"Ikaw Jan bakit wala ka pang nililigawan?" napatingin ako kay ninong James na nakangiti sa akin. Napatingin din sila Mommy at Daddy sa akin.
Sasabihin ko ba na nag kakagusto ako sa bunso niyang anak?
"Hihintayin ko po si Era at liligawan ko po siya.." binababa ni Ninong James ang kutsarang gamit niya at tumawa ng malakas.
Sumunod si Daddy na umiiling pa si Mommy naman ay kinurot si Daddy . Yumuko nalang ako at tumingin sa pag kain ko.
"Let's see.."