"Anak bakit nag mamadali kang umalis? Kumain ka muna." umiling lang ako at humalik sa pisngi ni Mommy at Daddy.
"May pupuntahan pa ako My, pero promise kakaain po ako!" lumabas na ako ng bahay at agad na pumunta sa bahay nila Ninang Julie.
"Magandang umaga po manang!!" masiglang sabi ko narinig ko kasi na ngayon ang uwi ni Jan-Jan..
"Oh napadalaw ka ija? Nakaalis na si Elly at may lakad ito." ngumiti ako kay Manang at kumamot ng batok.
"Andyan po ba si Jan-Jan?" kumunot ang noo ni Manang.
"Ang Kuya Jan-Jan mo ba?.." ayoko siyang tawaging kuya kasi alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako sa kanya. ".. Naku doon dumiretso sa condo niya sa makati." lumungkot ang muka ko pero pinilit kong ngumiti kay Manang at nag paalam na aalis na ako.
Simula ng maka graduate siya pinadala agad siya ni Ninong sa London para doon ipag patuloy ang Masteral niya at the same time manguna sa Business nila doon.
4 years din siyang namalagi doon. Nangako pa siya na babalik siya .
"Aalis ka?" tanong ko sa kanya habang sinisintas niya ang sapatos ko. Bakasyon ngayon kaya pumasyal kami kasama ang pamilya namin sa Tagaytay.
"Oo.." simpleng sabi niya at tumayo sa harap ko at ngumiti.
"Sabi mo di mo ako iiwan? Bakit aalis ka?" ngumuso ako. Tumawa siya at kinurot ang aking pisngi.
"Doon ko itutuloy ang pag aaral ko. Pero wag kang mag alala babalik ako.. Babalikan kita."
Yaan ang pangako na pinanghahawakan ko simula ng umalis siya. At ngayon ay 4 year college na ako .
Pumara nalang ako ng taxi para pumunta sa school. Dirediretso lang akong pumasok at tumungo na ako sa first subject ko. Tatlong subject lang naman ang papasukan ko ngayong araw.
"Era, ang aga mo ata." napaangat ang ulo ko sa kaklase ko at ngumiti lang ako sa kanya.
"Sakto lang." biglang kumalam ang sikmura ko . Shoot di pa nga pala ako kumakain."Erin, lalabas lang ako . May bibilhin lang! Paki tignan nalang yung gamit ko." tumango siya sa akin at kinuha ko ang wallet ko at cellphone sandwich nalang ang bibilhin ko para mabilis na kainan lang.
"Ate, isa nga pong tuna sandwich tsaka isa pong bottled water." nag bayad ako at ngumiti siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.
"Kelan ko kaya mararanasan na ngitian ng isang katulad mo." napairap nalang ako at di ko na siya pinansin."See? Nag sasalita palang ako nakairap kana. Stop doing that, will you? Lalo kitang nagugustuhan."
"Shut up Luke! Tsaka pwede ba tantanan mo na ako! Wala kang mapapala sa akin!" iritang sabi ko at nilagpasan ko pa siya pero sobrang bilis niyang mag lakad. Nasa harap ko na siya ngayon at nag lalakad ng nakaharap sa akin.
"Umayos ka nga."
"Ui, concern siya! Kahit anong pag tataboy mo di mo ako mapapahinto!" nag flying kiss siya sa akin at kumindat bago tuluyang tumakbo paalis.
Pumasok na ako sa klase ko at marami nang tao . Di ko sila close tamang usap lang di talaga matatawag na kaibigan.
Ng matapos akong kumain sakto naman ang dating ng Prof namin. Naupo nalang ako at nakinig habang nag lelecture siya.
"Okay bukas may exam tayo! Class dismissed ! And Miss Reid ?! Kanina kapa inaantay ng lalaking iyon."
Tumingin ako sa labas at tanging lalaking naka jacket at nakalagay ang hood sa ulo nito habang nakayuko.
Nilabas ko na ito. Nasa harap niya na ako pero parang wala itong pake. Kinalabit kona siya at doon lang umangat ang ulo niya.
"Hinahanap mo daw ako?" tumitig lang siya sa akin at parang ineeksamin ang aking muka. Nailang ako sa pag titig niya kasi parang may dumi ako sa muka.
"So.. you're Princess Era Reid!" tanging sabi niya at umiling pa bago tuluyang umalis.
Kumunot ang noo ko sa ginawa ng lalaking yun. Problema nun? Nag kibit balikat nalang ako at pumasok sa classroom para kunin ang bag ko.
Maayos na natapos ang klase ko , palabas na ako ng makita ko si Ate Ema na sobrang laki ng pinagbago niya. Di na siya sumasama sa mga kaibigan niya pati kilos niya iba na naging aloof na siya. Simula nung nag pasya na sila Ninong na pauwiin na siya dito sa manila ay naging tahimik na ito. Wala na din ang kaartehan sa katawan niya.
Dumiretso na siya sa kotse nila na nag aantay sa labas. Sunod kong nakita si Elly na malaki na din ang pinagbago. Wala na ang salamin nito at nagiging plaayos na sa sarili. Pumasok din siya sa kotse at tsaka iyon umalis.
"Hi." napairap nalang ako at di ko siya pinansin at diretso palabas kung saan nag aantay ang Driver ni Daddy.
"Tantanan mo na nga ako Luke." inis kong sabi
"Masama bang makasabay ka kahit sa palabas ng campus? Wala naman magagalit ah." inirapan ko nalang siya at binilisan ko pa ang lakad."Balang araw sabay na tayo sa lahat ng bagay Era!"
"Tumigil ka nga sa pinag sasabi mo.." sumimangot na ako sa sobrang inis ko.
"Anong nangyayari dito?" nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig kong muli ang kanyang boses.
"Jan-Jan.."