Paasa nga ba?

95 8 14
                                    

(A/N: Listen to Yeng's PAASA T.A.N.G.A for better reading)

××××××

Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita,
Oo na crush kita
Pambihira oh dati pa

~~

Sinong relate sa kantang yan? Taas kamay! Well, isa rin ako sa super relate sa kantang yan. Feeling ko nga, para saakin talaga yung kantang yan eh. Ang pinagkaiba nga lang, wala pang GF yung crush ko. Pero ang ikinaparehas, nagbibigay rin siya ng motibo na crush niya rin ako. As in super! Itago nalang natin siya sa pangalang JD.

Bibigyan ko kayo ng mga motibo niya ha?

Nung nagmemeryenda kami with our co-filmmates. May ginagawa kasi kaming film for our school. Kausap ko yung partner ko sa film then medyo nagkasundo kami sa pinaguusapan namin then nag-apir kami. Napatingin naman ako sa gawi ni JD na kasalukuyang umiinom ng coke sa may kabilang gilid pero nagulat ako ang nakatingin siya saamin at mas nagulat ako nung magsalita siya ay sinabing..

"Grabe naman yan."

Pagkatapos nun ay agad siyang tumayo at guess what? Tumabi siya dun sa partner ko at sila naman ang nag-usap kaya tumalikod nalang ako sakanila. Alangan namang humarap ako sakanila at makinig sa pag-uusapan nila? Duh, tsismosa naman na ang dating ko nun mga bes.

Pagkatalikod ko ay kumuha naman ng pagkain yung kaibigan kong itago nalang natin sa pangalang Fie. Habang kumukuha siya ng pagkain at ako naman eh nakatalikod, narinig ko si JD na nagsalita ng word na "chubby" . Aba syempre, malakas sa pandinig jo yung word na yun kasi chubby ako. Hindi ako mataba pero chubby ako. Gets niyo?

Napatingin sakin agad si Fie nanlalaki ang mga mata sabay sabing, "Uy! May sasabihin ako sayo mamaya!"

So I have the guts na about dun sa chubby na narinig ko yung sasabihin niya.

After namin kumain, hinila niya ako agad palayo sa mga co-filmmates ko.

"Ano ba yun Fie?"

"Kasi si JD bes! Ganito yun. Kanina diba kumukuha ako ng pagkain tapos dumaan si Mylabs ko. Tapos sabi ni Ate President na "Uy Guel! Si Fie oh kain ng kain!" Tapos sabi naman ni mylabs ko, "okay lang yan para tumaba" tapos narinig kong nag-uusap sina JD tas si leading man mo about sa ideal girls nila. Tinanong ni JD si leading man mo kung anong ideal type niya tapos sabi ni leading man mo, yung tama lang daw yung pangangatawan. Tapos si JD naman, ang ideal type raw niya is CHUBBY!"

Nanlaki ang mga mata ko at halos di ako makapaniwala nun. Yung totoo? Kaya pala narinig ko yung word na chubby nun.

Tapos isa pang example ah?

Nung nagsho-shoot kami ng scene namin ng leading man ko. Hindi kami makapagsimula kasi alam niyo kung bakit?

Patuloy ang panggugulo ni JD sa camera man namin. Sabi siya ng sabi ng,

"Pre, parang madilim. Tumayo ka nalang." Tapos nung tumayo si camera man, sabi naman ni JD, "Pre, parang mas maayos pag nakaupo ka."

Oh diba? Yung totoo? Gusto ba niyang matuloy yung scene namin ng leading man ko?

Oh diba?

Isa pa is yung isa pa naming scene ni leading man. Naka-indian seat kami ni leading man and pinapractice na namin yung lines namin nung dumating siya.

Kumuha siya ng pagkain at humingi ako sakanya nun. Pero he stick his tongue out at sabi niya, "Ayoko nga." But in the end, binigyan niya rin ako. Pero sabi niya habang kumukuha ako ng pagkain, "Dapat ikaw ang food lover eh." Nanlaki ang mga mata ko. Alam mo kung bakit?

Kasi food lover ang partner niya sa film.

The whole time na nagpapractice kami ni leading man, andun lang siya sa tabi namin. Di siya umaalis. Kaya nung time na magsho-shoot na, sabi ni director. 
"Uy JD! Alis ka na diyan! Di ka kasama diyan uy!"

Kaya ayun.

Oh diba? Ano sa tingin niyo?

Ito pa. Sa classroom naman. Nagpapaturo sakin si Eah, bestfriend ko-- sa seatwork sa Science na hindi niya nagawa.

Tumabi ako kay JD bago ko sigawan si Eah na, "TURUAN NA KITA!"

Nagulat naman ako nung biglang nagsalita si JD sabay sabing,

"Ako nalang."

Ha? Anong siya nalang?

"Ako nalang turuan mo."

Nagtaka naman ako. Bakit ko siya tuturuan eh tapos na namin yung seatwork na yan.

"Ha? Diba tapos na natin yan?"

"Ay, akala ko yung sa math yung ituturo mo."
May quiz kasi kami sa math nun.

Isa pa. Marami kasi tong mga motibo niya kaya sensya na.

Nung pinatawag yung campus ministers.

Nung una, diko narinig kasi nag-uusap kami nila Fie, Han at ni Kiyo. Nagulat nalang ako nung dumaan si JD sa likuran ko at kinalabit ako. Napatingin naman ako sakanya at nagulat ako nung nakangiti siya.

"Uy, mga campus ministers daw." Sabi niya nang nakangiti.

Tumingin sakin yung tatlo at binigyan ako ng nakakalokong tingin. Alam kasi nila.

"Grabe JD ha! Campus minister din ako! Bakit dimo ko sinabihan?" Pabirong sabi ni Fie bago ako tinignan ng nakakaloko.

Oo nga, bakit ako lang ang sinabihan niya?

Isa pa is yung nagrereview kaming apat. (Ako, Fie, Han at Kiyo). Nagulat ako nung magpunta si JD sa pwesto namin at hinila niya yung upuan ko palapit sakin at doon siya umupo. Actually, nagrereview siya for our quiz sa MAPEH habang kaming apat, nagtsitsismisan.

Nagbiro naman uli si Fie,
"Grabe JD ha, magrereview na nga lang. Lilipat pa. Tapos lalapit pa. Grabe ha." Tumawa lang si JD at ipinagsawalang bahala ang sinabi ni Fie.

One more, uwian na.

May project kasi kami sa computer na pinaprint tapos binigay ko yung akin sa kaibigan ni JD para isabay na yung akin na ipass kay Sir. Nagulat ako nung dumaan ako sakanila na nakaupo sa damuhan ng pabilog. Nagulat ako nung lahat nung projects nila, nasa gitna at yung akin?

Nasa tabi ni JD.

Grabe diba? Anong meaning nun? Futek.

Marami pa siyang motibo at diko na yun ilalagay dito. Masyado nang maraming feels. Pero kasi ako ang nahihirapan. Ano bang meaning ng mga yun? Crush ba niya ako o trip lang niya?

Gusto kong malaman yung totoo kasi ayoko yung umaasa nanaman ako kasi mahirap. Diba?

Kayo? Ano sa tingin niyo?
Paasa nga ba si JD?

~ MichKimZhangMinLee

×××××

Sana po ay nagustuhan niyo ang one-shot na to :)

Kung nabitin man kayo, you can read my other works naman.

*Save me, my Miss Right= BTS Fanfic (On-Going)
*CRUSH(Short story) (Completed)=EXOPINK ff
*Addicted to her(Completed)=Exo Kai ff
*Kuya(One-shot)
*Over Again(Completed)=Myungsoo and Suzy ff

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paasa nga ba? (One-Shot)Where stories live. Discover now