"Hoy Panget! Wag mo kong iwan dito please." Nakakainis naman 'to. Mang-iwan daw ba? Bwisit siya.
"Ow? Ano bang kailangan mo Sungit?" Tapos ngayon babalik ka at kakausapin mo ako. Malamang, tinawag mo nga siya eh. Ay, oo nga pala. Hehe. (>_<)
"Tse! Dyan ka na nga Panget, tutal pangit ka naman talaga!" Di naman talaga siya pangit. Pang-asar ko lang sa kanya. Gwapo kaya ni crush. Oo, tama kayo crush ko siya. Matagal na kaso bestfriends lang talaga kami. Huhu. Daya!
Nilapitan niya ako. Yes naman! This is my time to revenge. Nilagpasan ko siya. Whoo! Pakipot konti Bella. Kaya mo 'yan.
Kaso hinila niya yung wrist ko. Then...
1
2
3
4
5
OMO. Five seconds kiss. Waaaaahhhh. I can't breathe. Help me.
"I love you Sungit" nananaginip ba ako? Sinabihan niya ba talaga ako ng 'I love you sungit'. Is this the end? Wag naman sana.
"..."
"Bingi ka ba? Mahal kita Sungit" ayan na naman siya. Inulit niya ulet. Mahal niya ba talaga ako? Sana nga.
"..."
"Sige, kapag hindi ka pa nagsalita dyan hahalikan ulit kita" ano daw? Babatukan niya ako. Subukan niya lamg malilintikan siya sakin.
Kaso unti-unti na naman lumalapit ang mukha sa mukha ko.
Dug. Dug. Dug. Dug.
"Waaaahhhhh DANE!!!" Di ko na kaya. Sasabog na yata ako sa sobrang kilig. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Hay! Buti naman nagsalita ka na. Kaso wala man lang 'I love you too' eh" huh? Eh paano ko ba sasabihin? Di ko alam eh. Kasi naman 'tong si Panget, bigla bigla na lang magsasalita ng ganoon.
"..."
"Uy. Magsalita ka naman dyan. Nakakahiya pala talaga yung sinabi ko" ehh? Ang cute niya. Nag pout pa talaga. Ganyan ka na lang please? Hehe
Kaso palakad na yata siya palayo. Uyyy. Wag teka lang naman
"I love you too Panget!" Ayyy. Bakit ko ba nasabi 'yon? Bahala na si BATMAN, basta bumalik ka lang.