo pa yung buhok ko dahil kakabangon ko lang sa kama.

“Arriane Nicole! Paki-ulit nga yung sinabi mo?” Hindi kaagad nakapagsalita si R dahil sa gulat. What? Mukha ba talaga akong witch at mukhang shock na shock siya jan? “Huy!” Pag-tawag ko naman sa mukhang lumulutang niyang kaluluwa.

“Ate naman eh! ‘Bat ka ba nanggugulat jan! Tsk! Kainis ka naman, ako na nga tong pinapatawag ni Mama para gisingin ka. Kainis! Bilisan mo na jan, may bisita ka si Kuya Summer nasa baba. Grabe! 10am na di ka pa din gising tsk!” May halong inis na wika ni R.

Napatingin naman ako sa may wall clock dito sa kwarto ko, tama nga siya, alas diyes na. Grabe, ganto na ba talaga ka-late at bakit ba antok na antok ako?

Eh kasi naman po, napuyat ka lang naman kakaisip dun sa date na nangyari sa inyo kahapon ni Summer. Tsk!

Shizz na isip to, siraulo talaga. And speaking of, andito daw si Summer? As in?

Hinila ko naman ulit yung braso ni R nung nagtangka siyang aalis na, nakakunot noong humarap siya sa akin, “Bakit na naman ate?”

“Hoy ha! Maldita ka, wag mo nga akong ganyan-ganyanin ate mo pa rin ako. Atsaka sinong Summer ba? Si Ethan Summer? Yung classmate ko?”

“Sino pa ba ate? Oo siya nga, yung boyfriend mo.” Biglang bago naman ng mood nitong si R. Biglang naging mapangasar na naman.

“Arriane Nicole!”

“Ito naman si Ate, pikon. Kunwari ka pa! Dun din naman punta non! Ganda mo ah! Akala ko si Kuya Gray talaga tapos ngayon yiee!!”

“Sige mang-asar ka pa!,” At matalim ko siyang tinitigan.

“Hahaha, peace ate! Labyu! Baba ka na ah! Tsaka pwede magsuklay ka muna? Ang pangit mo! Mukha kang witch!” Sabay dila niya sa akin at takbo pababa ng sala.

Isip bata talaga yun! Grade7 na eh, ganon pa rin? Jusko ewan ko ba.

Pag-alis niya ay dali-dali kong sinara yung pintuan ng kwarto ko at pumasok na ako dito sa loob ng banyo ng kwarto ko. Hay buti na lang talaga may ganto kasi kung wala akong CR dito sa kwarto ko ay kakailanganin ko pang bumaba para lang makaligo at makapag-ayos at ang ibig sabihin lang din non ay madadaanan ko si Summer dun. Nakakahiya ah. Bagong gising lang ako.

Nagmamadali akong nag-ayos at dali dali ng bumaba.

“Oh ayan na pala si Win-win eh. Oh sandali, dito muna ako sa kusina, oh ikaw Win, intindihin mo yang bisita mo ah.” Biglang sabi naman ni Tita Avril ng makitang pababa ako ng hagdan, tumayo na din siya mula sa pagkakaupo sa may sofa katabi ni Summer. Napa-facepalm na lang ako dahil andito sa Summer at narinig niya na yung pinaka-tago-tago kong nickname. Ughh.  Narinig kong mahinang tumawa si R, tinigan ko na lang siya. Umiwas naman siya ng tingin at ibinalik niya ulit yung atensyon niya dun sa pinapanuod niya.

You Are the Song of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon