CHAPTER EIGHTEEN: New Arrival

218K 1.9K 19
                                    

It was three days since Ethan said those words that left me speechless standing at the doorway of my room. Mula noon, hindi na uli kami nagkausap. Balik na naman kami sa dati na bihira lang magkabanggaan ang kaluluwa kahit sa iisang apartment kami nakatira.

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Pinaglalaruan lang ba niya ako? One moment, pinapaalala niya sa 'kin na we'll never be more than fuck buddies. Then the next, he insinuates that I am more than just a notch on his bedpost.

He is driving me crazy!

At hindi ako dapat maging distracted ngayon. It's the midterms.

"Veronica!" Si Caleb iyon. I stopped on my tracks. Tumakbo siya palapit sa 'kin.

"Kumusta na papa mo?" Ngayon lang uli kami nagkita mula ng gabing sinamahan niya ako sa ospital kung saan na-admit ang Dadskie ko.

"Okay na siya. Na-discharge na nga siya kahapon e."

"That's good to hear. Ikaw, kumusta ka na?" Heto, tanga pa rin. Hindi pa rin nadadala sa mga panggagago ni Ethan.

"Okay naman. Busy sa midterms."

"Papunta kang library?" Tanong niya. Tumango ako. "Doon rin punta ko. Sabay na tayo?"

"Sure."

Magkatabi kaming naglakad papunta sa malaking gusali.

"This Saturday, free ka ba?" Bigla ay tanong niya.

"Wala naman akong gagawin. Bakit?"

"Gusto mo pumunta ng farm? Sama ka sa 'kin."

Nag-isip ako. I got nothing to do this weekend. Saka baka kailangan ko lang ng bagong tanawin para malinawan ang isip ko.

"Sige, sama ako."

Ngumiti siya ng malaki.

"Great! Sigurado ako magugustuhan mo 'dun." Pumasok na kami sa entrance ng library.

I just finished taking my midterm exam for one of my major subjects. Na-drain ang utak ko. Pabalik na ako ng apartment. Gusto ko ng matulog.

Pagkarating ko sa apartment ay ipapasok ko na sana sa pintuan ang susi ko pero bumukas iyon. Kaharap ko ang isang babae.

Magkasingtangkad lang kami. Mestisa siya. Maganda, parang artista. Mukha ring hindi nagkakalayo ang mga edad namin.

"Yes?" Pati boses niya maganda.

"Umm...dito ang apartment ko. Sino ka?" Her face lit up in recognition.

"Oh, so ikaw 'yung kasama ni Ethan dito sa apartment." Ngumiti siya sa 'kin. Hindi ko alam pero nag-aalangan akong ngumiti pabalik sa kanya. "Bumalik siya sa school. I'm Katie, by the way. Ethan and I are childhood friends. Dito muna ako tutuloy for the meantime. I hope that's okay with you."

Hindi ako nakapagsalita. Napilitan lang akong tumango. Sino ba talaga ang babaeng ito sa buhay ni Ethan at hindi ako mapanatag ng loob na nandito siya sa apartment ngayon?

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon