Chapter 3: Si Franz
"See you tomorrow, Pedro." Paalam ko sa kanya. Sinalubong naman kagad ako ni Pepper, bunso kong kapatid. Kumaway muna ito kay Pedro bago sumabay sa'kin papasok sa bahay.
"Per, gawa na 'yung computer. Sirain mo ulit ha?" Nginitian ko si kuya Peter at tinaas taas pa ang kilay ko. "Gagamitin mo lang 'yan tuwing gagawa ka ng assignment, bawal kang mag download ng kung anu-ano."
"Pwede ako mag facebook kuya? Please? Promise mag facebook ako pag tapos ko na lahat ng assignment ko. Pati makikipagchat lang naman ako kay Rina eh."
"Oo, sige pero ikaw ang magloload sa broadband."
"Yey! Salamat Kuya!" Pinalo ko siya sa braso at dumiretso na sa study room.
"Mag palit ka muna ng damit!"
"Mamaya na lang." Binuksan ko kagad 'yung computer at nag facebook. "Hindi pa din online si Rina. Hmm."
Nag punta ako sa facebook ni Franz. Gwapo talaga. Sayang talaga kanina. Umepal pa kasi si Pedro eh. Nakakainis talaga minsan 'yun. Hindi mo alam kung ano issue sa buhay. Bwisit. Paano ko ba naging kaibigan 'yun? Tsk.
Franz Gonzales is feeling excited.
See you bukas. :)
See you bukas? Sino kaya 'yun? Wala naman siyang girlfriend eh. I-like ko kaya? Hindi, 'wag na lang baka akalain niyan feeler ako. Papansinin niya kaya ako bukas? Sana naman para kahit papaano umuusad ang love story naming dalawa. Haha.
Nag mamadali akong pumasok ng gate. Malelate na ko! Si na nanay kasi hindi ako ginising. Hay. Dapat makarating na ko sa room within five minutes baka mapagsaraduhan ako ni Ma'am ng pinto.
"Piper!" Huminto ako at luminga. "Uy. Piper." Tinignan ko 'yung babae na may hawak na regalo.
"Ah. Kilala ba kita?" Tanong ko.
"May ipabibigay lang sana ako kay Paul."
"Paul? Paul Edison Roxas? Bakit hindi ikaw mismo mag bigay?" Tinignan ko 'yung relos ko. "Sige Miss mauuna na ko ha? Malelate na kasi ako eh." Tatakbo na sana ako nung bigla niyang hinatak 'yung kamay ko.
"Pakibigay, please?" Nakasimangot na kinuha ko 'yung box. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na. Late na ko.
Sumilipi muna ko nang dahan dahan sa pintuan, tinignan kong maigi kung wala pa si Ma'am. Wala pa nga siguro kasi nag kukumpulan pa 'yung iba naming mga kaklase. Nakahinga ako ng maluwag. Pag dating ko sa pwesto ko nakita kagad ako ni Pedro.
"Good morning, Pepita!" Hindi ko sana siya papansinin kaya lang ang sigla niya ngayon. Ano kaya na kain? Panis na hopia?
"Good morning, Pedro." Kinuha ko 'yung regalo na binigay nung babae kanina sa babae. Hindi ko manlang nakuha 'yung pangalan. Oh well. Nakikisuyo lang naman siya eh. Inabot ko sa kanya 'yung box. "Oh, may nagpapabigay." Kinuha niya. Nag kibit balikat na lang ako. In three, two, one...
"Sino nag bigay?" Medyo mataray na tanong niya. Nag kibit balikat ako.
"Malay ko. Biglang may lumapit sa akin kanina tapos pinapabigay yan sayo."
"Ayoko nyan. Ni hindi ko nga kilala kung sino nagbigay nyan. Baka mamaya, may lason yan." Binalik niya sa'kin 'yung box pero tinulak ko din pabalik sa kanya.
"Grabe ka naman mag-isip Pedro! Kunin mo na 'to. Oh kung ayaw mo, ibigay mo yung laman sa iba nating kaklase. Wag mo nang ibalik yan sa nagbigay kasi nakaka-offend kaya yun." Mariing pumikit siya. Pag ganyan si Pedro, na iinis 'yan sa'kin. Ayaw niya kasi nang pinipilit lalo na't sabi niyang ayaw niya nga.
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.