Naglalakad ako papunta sa classroom niya para kahit papano man lang ay maging masaya ako. Hindi kasi ako natanggap sa try out kanina lang, hindi ko pa siguro oras para mapasama sa varsity ng school.
Malapit na ako sa classroom nila Clarissa ng may naririnig akong tilian ng mga babae.
"Kyaaaaaahhh! Nakaka-kilig naman si Bryan! Ang swerte ni Clarissa kung sakaling sagutin niya si Bryan! Kyaah~"
Para akong nabingi sa sinabi nung babaeng kakalabas lang ng classroom nila Clarissa, ewan ko pero natakot akong ituloy ang paglalakad ko.. Gustong kong tumakbo para lumayo ngunit may sarili atang utak ang mga paa ko dahil dire-diretso lang ito sa paglalakad.
Palakas ng palakas ang tilian ng unti-unti na akong napalapit sa eksenang iyon.
Naikuyom ko ang aking mga kamay ng nasa harap na ako ng kanilang pintuan, para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakikita ko.
Gusto kong suntukin ang lalaking naka-luhod ngayon sa harapan ni Clarissa. Gusto ko siyang pigilan sa ginagawa niya. Gusto kong tumakbo palapit sa kanila.. pero naalala ko, wala pala akong karapatan.. wala akong karapatan na suntukin at pigilan kung ano man ang nangyayari ngayon.
Naunahan ako.. naunahan akong lumuhod sa harap ni Clarissa.. naunahan akong hingin ang kanyang permiso at tanungin kung maaari ko ba siyang maging nobya. Naunahan ako ni Bryan..
Nakikita ko sa mukha ni Clarissa na napaka-saya niya, lalo pang umaliwalas ang kanyang napaka-among mukha. Nakikita ko din sa kanyang mata kung gaano siya nagagalak sa ginagawa ni Bryan.
"Clarissa.. You don't know how you making me happy when we are together, when we're sharing each others joke. Kahit sa mga simpleng bagay lang na ginagawa mo ay napakasaya ko na. So here I am, nakaluhod ako sa harap mo.. Saksi ang madaming tao.."
Sandaling napa-hinto si Bryan sa sasabihin niya. Nag-tilian na naman ang mga babaeng nanunuod sa eksenang ito.
"Can.. you be.. my Girlfriend..?"
Lalong lumakas ang sigawan ng mga babae. Nakaka-binging sigawan.
Naglakad na ako palayo dito, ayokong marinig ang sagot ni Clarissa. Sa nakikita ko pa lang nadudurog na ang aking puso ano pa kaya kung marinig ko pa ang sagot niya sa tanong ni Bryan.
"Say Yes Clarissa! Kyaaahh!"
"Kyaaah! Ang swerte mo Clarissa!"
"I think I'm already a fan of them. Clayan for real! Kyaaahh!!"
Nasasaktan na nga ako sa nakikita ko pati ba naman sa naririnig ko. Kung meron lang sana akong magic powers para maging manhid man lang pansamantala ay hindi ko na to nararamdaman.
Unti-unti na kong naglalakad habang ang dalawang kamay ko ay nasa aking bulsa ngunit napahinto ako ng marinig ang boses ni Clarissa. Napaka-tanga na naman ng aking mga paa.
"Bryan.."
"What Clarissa?"
Hindi ko maigalaw ang dalawa kong paa, para silang may sariling mga isip.
"It's a.."
"Yes.." Sabi ni Clarissa..
"Kyaaahhhh!"
"Oh my God!"
"Woooooh!
Sigawan ng mga taong naroroon.
Ang sakit. Ang sakit marinig ang salitang yun. Lalo na't nanggaling sa taong mahal ko. Napaka-saya ko sana kung ako ang lalaking nasa harap niya at sinagot niya ako sa tanong kong yun. Pero sadly that's not me.
YOU ARE READING
Late
Short StoryThey say that love can wait, right? but why my love didn't wait me.. [Short Story]