KEN'S POV
"Mag-iingat kayo, anak."
"Don't worry, Mom. We'll be fine."
Niyakap ko si Mom.
"Mag-iingat kayo, babe."
I glance at Jeric and his fiancee, Yvette.
"Don't worry, Babe. Mag-iingat kami. Mahahanap at maliligtas namin sina Camille at Ethan. Tama si Ken eh, walang mangyayari kung maghihintay lang tayo dito sa update ng mga pulis."
I looked away as they hug each other.
"Hanapin niyo talaga sina Ate at pamangkin ko, Hubby ah? Di baleng hindi natuloy 'yung kasal natin ngayon, basta mahanap niyo lang sila! Please save them! Kaunting panahon palang kami nagkasama bilang magkapatid! Ayokong-"
"Hush, Sweetheart! They'll be fine. Don't think for worse. Mahahanap namin sila at maililigtas! Just think positive, okay?"
Kina Trixie at Paulo naman nabaling ang atensyon ko.
If I am not mistaken, si Paulo 'yung lalaki no'n sa lamay ni Borgy. Yung lalaking pinag-isipan kong isa sa mga nilalandi ni Camille. Nagkamali ako, ito pala ang papakasalan ng kapatid niya.
Damn me! Gusto kong suntukin ang sarili ngayon for being a jerk!
Realization sinks in, hinala lang ang lahat ng mga 'yun. Dahil sa sobrang sakit at galit, lahat ng lalaking nalalapit kay Camille ay pinag-iisipan ko ng masama without even thinking that I hurt her!
Tama si Evangelista, wala na akong ginawa kundi ang saktan si Camille.
I gripped my fist.
I'm sorry if I hurt you! I'm sorry for my effin' pride! Hahanapin ko kayo ng anak natin, Camille! Lilibutin ko ang buong Baguio o ang buong Pilipinas, mahanap ko lang kayo! At kung sino man ang nasa likod nito, magbabayad sila!
"You okay bro?"
Untag sa'kin ni Jeric."Huwag kang mag-alala, mahahanap natin sila! Ikakasal pa nga kayo ni Camille eh! Magiging best man pa ako!"
Napangiti ako dun sa sinabi niya.
"Let's go?"
Tinanguan namin si Paulo.
"Mag-iingat kayo, mga anak."
Binalingan namin si Tita Alicia."We will, Tita."
Sagot ko rito."Armado ang mga dumukot sa anak at apo ko, kaya mag-iingat kayo! Sana gabayan kayo ng Panginoon."
Nginitian ko si Tito Roman.
"Maraming salamat sa pag-aalala, Tito. Pero kakayanin namin sila. Para sa kaligtasan ng mag-ina ko!"
Sagot ko na may determinasyon at tapang.Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari mamaya, basta sisiguraduhin ko na ligtas ang mag-ina ko! Even if it takes my own life!
Tuluyan na kaming nagpaalam sa kanila.
"Wait! I have to get something!"
Pigil sa'min ni Paulo nang akmang aapakan ko na ang gasolinador ng sasakyan.Lumabas ito at nagmamadaling nagtungo sa sasakyan nito. May kinuha itong isang waistbag. Bumalik din agad ito pagkatapos at sumakay sa backseat. Si Jeric naman ang katabi ko.
"Ano yan?"
Tanong namin sa kanya.He smirked.
Binuksan niya ito at pinakita sa amin ang laman nito. Napasipol si Jeric nang makita ito. Nagsalubong naman ang kilay ko pero sa kaloob-looban ay masaya ako na mayroon siyang ganito.
BINABASA MO ANG
A Night With My Husband's Brother
RomanceWarning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your own risks! P.S. This is my first ever story.