Kabanata II

55 5 1
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin kay Luke.

"Halika na at pinapasunod kana ni Ninong sa akin." tanging sabi niya at umalis na tinignan ko si Luke na umalis na . Nakayuko akong sumunod sa kanya.


Kinausap siya ang driver namin at umalis na ito. Lumakad siya patungo sa isa pang kotseng itim na Ford. Binuksan niya ang backseat kaya kumunot ang noo ko.

Di ba pwede na sa Front seat nalang ako? Di na ako nag salita kahit gusto ko napakalamig kasi ng pakikitungo niya sa akin.


"Oh, bakit nakasimangot ka nanaman?" napatingin ako sa Front seat , kaya pala . Mapait akong ngumiti ! Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Hi, you must be Era! Nice meeting you." ngumiti lang ako , habang unti unting kinakain ng insecurity yung pag katao ko.

Tumingin ako kay Jan-Jan na nakatingin lang sa daan. Seryoso ang mata niya.




"By the way , I'm Marina!" ngumiti ako at tumango. Di ko na kaylangang mag pakilala tutal naman kilala niya na ako.


Tinitigan ko siya maganda ang kanyang mata pero parang may lungkot dito. Mahaba ang buhok siya at may pagka kulot sa dulo. Morena ang kulay ng kanyang balat. Ako? Maputla tapos yung buhok ko kulot din ang dulo.

Nang makita ko na ang bahay namin ay agad akong bumaba at pumasok sa loob di na ako nag paalam at umalis na. Nakita ko sila Ninang Julie at Ninong Elmo pati sila Ate Ema at Elly. Anong meron?




"Anak, magbihis kana at may konting salo salo ngayon para sa pag uwi ng kuya Jan-Jan mo." ngumiti nalang ako at umakyat na sa kwarto.




Tahimik lang kaming kumakain, inikot ko ang aking mata sa hapag at nakita ko na nakakunot ang noo ni Ninong Elmo. Bakit kaya?



"My Decision is final Dad!" sabi ni Jan-Jan kaya napatingin ako.



"Well sorry to say this son pero di ako papayag!" madiing sabi ni ninong hinawakan ni Ninang ang braso ni Ninong para pakalmahin ito tumataas na kasi ang boses niya.


Tumingin ako kay Mommy na nakatingin at malungkot itong tumitingin sa akin. Habang si Daddy ay naka tingin lang kay Jan-Jan.




"Bakit naging stupid ka?" napatingin ako kay Ate Ema na blanko lang ang tingin kay Jan-Jan.




"Bakit ba di niyo nalang tanggapin na mag papakasal na ako ?" nagulat ako ng hinampas niya ang lamesa at tumayo. Sumikip ang dibdib ko sa narinig ko mula sa kanya.



Napatingin ako kay Ninong Elmo na parang wala lang ang pag sabog ni Jan-Jan at napaka kalma lang nito.





"Kasi di katangaptangap! Kung mag papakasal kayo I don't care . Ituloy mo but.. Walang dadalo ni isa sa pamilya mo!" final na sabi ni Ninong at umalis habang si Ninang ay sumunod kay Ninong.



Tumingin ako kay Ate Ema na nakatingin sa akin at umiling pa ito. Bago tumingin kay Jan-Jan na naka kunot ang noo at namumula at leeg pataas sa pisngi at tenga nito.




"Era, pumasok kana sa kwarto mo. Mag pahinga kana." tumingin ako kay Daddy na nakatingin lang kay Jan-Jan.





"You know what..? Di kita matatanggap sa pamilya namin. Sino naman kaya ang isusunod mo?" napatingin ako kay Ate Ema na sinasamaan ng tingin si Marina.




"You're just bitter Ema." sarcastic na sabi ni Jan-Jan na ikinakunot ng noo ko.



"So?" matapang na sagot ni Ate Ema. "I'm sorry sa kinahinatnan ng Family Dinner na 'to Ninong! May sampid kasi. Susunod na po kami kila Mommy. Halika na El, and one more thing kuya! Don't you dare bring her to our house!" sabi ni Ate Ema at hinila si Elly na nakayuko lang na lumabas. Close nga pala sila ni Jan-Jan.




Napatingin ako kay Marina na suminghot pa ito. Lalapit na dapat ako kay hinila na ako ni Mommy papanik sa kwarto ko.



Tulala lang ako sa loob ng kwarto ko. At inaalala ang mga nangyari. First nag kita ulit kami ni Jan-Jan and Second ikakasal na siya. Anong nangyari sa pangako na babalik siya? Babalikan niya ako? Babalik nga siya pero may baong balita na dudurog sa puso ko. Bakit pa kasi ako umasa?





Kinabukasan ay nakita ko si Marina na lumabas sa guest room medyo maga ang mata niya pero ngumiti siya sa akin.




"G-Good Morning.." bati ko ngumiti siya kaya ngumiti na ako. "Tara sabay na tayong mag breakfast."



"Hindi na.. Nakaka abala na ako masyado."



"Ganoon ba? Saan ka pupunta? Kila Ninong Elmo? Tara at ihahatid nalang kita."




"Totoo nga yung sinabi ni Jan-Jan na mabait ka.. Hindi na. Meron naman kaming condo sa Makati doon nalang ako tutuloy." may kung anong sumaksak sa puso ko sa sinabi niya. Iniwas ko ang aking tingin ng maramdaman ko na nanlalabo ang paningin ko.


"Ipapahatid nalang kita kay Mang Bong." tanging sabi ko at pumasok sa kwarto ko bago tuluyang bumaksak ang luha ko.



Mag hahapon na ng lumabas ako ng kwarto ko. Agad bumungad sa akin si Kuya Yuan. Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap ng mahigpit.




"Kuya.." masayang sabi ko. Si kuya lang ang sinasabihan ko ng lahat sikreto ko. Napaiyak na ako sa kanyang balikat.




"I'm starting to think how to kill Jan-Jan.. Ayokong umiiyak ang Princess ko." yumakap lang ako ng matapos ay inayos ni kuya ang buhok ko na nag kalat sa muka ko.




"Kung ganyan lang ang mapapala mo sa kanya Era stop it na. Ayoko yung lagi ka nalang na iiyak. Kaya ayokong ipanood sayo yung mga Disney Princesses eh. Umaasa ka na magiging Prince charming mo siya." di ako nag sasalita at nakikinig lang ako kay Kuya.




"Ikakasal na siya Era. Kaya please lang.."




"Pero diba tinuruan mo akong lumaban para sa nararamdaman ko. Diba sabi mo kung mahal mo ipaglaban mo."





"Yeah, sinabi ko yan.. Pero baby! Wala kanang laban, ikakasal na sila."




"What if meron?"






"Era.." nag babanta na sabi ni Kuya. Pero tinignan ko siya ng puno ng diterminasyon. Napabuntong hininga nalang siya kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Once na malaman ko na umiyak ka ulit and same reason. Sasama ka na aa akin sa New York."

Wishing StarWhere stories live. Discover now