Tinanong ako ng kaibigan ko, "Mahal mo o mahal ka?" Sa tanong na iyon ako'y napaisip. Litong lito ako kung sino ang pipiliin ko. Kung pipiliin ko ba ang mahal ko ay mayroong masasaktan? Kung pipiliin ko ba ang may mahal sa'kin ay magiging patas ba ako rito? 'Di ko mawari kung sino sakanilang dalawa.
Napabalikwas ako sa aking pagtulog nang marinig ang sigaw ni Mrs. Perez, "Ms. Ramos! Lutang ka na naman!" Aking kinusot ang aking mga mata at tinitigan ang aming pisara.
Wala akong pakielam kung maraming nakatingin sa'kin. Alam nila ang aking kwento sapagkat kanilang nasaksihan ang pangyayari kung bakit ako nagkaganito.
Narinig kong dumighay ang aming guro at pumunta sa pisara.
"Ms. Ramos, make an incident report. NOW" agad akong kumuha ng isang bahaging papel at aking isinulat ang mga nangyare. Nang matapos kong madepensahan ang aking sarili ay tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase.
Nililigpit ko na ang aking mga gamit ng biglang may naramdaman akong presensiya .Napatingin ako agad sa aking gilid at aking nakita ang nababagot kong kaibigan na si Jess.
"Nako, Eya! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Lahat ng tao nakamove on na! Ikaw na lang diyan ang hindi. Matagal na siyang wala. Sana naman tanggapin mo na iyon dahil kaming mga nakapaligid sa'yo ay nag aalala na. Hindi ka na namin makilala!" Nagpatuloy lamang ako saking ginagawa.
"Ayusin mo yang sarili mo. May pupuntahan tayo. It's time for you to meet other people." Napatingin ako sakanya ng 'di oras.
"I'm not coming." Aking isinara ang aking bag at tumayo. Hinablot ni jess ang aking braso.
"Sige na, bes. Please? Promise hindi ka magsisisi!" Masiglang sabi nito. Napaisnab na lang ako at tumango. Agad niya akong hinila palanas sa aming silid aralan.
-
"Saan ba tayo pupunta?" Naasar kong banggit.
"Nako, bes! Chill ka lang. Papi si Trex!" Ako lang ba o nakita kong kumislap ang mata niya?
Urgh. A Y O KO. Kung hindi lang makulit itong si Jess, malamang nasa bahay ako ngayon at kumakain ng icecream. I just wasted my time for meeting an anonymous person. Useless. Grrr!"SAAN BA?!" Hindi na ako nakapagtimpi at nasigawan ko siya. Kita ko ang gulat sakanyang mga mata, ngunit bugla itong ngumiti.
"Andito na tayo bes." Napatingin ako agad sa taas upang makita kung anong panglan ng restaurant na ito.
Love avenue
Seriously? How cheesy.
Kumaway siya don sa lalaking nakaputing polo.
"Troy!" O..kay. Weird, akala ko ba si trex?
"Sila na ba yan?"
Nabigla ako nang may marinig akong nagsalita. Hindi ako nagkakamali. Bumilis agad ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses na iyon.Tumayo si.. uhmm, ano kasi ulit pangalan nito? Nakatingin lamang ako sakanya habang papunta sa direksyon ni Jess.
"Troy, si eeya nga pala. Eeya, si troy pinsan ni trex." Ohh right. Troy nga pala name.
"Trex! Dali, andito na yung ipapakilala ni Jess." Tawag ni Troy sa lalaking naka black shirt.
"Heto na. Hi, I'm Trex Hendrix Santos." Nang makaharap ko siya, hindi pala 'siya' iyon. Nadismaya ako ng ibang tao ang kaharap ko.
Siniko ako ni Jess, parang sinasabi niyang magpakilala rin ako.
Ngumiti ako at kinamayan siya. "Eeya Dee Arctic"
Pumunta na kami sa aming table. Katabi ni Jess si Troy at nakatabi ko naman si Trex.
"Uhm, so how's your day ladies?" Nakangiting tanong ni troy.
"Good. I'm so glad that both of you made it!" Masiglang sabi ni jess. Napabusangot naman ako roon. Biglang tumingin sa'kin si trex.
"Ayaw ko sa'yo." Mariin na sabi ni trex. Napangiti ako rito at tumayo.
"Same feelings! I don't like you either!" Agad kong napansin ang pagdighay ng dalawanh nakaupo.
"Antisocials" sabay nilang pagkasabi. Nagtawanan naman ang dalawa.
"Pwede bang umupo ka? Mukha kang tangang nakatayo riyan at nakangiti." Wow. Ang harsh. I like it!
"Abnormal." Pailing iling na sabi ni trex.
Napatawa naman ako ng di oras. That's funny!
"Seryoso, galing bang metal 'tong kasama mo?" Naiiritang tanong ni trex kay jess. Bigla namang umiling si jess.
"Nako hinde! Ngayon nga lang iyan tumawa matapos siyanh iwan ni king." Napatahimik ako nang marinig ko ang pangngalan na iyon."Guys, I-I really need to go. Something urgent." Nabubulol kong sabi.
"But you just came, aalis ka agad?" Tumango ako rito at umalis sa restau na iyon, pero bago ako makatapak sa labas. Narinig kong magsalita si trex.
"No wonder iniwan siya ng boyfriend niya. Duwag siya." Napapikit ako ng mariin at isinara ang aking kamao. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may mabunggo akong lalake.
"Eeya?" Biglang tumigil ang paligid, parang manequin challenge. Ew. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kaharap ko ang taong sumira sa sating eeya.
"King."