Chapter 33: The Escape

446K 18.5K 2.7K
                                    

Chapter 33: The Escape

Binigyan ako ni Dylan ng oras para magdecision. I need to sort my mind out. Pero alam kong kailangan kong magmadali bago muling lumala ang sitwasyon. I need to go back to a place long been forgotten to sort my own demon out. Ito lang ang paraan upang maayos ang lahat.

Pero ano nga ba ang alam ko tungkol sa aking pamilya? I was too young to remember all the details about my Dad. Ilan lamang ang mga alaala na tungkol sa kanya. The way he used to laugh, a deep hearty chuckle. Kung paano niya ako buhatin sa kanyang balikat. And how he used to dance with my Mom in the middle of the living room while humming a song they both loved. He never mentioned about his family. I was too young to notice what was wrong.

Noong hapong yon, kung saan tapos na ang lahat ng gawain sa mansion pinuntahan ko si Aunt Helga sa kusina. Nadatnan ko siyang nagtitimpla ng tsaa. She offered me a cup. Umupo ako sa silya habang hawak ng mahigpit ang tasa ng tsaa.

"Aunt Helga," panimula ko. "May alam ba kayo tungkol sa aking pamilya? Sa mga Arden?"

Natigilan siya sa ginagawa. Pero walang pagtataka na makikita sa kanyang mukha. Inasahan na niyang itatanong ko ang tungkol sa bagay na ito.

"Tulad ng sinabi ko noon, ilang bagay lamang ang alam ko tungkol sa iyong Ama." Mahinahon niyang sinabi.

Umupo siya sa silya katapat ko.

"Pinakilala na lamang siya ni Katherine sa amin isang araw. Sa unang kita ko pa lang sa kanya alam ko na kung saan siya nabibilang. Sa ilang taon kong paninilbihan ko sa pamilya Van Zanth naging pamilyar sa akin ang kanilang pangalan. Arden."

"Ang mga Arden at Van Zanth noon pa man malaki na ang hidwaan na namamagitan sa dalawang pamilya. Narinig ko noon mula kay Katherine na maging ang pamilya ni Lauro ay tinututulan siya. Tulad ng Van Zanth, isang maimpluwensiya na pamilya ang mga Arden."

"Sa mga oras na ito alam kong alam mo na kung anong pamilya ang meron ka, Laura. Isa sila sa pinaka malaking pamilya ng mga hunters. They are train to kill hybrids. At ganon din ang mga tao sa lugar na nasasakupan nila. Ang bullet, nasayo parin ito hindi ba?"

Tumango ako.

"Sinabi ni Wilhelmina bago siya namaalam na darating ang araw na may mga taong maghahanap sayo. Yon ang iniiwasan ng iyong Ama at Ina dahil hindi nila gusto na matulad ka sa kanila. Ang makulong sa paniniwala ng isang pamilya. Hindi ka nasilayan ng mga Arden sa mahabang panahon subalit dugo parin nila ang nananalaytay sayo."

"Aunt Helga, maaari ka bang mangako sa akin?"

"Tungkol saan, hija?"

"Tulungan niyo akong ayusin ang gulong ito. Kailangan ko silang balikan upang matapos na ito. Kailangan kong ipaliwanag ang lahat."

Bumakas ang matinding pangamba sa kanyang mukha. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kailangan kong umalis. I need to persuade my grandfather and explain the aituation personally. Maybe he will understand. Something's got to give. This rivalry will end here, in this generation, with Zander and I."

"Pero Laura-"

"Ayokong maulit lamang ang lahat. Ayoko ng tumakas o magtago o makitang nagsa-sakripisyo ang ibang tao para sa akin. Ayokong mapuno ng takot na ano mang araw ay maaari kaming malayo sa isa't isa."

Tinitigan ako ni Aunt Helga. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Aunt Helga, babalik ako. Hindi ko iiwan si Zander. Hindi ko siya kayang iwan. Gusto ko lang na magkaroon ng normal na buhay. I want a normal life with Zander, a normal future together."

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon