Andrea's PovPagkapasok namin sa loob ng mall, pinagtitinginan yung kasama ko habang naglalakad kami. Paano ba naman parang nasa red carpet kung maglakad masyadong malakas ang dating yan tuloy andaming napapatingin sakanya, kahit pa nakahawak na sya sa kamay ko parang walang pakielam yung mga babaeng titig na titig sakanya. Ang sarap lang sigawan ng 'Hello Girlfriend here!' pero hindi ko naman gagawin yun may delikadesa pa rin naman akong babae. Kaya lang may mga tao talagang magpapalabas ng bitch side ng isang tao. Kasing kapal ba naman ng pinakamakapal na bagay ang mukha ng dalawang teenager na to. Lalapit lapit pa sa soon to be husband ko e kita na ngang andito ako sa tabi nya. 😒
"Hi kuya! Pahingi naman akong number mo." napairap na lang ako sa kinikilig na itsura ng babaeng to. Tinignan ako ni Zach, tinignan ko rin sya na para bang sinasabihan ng "subukan mong ibigay sasamain ka sakin" look. Napangisi lang naman ito.
"Hindi pwede." walang emosyong sabi nito, napanguso na lang yung babae.
"Papicture na lang please" nagpuppy eyes pa. Pwe! Hindi sya cute ako lang. Hmp! Tinignan ulit ako ni Zach na parang humihingi ng permiso. Tinignan ko naman ang babae, picture lang naman diba? Tumango na lang ako. Nakita ko namang natuwa ang babae.
"Pakipicture naman kami" mataray na sabi nito at saka inabot sakin yung phone nya. Aba tangina nito ah. Kakalbuhin ko to e. Ang taray e mukha namang bisugo. 😒
Kinuhanan ko sila ng picture or should I say yung babae lang sya lang yung kinuha ko sa litrato. Wahahaha! Kala nya. Hinila ko na agad si Zach pagkaabot ko ng phone sa babae, narinig ko pang sumigaw to pero tinawanan ko lang.
"Anong kalokohan anv ginawa mo?" nakangising tanong nya. Umiling lang ako.
"Tara dun tayo!" turo ko sa McDo. Tinignan nya lang ako ng masama. Ayaw kasi nya sa mga fastfood chain, He's into finest restaurants. Napanguso na lang ako.
Nagbuntong hininga sya saka ako hinila papuntang McDo. Told ya di nya ako matitiis.
"May bayad to huwag kang ngingiti ngiti dyan." nakangising sabi nito. Bayad? Ako ba magbabayad ng order ko? Aba okay lang. May pera ako no.
"Okay lang, may pera ako no"
"Ako ang magbabayad ng order mo. Sa akin ka magbabayad, Hindi ko kailangan ng pera mo dahil marami ako nyan."
"Eh ano?"
"Sexy time." pilyong sagot nito saka ako kinindatan. Sa dinami-dami ng nagbago sakanya ng magkaayos kami, ang pagiging pilyo ang nasobrahan nya.
Pauwi na kami ngayon ni Zach galing park. Yes! Nagpunta kami park ng matapos kaming manuod ng sine sa mall. Ngingiti ngiti syang nagdadrive, kanina pa nga yan e tapos pag tinanong ko naman ang isasagot lang 'wala'. Saka simula ng may tumawag di nya na ako pinapansin kailangan ko pa talagang magpapansin para lang mapansin nya ako.
Pagkarating namin sa bahay, bakit parang andilim naman atta ng bahay ngayon.
"Za-" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil paglingon ko sa driver seat wala na si Zach doon, Hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. 😖
Bumaba na ako sa kotse saka pumasok sa bahay. Hinanap ko sa buong bahay si Zach, hinalughog ko na ang buong bahay pero wala pa rin akong makitang Zach. Naiiyak na ako. Sino ba kasi yung tumawag?! Tangina naman oh.
Paakyat na ako sa kwarto ko ng makita kong may umilaw sa may poolside sa may garden. Dali dali akong pumunta roon dahil nagbabaka sakaling nandoon si Zach, Napahinto ako sa nakita ko sa garden.
Bakit ganito? What's happening?
"Oh ~ I'm sorry girl,
Forr causing you much pain yeah 🎶" Nagulat ako ng marinig kong magstrum sya ng gitaranat kumanta. Nakatayo sa may pool side na may hawak na gitara."Didn't mean to make you cry,
Make your efforts all in vain.
And I apologize,
For all the thing I've done. Yeah ~
You were loving me so much,
But all I did was let you down. 🎶" napaiyak na lang ako ng until until syang lumapit sakin habang kumakanta pa din sya. Nakangiti lang sya sakin."Oh I really don't know just what to say,
All I know is that I want you to stay. 🎶" He really have a nice voice, a handsome face, a oh so yummy body, a successful career, a loving personality, He's almost perfect. I'm so lucky to have him in my life."This time I'm not gonna let you slip away.
This time I'm not gonna let another day go by.
Without holding you so tight,
Without treating you so right,
This time I'm not gonna let go of your love
This time I promise you that we'll rise above it all
And I won't ever let you fall,
I'm gonna give you my all this time, 🎶" pagkatapos nyang kumanta at syang paglapit nya na ng tuluyan saakin."Quisha Andrea Rivas, We met when I was 3 years old and you were 2 years old that time. I'm so young that time, pero naisip no na na ikaw any babaeng papakasalan ko, ang babaeng makakasama ko habang buhay. I know it's corny, but what can I do this is the magic of love. I know I'm one of the smartest person all over the world but when It comes to you, I'm stupid and weak. Yes you're my weakness at the same time my strength. You're the reason of my everything. Marami na tayong napagdaanan and alam kong marami pang pagsubok ang dadating. But whatever those challenges is, I want to face it together with you." Umiiyak lang ako sa buong oras na nagsasalita sya. Tears of joy, I really can't help it, The man I love is kneeling infront of me.
"Quisha Andrea Rivas will you do the honor to be my wife? To be Mrs. Quisha Andrea Rivas Hanz?" nakangiti lang ito sakin.
Niyakap ko sya at sunod-sunod na tumango.
"Yes baby, I'll marry you." umiiyak pa rin na sagot ko. Niyakap nya ako ng mahigpit saka hinalikan ang noo ko.
"Iloveyou princess" sabi nito at hinawi ang buhok na nasa mukha ko at pinunasan ang mga luha sa mga mata at pisingi ko.
"Iloveyoutoo baby" nakangiting sagot ko. Nginitian nya din ako, Bago nya ako halikan and the rest is history.
-
1045
