Three

35 5 0
                                    

Namjoon's POV

I met Zeb. Ako nag-ayos sakanya kanina eh. And surprisingly, he asked me if pwede ba ko maging daddy for him just one day.

"Namjoon, okay lang ba pagkakalagay ko ng bow tie?" Tanong sakin ni Yoongi.

"Oo naman. Ang bilis ng panahon no? Biruin mo, ikakasal ka na pala? Tapos next month, magp-propose na si Kabayo kay Minri. No doubts, deserve nyo talaga ang mga babaeng papakasalan nyo." Sabi ko.

"Kase hyung, wag kang torpe. Sunggaban mo na agad. HAHAHA." singit naman ni Taehyung sabay akbay sakin.

"Oh tama na yang drama na yan! Di naman ako aalis eh. Napagkasunduan na namin ni Riahn na sa dorm tumira. Para na din makilala nyo sya ng mabuti." Sabi ni Yoongi.

"Soundproof naman yung kwarto mo diba?" Tatawa-tawang tanong ni Taehyung.

"Kahit kailan ka talagang alien ka! Oh, mga bangtangina nasa labas na yung sasakyan. Ang babagal nyo naman eh, drama pa ng drama! Halika na nga!" Sabi ni Jin sabay tulak samin palabas ng mansion.

Mas excited pa sa ikakasal HAHAHA.

Binasa ko yung invitation.

Na-stuck ako sa kinatatayuan ko ng mabasa ko na naman ang pangalan nya.

Maids of Honor

Hara Choi
Minri Kim
Quianah Sheeian Kim

At ang pangalang nakasulat sa may ring bearer.

Ring Bearers

Brix Andre Byun
Zedric Brae Kim

So ibig sabihin makikita ko sila mamaya?

Nag-iba naman yung tibok ng puso ko, kaba na baka magalit si Shee at excitement na makikita ko na yung bata.

Alam kaya nya?

Na ako ang tatay nya?

Sana...

Sana pinaalam nya man lang na buhay ako?

Teka---- Ako nga ba talaga tatay ni Zeb?

Haaaaaaaaaaaaayyysss! ANG GULO TALAGA!!!

Umalis na kami papunta sa church. Biruin mo mas pinili ang church wedding?

Shee's POV

I looked again at the invitation.

Partner ko ang hinayupak na sumira sa future ko?!

I shook my head.

Next time talaga, aattend na ko sa wedding rehearsals!

At titignan ko na din ng maaga ang invitation.

Three days ago, pinangako ko pa sa sarili ko na di kami lalantad sakanya.

Dito lang pala sa kasal ng best friend ko masisira lahat ng pangako ko sa sarili ko.

"Girl, I think this is the right time. You can't run away everytime na malalaman mong may concert or events sila near your area. You have to tell him! And introduce Zeb to his father!" Sabi ni Riahn.

"And then what Riahn?! Itatakbo nya si Zeb?! No way! Limang taon siyang nawala tapos manggugulo sya ngayon?!" Pangangatwiran ko.

"We already know that you'll use that phrases again para makalusot. Pero maawa ka kay Zeb at Namjoon! Kailangan nilang malaman!" Sabi ni Minri.

The Fan Girl's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon