Chapter 1

49 1 0
                                    

Phoebe's Pov.

"RISE AND SHINEEEEEEE--putahamnida aray!"batuhin ba naman ako ng unan!

"Alam kong oras na para gumising,P. But seriously!? Do you really need to shout!?"napasimangot naman ako. Ang aga aga ang sungit neto ni Gabby. day siguro huehue.

"Excited lang ako Gabby! Eto naman...beastmode agad. Teka si Eli di pa yata gising!"napatingin naman siya kay Eli na hanggang ngayon balot na balot parin ng kumot. Sakto,green pa kumot niya. Suman amputa HAHAHA.

"Isa lang naman sulusyon dyan."gabby

"Hana..."ako

"Dul..."gabby

"SET!!!"ayuuuun...sabay lang naman namin dinaganan si Eli mwuahahaha.

"ARAY KO SHIT!"oh see? She's awake!

"Good morning Eliiiii!"sabi naming dalawa ni Gabby. Sweet namin noh?

"Ughhh...good morning din pero nak ng tokwa ang bigat niyo!"naawa naman kami kaya tumayo na kami ni Gabby.

"Ano gusto niyong breakfast?"tanong ni Gabby.

"Omelette!"me

"Corn beef!"Eli

"Aba leshe...magkaiba pa ng gusto. Pero k lang. Pagsasamahin ko nalang."sabi ni Gabby tapos lumabas na siya ng room. Pupunta siyang kusina of course,alangan sa kwarto magluto?

Saming tatlo kasi si Gabby lang marunong magluto. And obvious naman na magkakasama kaming tatlo sa isang maliit na apartment. Isang room nga lang kami eh hahaha. When we turned 16 nagdecide kaming tatlo na sa isang bahay nalang tumira. Para na rin matuto kami maging independent. At nirequest rin yun ng parents namin noh!

And bago ko pa makalimutan...I'm Phoebe Alessandra Park. 18 years old. 3rd year college na ko and business management ang course ko. Same as Gabby and Eli. Kami kasi magmamana ng business ng parents namin. Yes,mayaman kami pero sa apartment lang kami nakatira. Galing diba? Okay going back to my introduction...charot lang. Wala na nga kong masabi eh. Basta yun na yon. Maganda ako. Yun lang.

After 15 minutes natapos na rin maligo si Eli kaya ako naman next since nagluluto pa nga si Gabby.

Eli's Pov.

Annyeong~!

Eliana Serene Jung at your service! Hehe. So di ako katulad ni Phoebe na may pagkahaba haba na introduction. Basta cute ako. Yun na yon.

"GABBYYYY! Di pa ba tapos yan!?"sigaw ko since nasa baba siya.

"TANGINA MO! Ikaw nalang magluto ano!?"ayyy...di naman mabiro si ateng!

"JOKE LANG AYLABYU!"sigaw ko pabalik.

Nagpatuloy nalang ako sa pagpili ng outfit ko for today. Sa aming tatlo ako yung pinakamapili sa damit. Let's say...pinakamaarte? Hehe. Nagsuot nalang ako ng blue off shoulder blouse and skinny jeans. While si Phoebe naman naka red lang na dress. Tapos si Gabby nakaboxers lang tsaka sando HAHAHA dejk. Syempre nagluluto pa malay ko ba sa susuotin nun!

"Oy mga mahal na reyna...handa na po yung pagkain niyo."Gabby...sabay diretso sa cr. Kaming dalawa ni P bumababa na para kumain.

**After 30 minutes**

So on the way na kami ngayon sa school huehue. Panibagong boring na araw na naman.

Inlove With My Hater(BTS ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon