Chapter 4
The Summer You Stole My Heart
by: Brittany In Love
Grant Joseph's POV
I can't control my anger. I wanna punch someone's face right at this moment! My mind's telling me to kill, but I know I can do better. Huminga ako ng malalim habang patuloy na nakatingin sa dance floor ng bar ni Nikko, ang bestfriend ko. Kabubukas palang kasi ng bar niya ang Andronikos. Hindi kasi ako makatanggi sa kanya kaya napilitan akong pumunta kahit na labag sa loob ko. Alam ko kasing magkikita kami dito ni Janice, at yun ang pinakahuling bagay na gusto kong mangyari. Subalit hindi naman kaya ng loob ko na magtampo siya sakin. Magkasosyo kami sa bar nato, pero wala akong hilig kaya hindi ako masyadong tutok sa pagmamanage nito. Hindi ko napigilan ang mapamura ng pagdating ko ay makita ko si Janice. At parang sinasadya nga ng pagkakataon, may kasama pa siyang lalaki. Ang sarap pasabugin ng muka ng lalaking iyon. Ang kapal ng muka nilang magpakita pa sa akin pagkatapos ng ginawa nila. Kabebreak lang namin ni Janice dahil nahuli ko siyang kahalikan ang lalaking kasama niya ngayon.
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naloko at ang masaklap pa, ako pa ang ginawa niyang masama at may kasalanan sa harap ng mga colleagues namin. Kesyo wala daw akong time sa kanya palagi, na lagi daw akong may kasamang ibang babae kaya punong puno na siya. Hindi naman ako perpektong tao, nagkakamali din ako. May mga pagkakataon na nagkulang ako sa kanya, pero tangna. Minahal ko siya at yun ang alam ko. Gusto kong lumapit sa kanila ng lalaking kasama niya, subalit naramdaman ko na may humawak sa balikat ko. Si Nikko.
"bro, Alam ko yung nararamdaman mo, pero hindi sila dapat pag aksayahan ng panahon, ikaw lang lalo ang magmumukang masama. " may simpatyang sabi niya, habang tinatapik ang balikat ko.
"Hindi ko kailangan ng simpatya Nikko, alam mo yan. At wala akong pakialam kung pag mukhain niya kong masama sa ibang tao. Ako ang naloko dito at gustong gusto kong bangasin ang pagmumuka ng lalaking yan!? They betrayed me!" Galit na sagot ko sa kanya. Alam ko namang walang magandang maidudulot ang gagawin ko. I close my fist until my knuckles turned white with rage. Hindi ko mapigilang magalit sa nakikita ko. I saw Janice kissing that guy while they were dancing. Their bodies are so closed I just can't control myself. FVCK! FVCK!! God dammit Janice! bakit mo ito ginagawa sa'kin?! Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko kung bakit minahal ko pa siya. I made another mistake again. I'm such a sh*t!! Fvck this life!
Dali dali akong lumabas ng bar at hindi ko na pinansin ang pagtawag sakin ni Nikko. Gusto kong lumabas para mawala lahat ng nararamdaman ko. Pumunta ko sa lugar kung saan nakapark ang Silver Porsche na dala ko ngayon. Nagsindi ako ng sigarilyo at pinagsisipa ang gulong nito. Kailangan ko ng malalabasan ng sama ng loob, kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong pagdiskitahan ang gulong ng sasakyan ko. Maya maya pa ay napansin kong may pulang toyota vios na nagpark di kalayuan sa pwesto ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi maalis ang tingin ko sa babaeng nakasakay doon. Hindi kasi tinted ang salamin nito kaya kitang kita ko siya. Akma na sana itong bababa ng bigla itong natigilan. Bigla itong sumakay muli sa loob ng sasakyan at nakamasid lang sa entrance ng bar. Bigla din ako napatingin sa lugar kung san nakabaling ang atensyon niya. Dahil hindi naman kalayuan ang pwesto ko sa kanya ay nakita ko kung paano siya nagulat ng Makita niyang bumaba ang isang babae at lalaki sa sasakyan. Hindi ko naman ugali ang makialam sa mga nangyayari sa paligid ko, subalit parang may pwersang nagsasabi sa akin na huwag alisin ang tingin ko sa babaeng ngayon ay nakadukdok sa manibela ng sasakyan niya. Kahit medyo may distansiya kami ay hindi ko padin mapigilan maapektuhan sa nangyayari sa kanya.
On instinct ay nilapitan ko siya. Kumatok ako sa bintana ng sasakyan niya at nang tumingin ito ay biglang binuksan ang bintana. Hindi ko alam, subalit parang kinurot ang puso ko ng mag angat siya ng mukha at Makita kong basang basa ito ng luha. At that very moment, God knows how much I wanted to grab her and comfort her. But wth! I don’t even know her. Instead ay tinanong ko nalang siya.
BINABASA MO ANG
THE SUMMER YOU STOLE MY HEART
RomanceHow will you feel if you were betrayed by the persons you trusted so much? What if one summer you broke your heart and a total stranger came and mend it. And in a blink of an eye, he stole your heart away? Be with Lexie as she tries to recover every...