Chapter 4 : The Good Offer

9.1K 223 4
                                    

- SOPHIA'S POV -

"Sure ka? Hindi mo na siya pupuntahan sa last subject, malay mo pumasok na siya ulit." Pagkumbinsi ni Emily sa akin.


Umiling ako. "Hindi na.."


"Hmm.. Bahala ka. Maaga pa naman, samahan mo ko sa Mall, bibili lang ako ng gift para kay Mama." Sabi niya kaya napalingon ako.


"Birthday ng mama mo?"


Nameet ko na ang mga magulang ni Emily noong pasko at sobrang napakabait nila sa akin.


"Yup! Sasamahan mo ko, Ate?" Aniya saka siya nagpuppy eyes nang pinalupot niya ang kaniyang mga kamay sa aking braso. Masyado siyang malambing.


"Oo naman, mahaba pa ang oras."


Makapaglibang nga muna.


Sinamahan ko si Emily sa Mall na bumili ng cooking book para sa mama niya tapos ay naglibot kami. Masaya naman akong kasama si Emily dahil feeling ko may nakakabatang kapatid akong babae.


"Oh my!!" Biglang sabi niya habang may tinatanaw.


"Ano iyon?"


"I saw my cousin!! Iyon, oh?" Turo niya sa isang lalaking matangkad. Tapos tumingin si Emily sa akin. "Halika, ate, ipapakilala kita!"


Akmang hihilain na niya ako nang magpapigil ako. Sh*t! Kilala ko yung tinutukoy niya, eh! Hindi ako pwedeng magkamali. "Ahm, Emily kailangan kong magcr." Sabi ko sa kaniya at agad na kong lumiko papuntang cr.


Hindi naman ako magccr, magtatago lang ako. Bahagya akong dumungaw upang masilip sila at nakita ko na silang magkayap, pero di rin nagtagal ang yakapan nila.


"Oh my! Kuya, I didn't expect na makikita kita rito."


Ginulo naman ng lalaki ang  buhok ni Emily saka niya ito nginitian. "Tss... Silly.. I'm just buying some stuffs here. Maybe to your mama's gift."


"OMG! Really, Kuya? I'm sure mama would be happy if you there to her day."


"It should be. Are you alone?"


Umiling si Emily. "Nope. I'm with my classmate." Lilingon sana siya sa gawi ko nang bigla akong nagtago. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako at walang alam si Emily sa mga nangyari sa akin noong nakalipas na mga linggo. Tapos malalaman ko na magpinsan pala sila. Grabe, hindi ako makapaniwala. "Maybe she still inside the cr."


"I think I need to go, your crush is waiting for me." Saka niya kinindatan si Emily.


"Tse! Its Kuya William lang naman yun. Regards me na lang to him, okay?"


"Yeah.. Let's meet tomorrow. Bye, Em.."


"Okay, Kuya! See yah! Bye!"


Pagkaalis ng pinsan niya ay lumabas na ko mula sa tinataguan ko. "Pasensiya kung natagalan, mahaba ang pila sa loob." Palusot ko.


"Its okay, pero sayang hindi mo nameet ang pinsan ko. Uwi na tayo, ate?"


Tumango ako. "Sige. Kailangan ko na ring umuwi, eh.."


Habang nasa taxi kami ay nagsalita siya. "Ate, invite kita sa amin, birthday ni Mama bukas."


Bigla ko tuloy naalala ang pag-uusap nilang magpinsan, at siguradong pupunta ang lalaking iyon sa kanila bukas.


"Ahm.. Hindi ako sigurado, baka may puntahan ako bukas." Palusot ko.


"Aww.. Sayang.. But its okay.."


Pagdating ko sa apartment ko ay binagsak ko na ang bag sa kama saka ako napaupo. Napabugtong-hininga ako. Paano kaya ako makakaiwas gayong magpinsan pala sila? Haist!


Dahil sa lalaking iyon ay naalala ko na naman ang gabing kasama ko siya sa kama. Sana hindi na lang nangyari iyon.


Pagpasok ko sa trabaho ay agad kong nakita sina Manager Ching at Hana na may kausap na lalaki. Medyo nagulat pa ko nang agad akong tinuro ni Manager Ching.


"Ay! Heto na pala siya!" Si Manager ching, napatingin naman si Hana at ang lalaki. "Sophia, halika rito."


Lumapit naman ako sa kanila. "Ano po iyon?"


Nginitian naman nila ako. "May offer si Mr.Lim sayo.." Sabi ni Hana sa akin.


"Huh?" Sa akin ba talaga? Napatingin ako sa lalaking ito. Mukhang hindi naman kami nakakalayo ng edad, o mukhang mas bata pa siya kesa sa akin.


"Yes. You heard it, but its up to you if you want to get my offer. We are hiring for part time or full timers, si Miss Hana pumayag na rin because she's interested." Nakangiting sabi niya sa akin.


"A-Ano po ba 'yon?" Tanong ko.


"Chambermaid sa isang Luxury Hotel. 13k monthly salary namin doon."


Ano daw? 13k, ibig sabihin thirteen thousand a month? Seryoso ba to?



Biglang sumabat si Manager Ching. "Eh ayaw mo namang maging Model ko, maganda kung doon ka na lang." Sabi niya sa akin na tila naiiyak pa kunwari.


"Jusko! Si Madam nagdrama." Pabiro pa ni Hana, tapos tumingin siya sa akin. "Ano? Gora ka na rin ba, Sophia?"


Pilit akong napangiti at napakamot sa aking ulo. "Hanggang anong oras ang part time ko? Working student kasi ako.."


Mukhang magandang trabaho ito kesa sa pagiging waitress ko rito.





#ChaTara08

All Yours Are Mine [TGKS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon