Chapter 3.1

1.1K 63 14
                                    

Chapter 3.1

Edward's POV:

"Sir Edward, bat mo ko pinapunta? Ang lakas pa naman ng ulan"

Bungad ni Manang Rosa ng makarating siya, siya yung pumupunta dito sa bahay once a week para maglinis.

Tinuro ko yung weirdong babae na nakaupo sa harap ko habang yakap yakap yung tuwalya na binigay ko.

Nanlaki ang mga mata ni manang,

"Ka ano ano mo ba talaga to? Bat andito na naman?"

Si manang ang nagbihis sa kanya nun, remember?

"Pakibihisan siya sa taas, gamitin mo yung damit na naiwan ni ate laura."

Sabi ko sabay tayo, kailangan kong maligo at magpatuyo. Bakit kailangan ko pa siyang ipabihis kay manang? Nong una, binigyan ko siya ng damit, di marunong magsuot!
Seryoso ako, yung tshirt ginawa nyang palda!

Bago ako umalis ay hinarap ko ulit yung babae,
Nginitian nya ko bigla ng makitang tinignan ko siya.

"Mag uusap pa tayo mamaya."
Sabi ko lang at naunang umakyat papunta sa kwarto ko.

Agad akong napaupo sa kama ng makarating ako.

"Aishhh"
Napahawak ako sa ulo ko.

Kinuha ko yung gamot sa drawer na malapit sa kama ko at ininom yun.

Napapikit ako saglit.

"I think I need to go and see a doctor again"

Sabi ko sa sarili, lately, pabalik balik sakit ng ulo ko. Baka ano na nagyayari sakin. Kaya habang maaga pa ay alam ko na at maagapan.

I took off my shirt at pumunta sa Cr. Freshen up Edward.

Unknown's POV:

"Halika iha, bihisan kita"

Sabi nung medyo may edad na babae, nginitian ko siya.

"Marunong na po ako"

Sabi ko,

"Ay talaga? Ah sige sige, kaya mo na ah?"

Paninigurado niya, tumango ako. Medyo madali ako matuto, ewan ko ba.

Bago siya umalis ay nagtanong siya:

"Ano ba pangalan mo?"

Napatitig ako sa mukha niya, pangalan? Anong panglan?

"Maya mo na sagutin, bihis ka na ah? At magluluto ako"

Pagkatapos nun ay lumabas na siya sa kwarto at isinara.

Isinuot ko yung binigay niyang damit, tinignan ko ang sarili ko sa salamin,

Ni hindi ko alam kung ako ba itong nakikita ko.

Umupo ako doon sa kama at biglang naalala ko yung lalaki na tinatawag nilang Edward.

Napangiti ako, i felt this sorrounding is dangerous but then felt safe when he's around.

And I just want to be with him, habang hindi ko pa kilala sarili ko.

Gusto ko pa siyang kilalanin.

Edward's POv:

Nung matapos akong maligo at magbihis ay bumaba ako agad, I need to clarify things with that strange girl.

Habang pababa palang ako ng hagdan ay nakikita ko na siya sa Sala na nanonood ng TV.

Kinuha ko yung remote, pinatay ang Tv at umupo sa harap niya.

At ayun na naman ngiti nya ng makita ako, at umupo rin siya ng maayos.

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon